7

28.4K 663 12
                                    

PAGKATAPOS ng labintatlong oras na biyahe ay lumapag sa NAIA ang flight ng magkapatid. At dahil nasa malapit sa may pinto ay hindi na nakita ng binata si Billie bukod sa tuluyan na itong nawala sa isip niya.

Sa mansiyon ay ganoon na lang ang gulat ni Lance nang hindi lang ang mga magulang ang sumalubong sa kanya. Naroon si Bernard at Jewel. Una siyang kinumusta ni Bernard bago ito nahila ng papa niya.

"Hi. How are you?" tanong ni Jewel nang makawala sa pagkakayakap sa ina ang binata.Niyuko ni Lance ang crutch. "An addition to my charm, don't you think so?" tuya nito sa sariii.She smiled sympathetically. "Temporarily. Your leg will heal soon and you'll be as good as new."

Nagkibit ng mga balikat ang binata at masuyong hinagod ng tingin si Jewel. "Thank you for coming, how's Lenny?" tanong nito kasabay ng pagsulyap kay Bernard na kausap ni Franco at Alvaro.

"Oh, he's fine. Gusto nga sanang sumama pero sabi namin ni Bernard ay dadalaw na lang kami uli na kasama siya. We were so worried when we heard the news, Lance," wika nito nang makaupo na siya at maupo na rin ito sa tapat niya.

Hindi sinagot ni Lance iyon at tinitigan ang babaeng unang nagpaligalig sa puso niya. "Kumusta ka na?" he asked softly, pagkatapos ay agad na idinagdag: "O, hindi ko na kailangang itanong? It's all over your face. You're glowing with happiness..."

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Jewel. "I'm so happy, Lance, alam mo iyon kahit noong bago ka umalis patungong Texas, 'di ba?" Isang tango ang isinagot ng binata. "Pero hindi kailangang ako ang pag-usapan natin. I am really so glad you came out alive, friend." ginagap nito ang kamay niya at pinisil.

Isang pagak na tawa ang pinakawalan ni Lance. "Masamang damo, alam mo na," sinabayan nito ng kibit ng mga balikat. "Hell, but I hated this damn crutch and hated the pain in my left leg." tumiim ang mga bagang nito at galit na niyuko ang kaliwang binti.

"Isang buwang mahigit pa lang mula nang mangyari ang aksidente, Lance, at alalahanin mong napinsala ang mga ugat mo sa binti. It's normal that you will feel pain for a while. Let's be thankful that the accident didn't do you so much damage." she shivered at the thought dahil ang unang balita ay hindi na ito makakalakad.

Hindi nito kayang isipin ang magiging damdamin ng isang tulad ni Lance kung malulumpo. Strong and healthy and full of life. She could already feel the bitterness and anger sa paggamit pa lamang niya ng saklay.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon