"WHO was that sexy brunette? Isn't she too young for your taste, Lance?" bungad ni Jenny sa kapatid na inabutang nakaupo sa swivel chair at tila may malalim na iniisip. "Eighteen lang yata ang babaeng iyon, ah."
"Nakita mo siya sa labas?"
Bahagyang nangunot ang magandang noo ni Jenny. Was it excitement that she saw on his brother's eyes.
"Who is she? A new conquest? Matamis sa simula but after a couple of dates, may kapalit na naman? O siya iyong tinatawag na commercial break sa pagitan ninyo ni Charry?" she said in a gentle sarcasm. "Kunsabagay, dalawang buwan na kayo ni Charry at nakapagtatakang hanggang ngayon ay mag-on pa rin kayo..."
"May appointment ako, may kailangan ka sa akin?" Hindi nito pinansin ang sinasabi ng kapatid at inayos ang laman ng attaché case.
Nagkibit ng mga balikat si Jenny. "Manghihingi ng pabor." she smiled and pouted her lips,
"Iiwanan ko sana sa iyo mamaya ang pamangkin mo dahil may pupuntahan kami ni Zandro." nang akmang magpoprotesta si Lance ay agad na dinugtungan ni Jenny. "Kasama naman ang yaya niya, Lance. At isa pa, 'di ba, you don't date on Saturday evenings dahil gusto mo maagang nagigising para sa Manila Polo Club?"
"Wrong, brat," wika nito na isinara ang attaché case. "I have a date tonight with that young and sexy brunette you met outside. At sa bahay mismo. And you can cancel your date."
Nanlaki ang mga mata ni Jennifer. "Date sa bahay mo! Lance, kailan ka pa nagdala ng babae sa bahay mo?" hindi makapaniwalang bulalas nito.
"Starting tonight." tumayo ito at dinampot ang coat sa silya. "And I can't help it, brat. That brunette happened to be my wife."
"Oh!" bulalas ni Jennifer nang marehistro sa isip ang sinabi ng kapatid. Too stunned to say anything. Nang maka-recover sa pagkabigla ay biglang tumalikod at nagmamadaling lumabas.
"Dulce, nasaan si... si... si Mrs. Navarro?"
ALAS-ONSE y media na nang makauwi sa bahay si Lance. Matapos maiparada ang sports car ay ginamit ang sariling susi upang makapasok.
Tahimik ang buong kabahayan at hindi na marahil siya nahintay ni Billie. She must have fallen asleep waiting for him.
Funny, subalit wala siyang natatandaang nagmamadali siyang umuwi sa gitna ng meeting. At kung siya ang nasunod ay hindi na siya sumama sa club upang i-treat ang mga kliyente. And he intended to stay at the club for a while at uuwi na rin agad subalit nakita niya roon ang mag-asawang Bernard at Jewel, celebrating their anniversary privately. Humaba ang gabi niya.
"Are you with us, buddy?" natatawang tanong ni Bernard dahil tila nasa malayo ang isip niya.
"Kanina ka pa hindi mapalagay, Lance," ang isa sa dalawang kliyenteng dinala niya sa club na iyon. "Do you have a previous appointment?"
He smiled sheepishly at sinulyapan si Jewel na sa tingin niya ay lalong gumanda after two children. Nagtatanong ang mga mata nito sa kanya bagaman hindi nagsasalita.
"As a matter of fact, I promised to dine with someone." sinulyapan niya ang relo sa braso. "It's quarter past nine, I might make it still, kung pakakawalan ninyo ako."
Sinikap niyang itago ang iritasyon nang magtawanan ang mga nasa mesa. He smiled faintly.
"C'mon, lover boy," ang ikalawang kliyente. "You can send bunch of roses tomorrow kung sino man ang kausap mo ngayon. Knowing your charm, Lance, she'll melt in your arms like honey.
