12

28.4K 719 42
                                    

ARAW ng kasal. Naroon na sa loob ng malaking library ang magkakasal, ganoon din ang mag-amang Luis at Billie. Billie was wearing a simple white dress which she hated dahil lalo siyang nagmukhang dose anyos. Kung siya ang nasunod, she would have opted for jeans and cotton blouse.

"There will be no visitors, Daddy," katwiran niya na itinirintas ang buhok. "Lance hates me... hates this wedding and I don't want to marry him. Tama lang ang ganitong ayos."

"You are behaving ridiculously, Billie Rose," patuloy ni Luis sa galit na tono. "Change that jeans right now!"

Naniningkit ang mga matang lumingon siya sa ama. "I have nothing but jeans and t-shirts, Daddy! You should know that by now..."

Biglang lumambot ang mukha ni Luis Montaño at umiwas ng tingin at tumalikod upang lumabas ng silid.

"Daddy..." banayad na tawag ni Billie. Lumingon si Luis and she swore she saw mist in his eyes na gustong magpahikbi sa dalagita. "You are so handsome in that Barong. I have never seen you wear that before..."

Nag-alis ng bara ng lalamunan si Luis. "Luma... na ito," he smiled and brokenly said: "Kasintanda mo, nineteen years old. I... I wore this on my wedding with your mother..."

Sa dalawang hakbang ay nasa mga bisig ng ama si Billie at humagulhol ng iyak. "Hush... you will wet my... my..." hindi nito nakuhang tapusin ang sinasabi at mahigpit na kinabig ang anak. "I'm sorry, Billie Rose, I'm sorry. I know I have been a lousy father to you..."

"I love you, Daddy, and I missed Mommy, too..."

"Sana'y kaya kong baguhin ang mga nangyari, Billie," patuloy nito sa basag na tinig at masuyong dinaanan ng daliri ang freckles niya sa may ilong. "I don't know how you can cope with Lance Navarro... you're young, naive and innocent. But—"

Kumawala sa ama si Billie and smiled through tears at pinahid ng palad ang mga mata. "I don't want our ranch to be foreclosed either. Now, let's get started, Mr. Montaño. We don't want the groom to keep on waiting, do we?" As usual ay nagawa niyang pagaanin ang sitwasyon. Sa huling sandali ay nakita niya ang totoong Luis Montaño na sa loob ng maraming taon ay kinain ang puso ng maraming kapaitan at hinanakit. Idagdag pang higit ang pagkawala ng mommy niya.

Alam niyang may mababago sa relasyon nilang mag-ama simula sa sandaling iyon. At sapat na iyon upang magbigay ng lakas sa kanya upang harapin si Lance Navarro at ang kahihinatnan niya sa pagpapakasal dito.

Ibinigay sa kanya ni Nana Tonya ang isang puting damit na ginamit ni Alaina sa graduation nito sa high school. At bagaman maluwag nang bahagya ay hindi na niya binigyang pansin. The dress was perhaps preferable than jeans and cotton blouse.

Napukaw ang pag-iisip niya nang halos pabalyang bumukas ang pinto ng library. Natuon ang pansin ng lahat sa pagsungaw ni Lance. Beatriz gasped in horror nang makitang nakamaong at nakakamiseta lang ng puti ang anak. Paika itong pumasok sa loob.

Sinulyapan ni Lance ang magkakasal na nakanganga sa ayos ng binata. "Let's go on with this wedding and get over with sa pinakamabilis na paraan," utos nito sa pormal at malamig na tono.

"Oh, yes." si Billie who forced a smile para maibsan ang tensiyon. "I can't wait to be Mrs. Lance Navarro..."

Tumalim ang mga mata ni Lance na noon lang siya pinagtuunan ng tingin. Tumikhim ang magkakasal at ilang sandali pa ay sinimulan na nito ang rituals. Hindi sinasadyang napatingin sa may pinto si Lance at nakita roon si Alvaro na nakasandal sa nakasarang pinto. Walang anumang emosyon sa mukha nito habang gusto niyang magmura sa galit. He didn't want his brother's presence.

"Lance Navarro," ang nagkakasal na nagpabaling sa tingin ng binata rito. "I repeat, do you take this woman to be your lawful wedded wife and—"

"I do," mabilis nitong sagot na hindi na pinatapos ang sasabihin ng kaharap na napahugot ng paghinga. Hindi man gustuhing mag-angat ng mukha ni Billie ay nagawa niya. Nakayuko sa kanya si Lance, his eyes full of contempt and hatred.

In minutes, the wedding was over.

"You can kiss the bride now," wika ng nagkasal na halatang hindi malaman kung paano ngingiti.

"Oh, let's dispense the traditions." iwinasiwas ni Lance ang kamay. "We can do it in private," dugtong nito na hinawakan sa braso si Billie sa gulat niya. At bago pa nagawang kamayan sila ng mga magulang ay inakay nito palabas ang bride. Huminto sa tapat ni Alvaro.

"I didn't invite you here, brother," galit nitong sinabi. "At dahil nandito ka na rin lang, make yourself useful and drive us."

Nagsalubong ang mga kilay ni Alvaro. "Where?"

"To our honeymoon, where else?" Isang misteryosong ngiti ang pinakawalan ni Lance na nagpabangon ng matinding kaba kay Billie.

"Do you have to leave so soon, Lance, Billie?" si Franco na nakabawi sa pagkabigla at humabol sa dalawa sa gitna ng sala.

"I've done my duty, Papa." nilingon nito ang ama sa nakatiim na mga bagang. "Now, leave us alone," at tuloy-tuloy na nitong hinila ang asawa palabas kahit na nahihirapan dahil sa crutch.Si Billie ay nilingon ang mga magulang na hindi malaman ang sasabihin.

"Oh, hayaan na natin ang mga bata," ani Franco na pilit ngumiti at hinarap ang tatlo. "They're married now. Let's toast to that..." humakbang ito patungo sa wine decanter.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon