Chapter I
Isang tipikal na mag-aaral ng isang public school sa Rizal High School si Eloisa Mae, grade 3 palang siya ay may sarili na siyang ipon dahil sa kanyang pagsisikap.
"Loi, pakidala naman nito anak kay Mrs. Gracia, na ipinagawa niyang gown na susuutin daw ng anak nitong maggi JS prom"
"Opo nay"
"Ay! 'nak, kunin mo narin yong bayad at dyan kana rin kumuha ng pambaon mo"
"Naku nay, wag na po kasi marami akong benta kahapon sa mga tinda ko sa school."
"Ngayon nga palang bakasyon anak, anong gagawin mo? Gusto mo bang magpunta tayo sa probisya ng mga tita mo? Doon tayo magbakasyon?"
"Wag na po muna 'Nay, tutulong po ako doon sa isang karendiria malapit sa school, marami daw customer lagi kaya naghahanap sila ng maghuhugas, para may pandagdag ako sa ipon ko at para hindi na po kayo mag gastos ng mga gamit ko sa school sa susunod na pasukan. Hay naku 'Nay, maligaya po ako kasi sa susunod na school year, graduating na po ako, di ba 'Nay?"
"Aba, oo naman anak, bakit ba sa tingin ko sayo, para namang masyado kang nagmamadali lumaki? Natatakot ako para sayo anak, baka naman bigla ka na lang ma-over fatigue nyan."
Isang araw nagsisigaw si Eloisa Mae, habang tumatakbo papasok ng bahay nila.
"'Nay, 'Nay, tignan niyo po ito, 4,000 pesos nakalagay sa sobre, binigay po ito galing sa City Hall, birthday daw po ni Mayor, kaya bilang regalo daw po, namimigay po siya ng financial assistance sa mga top daw sa bawat grade, sa iba't - ibang halaga, yong iba daw po ay may 3,000 at 2,000 pesos, depende daw po sa taas ng grade" sobrang tuwa ni Loi habang nagkikwento.
Pero biglang nawala ang tuwa niya nang makita ang nanay niya na namumutla na hawak hawak ang kanyang tiyan.
"Bakit po 'Nay?" nag aalalang tanong ni Loi sa kanyang ina.
"Masakit na masakit ang tiyan ko anak" sagot ng nanghihina niyang ina.
Nagmadali niyang iniakbay sa kanyang balikat ang kanyang ina.
"Dadalhin ko po kayo sa ospital"
~~~
Tatlong araw lang ay namatay ang kanyang ina, stage 4 colon cancer daw ang ikinamatay ng kanyang ina.
Inasikaso naman ng mga kamag anak ni Loi ang pagpapaburol, hanggang sa paglibing ng kanyang ina.
"Eloisa, gusto mo bang sumama na lang sa amin sa probinsya at doon ka na rin mag High School?" tanong yon sakanya ng kanyang tita Merly. "Pagsisikapan kitang pag aralin, para naman mapanatag ang nanay mo" patuloy pa ng kanyang tita Merly. "Napag - usapan kasi namin ng tito mo, kasi ang bata mo pa para magsarili, 12 years old kapa lang, kaya dapat sumama kana sa amin. Tapos na naman ang pasiyam ng nanay mo doon kana lang sa amin, wala kang kasama dito,"
"Wag na po tita, bumalik nalang po kayo sa graduation ko, kasi wala pong aakyat sa akin sa stage, valedictorian po kasi ako. Sabi po ng teacher ko dapat pong may guardian na pumunta para sa akin,"
Hinawakan ng kanyang tita ang kanyang ulo at napapaluha pa ito.
"Bakit ba ganito ang buhay mo anak? Sobra talaga akong naaawa sayo" sambit ng kanyang tita. "Paano kana niyan dito?" tanong pa ng kanyang tita sakanya.
"Okay lang po ako tita, sanay naman po ako, kasi minsan noon naaabutan ko po si Nanay ay tulog na, kaya natutulog na lang rin po ako."
~~~
Nakaupo lang si Eloisa sa sofa na nag- iisa ng biglang may kumatok sa pinto ng bahay niya. Pagbukas niya ay napagbuksan niya ang kapit-bahay nila na si aling Sol.
BINABASA MO ANG
Jack of all trades
RomanceIsang mabait, matapang at matalinong bata si Eloisa Mae Saavedra. Mula pagkabata ay marunong ng maghanap buhay si Loi. Kahit ulila na si Loi ay nagawa niyang lagpasan ang kahirapan, dahil ito sa taglay niyang talino at abilidad, kaya hindi siya nahi...