Bibihirang mangyaring makasama namin kayong dalawa ni Bernard sa iisang gabi with his lovely wife." sinulyapan nito si Jewel na matamis na ngumiti.
At wala siyang nagawa kundi ang manatili sa grupo. At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, he got bored with the company of friends.
Maliban sa ilaw sa labas ay madilim sa loob ng kabahayan. At may hindi sinasadyang naapakan siyang biglang gumawa ng ingay at muntik na niyang ikatumba.
"Dammit!" bulong niya at inabot ang switch ng lampshade sa tabi ng sofa. Niyuko ang natapakan. "What is—a barbie doll!"
Hindi pa niya maisip kung bakit may barbie doll sa sahig nang matuunan nito ng pansin ang iba pang laruan ng batang nagkalat sa tiled floor. Napaangat siya ng tingin sa itaas at umiling. Binitiwan ang laruan at tinungo ang hagdan.
Tatlo ang silid sa itaas at natitiyak niyang wala sa loob ng silid niya si Billie, though, subconsciously, at the corner of his mind ay umasam na makikita ito roon.
He tried the first bedroom. Hindi naka-lock ang pinto at may malamlam na liwanag mula sa lampshade. Pumasok siya at sa ibabaw ng kama ay naroon at mahimbing na natutulog si Billie at nakaunan sa isang braso nito ang dalawang taong gulang na pamangkin niya. Ang isang braso ay nakayakap sa batang babae.
Humakbang siya palapit at maingat na naupo sa gilid ng kama at tahimik na pinagmasdan ang dalawa. May kung anong init na humaplos sa bahagi ng dibdib niya sa tanawin. Whatever it was, he couldn't give the strange feeling a name.
Billie was so serene in her sleep with a two-year-old baby in her arms. Untamed curls framing the pretty face.
Ano ang nangyayari sa kanya? Paanong kanina pa lang umaga nang sabihin ng receptionist na nasa ibaba si Billie ay may kung anong tila sumuntok sa sikmura niya. At nang sumungaw si Billie sa pinto, he was really stunned bagaman sinikap na huwag rumehistro iyon sa mukha. Ano na nga ang tawag ni Billie doon? the ugly duckling turned out to be a swan?
At ilang daang beses na niyang itinanong sa sarili kung bakit hindi niya napigilan ang sariling hagkan si Billie kanina sa opisina. And he almost lost his mind habang angkin ang mga labi nito. Her lips were warm, soft and sweet.
Tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi niya and stared at his sleeping wife tenderly. She wasn't such an ugly duckling then though she wasn't as beautiful as she was now. She was young and boyish in her looks.
And why he invited her to stay in his house, he didn't know. Basta na lang inilabas ng bibig niya iyon. And he hated those paparazzi torturing her at tiyak na hindi kayang pakitunguhan ni Billie ang mga reporters sa sandaling lumabas ang balita kung mananatili ito sa mansiyon ni Nick.
Though he didn't contacted her for the last three and a half years ay hindi naalis sa isip niya ang anyo ng asawa bago ito nawalan ng malay sa apartment ng kaibigang tattoo artist. He hated himself then, matapos humupa ang bugso ng galit. Kahit ang sarili ay hindi niya mapaniwalaang nagawa niya iyon.
Bukod tanging si Alvaro lamang ang nakakaalam sa ginawa niyang pagpapalagay rito ng tattoo. Ganoon pa man ay matinding away ang nangyari sa kanilang mag-ama nang malaman ni Franco na bumalik ng Texas ang manugang. Away na hindi niya gustong alalahanin. They had never been the same again. Lagi nang may nakapagitang pader sa kanilang mag-ama. Had it not been for his mother, malamang na hindi na sila nag-uusap ni Franco.
BINABASA MO ANG
Kristine 12 - Rose Tattoo (UNEDITED)(COMPLETED)
RomantikWhen Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco Navarro. Minutes after the forced wedding, dinala siya nito sa kaibigang tattoo artist and to her ho...