1

43.8K 932 41
                                    


Manila


DINAMPOT ni Lance ang sobreng nasa ibabaw ng mesa niya. He recognized at once the feminine handwriting. Iyon ang ikalawang sulat na tinanggap niya sa buwang iyon mula sa iisang tao. Sa labas ng sobre ay may nakalagay na Personal and Confidential.

At ang mga ganoong mails ay hindi pinakikialaman ng sekretarya niya. He sighed at inabot ang letter opener at binuksan ang sobre. Lazily, he read the contents.

Dear Mr. Navarro,

This is my second letter. I have no idea if you received the first one which I sent two weeks ago. I know you are a busy man but I wish you'd give me a little of your time. Please call me at the ranch anytime during the night. It's about us. I want annulment.

B. Navarro

His smile didn't reach his eyes as he leaned on his swivel chair. The letter was signed Billie. Muli niyang sinulyapan ang pambungad. Mr. Navarro. Indeed.

Annulment?


SA TANAWIN sa labas ng maliit na bintana ng eroplano nakatitig si Billie. May ilang minuto na siyang nakayuko sa mga ulap. More than three years ago, she was on the same flight pauwi sa Pilipinas.

No. Mabilis na salungat ng isip niya. Hindi talaga pauwi. Philippines had never been her home. She wasn't born there. She's an American, ipinanganak sa America, may Amerikanong ina at... at Pilipinong ama. Ang daddy niya—may kirot na bahagyang bumangon sa dibdib. Kirot na hindi na nagkapuwang nang hawakan siya sa kamay ni Luke.

"A penny for your thoughts?"

Nilingon niya ang kasama and gave him a faint smile. Isinandig ang ulo sa balikat nito. "Nothing. Iniisip ko lang kung bakit napapayag mo akong sumama sa iyong bumalik ng Pilipinas," she half-lied.

He gave an amused smile that made the handsome face even handsomer. Ang uri ng ngiti na hindi iilang babae ang nabighani. Tall, fair, and handsome and gray eyes. At may kulay ng buhok na kung tawagin ay dirty blonde. Matipunong katawan na utang nito sa gym at regular na pangangalaga.

Ang ngiti nito ay hindi dahil sa sinabi niya kundi kung paano niya iyon sinabi.

"Your tagalog is excellent, honey. I'm impressed," tukso nito.

Lumabi si Billie. Alam niyang hindi totoo iyon. Bagaman deretso siyang managalog lalo at kung hindi naman malalim ang sinasabi ay para siyang loka sa pakiramdam niya sa paraan ng pagsasalita dahil sa American accent.

Pinisil niya ang kamay ni Luke na nakahawak sa kanya at ikinapit ang braso sa braso nito. Na para bang kumukuha ng assurance mula rito sa maaaring kahihinatnan ng pag-uwi nilang pareho.

"Dumadaloy sa mga ugat ko ang pag-aalala mo," pabirong wika nito bagaman totoo ang sinabi. Hindi tulad niya, deretsong managalog si Luke. Sa Pilipinas ito ipinanganak at nag-aral.

Mestisong Amerikano rin ang lalaki sa Pilipinang ina at Amerikanong ama. But his parents divorced ten years ago at may iba nang pamilya ang ama nito. Ganoon din ang ina nito who married a department store franchiser. And Luke at thirty-six, had been married and divorced twice.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. "Ipinaalam ko kay Nick na uuwi ako, Luke. He wanted me to stay at his mansion."

Nagsalubong ang mga kilay ng lalaki sa sinabi niya. "Hindi mo sinabi sa akin na nakipagkita ka sa pinsan mo."

"Tulad ng sinabi ko sa iyo," she sighed. "Every now and then he visits me mula nang mamatay ang Papa." muli ang bahagyang kirot sa dibdib niya.

"Your cousin hates me," naiiritang wika nito.

"Nick doesn't hate you, Luke," pagsisinungaling niya. Kasabay niyon ang pagbabalik sa isip nang naganap na usapan nila ng pinsan bago ang flight niyang ito.

"Sa mansiyon ka uuwi Billie Rose" mariing wika ni Nick. "Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang sumama ka sa lalaking iyon sa pag-uwi. Ano na lang ang sasabihin ng Papa at Tita Beatriz?!"

"What do you think would they say, Nick?" wika niya sa pinaghalong pagkalito at banayad na galit. "It's been more than three years and I am entitled to my life, too, so I needed that legal separation, annulment or whatever!"

"Nonsense!" sawata ni Nick sa sinasabi niya. Pagkatapos ay tinitigan ang pinsan at biglang nagbago ang mood. The handsome face softened and said gently, "I am sorry, pet. I know you have the right to do what you want. At hindi ko alam kung sino ang sisisihin ko, kung ang Tito Luis o ang Papa o ang Lolo Vicente..." ang huling tinukoy nito ay ang ama ni Monica at Luis Montaño na matagal nang namayapa.

"Tapos na iyon, Nick," she said wearily. "Matagal nang wala ang Lolo at ganoon din si... Daddy..."Tumango ito at muling tumiim ang mukha. "Hindi kita kahit kailan kinunsinti sa pakikipag-boyfriend mo sa Luke na iyan, Billie. It's uncalled for. Pero hindi kita masisisi at ako mismo ang gagawa ng paraan upang makawala ka sa pagkakatali kung tamang lalaki ang napili mo kaysa sa Luke Wendell na iyan." bahagyang gumalawang muscle sa mukha nito sa sinabi. "And let me remind you, Billie, hindi ako papayag na masabit sa pamilya natin ang lalaking iyan, if—inuulit ko, if you will be successful in your meeting with my brother."

"What have you got against him, Nick?" Bahagyang umangat ang tinig niya sa nakatatandang pinsan. "Mature and responsible at may mabuting trabaho bilang ahente ng mga assembled furniture products."

"That is your opinion," magaspang nitong sagot. "Anyway, dahil pinlano mong lahat ang pagbabalik ng Pilipinas, I want you to stay at the mansion subalit tinitiyak ko sa iyo, Billie, na hindi madaling gawin ang gusto mo. And by gods, I want to hate my brother and father for this..."

Mula sa likod ay masuyo niyang niyakap ang pinsan at inihilig ang ulo sa malapad nitong likod. "I'm twenty-two, big cousin, remember? And thank you so much for caring though I know you have your own trouble and pain, Nick. I doubt if you have recovered from the loss yet."

Hindi sumagot si Nick. Sa halip ay naramdaman niya ang pag-igting ng mga muscles nito sa likod and she sighed in sympathy.

"Huwag mong ipagtanggol ang pinsan mong mayabang, Billie," paismid na wika ni Luke na bahagya pa niyang ikinagulat. "He is bitter at gusto niyang pati ikaw ay ikulong sa kapaitang taglay niya. He doesn't want to set you free."

Gusto niyang salungatin ang kasintahan pero minabuting magsawalang-kibo. Hindi siya naniniwalang hindi gusto ni Nick na mapalaya siya sa kalagayan niya. Only, Nick belonged to the old folks who believed that marriage is marriage. What God hath bound together let no man put asunder. At anuman ang suliranin ay nahahanapan ng paraan kung nananatiling kasal sa isa't isa.

Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon