Chapter VI
Balik nanaman sa normal ang buhay niya, 4th year high school na siya, kaya nagbalik siya sa pagpa part-time sa library ng St. Agustin.
Nagulat siya ng biglang pumasok ang limang magkakabarkada, sina Floyd, pero tiningnan lang siya nito na walang expression ang mukha na kumuha ng libro sa shelf at nagtutok na sa pagbabasa. Si Andrie na naman ang lumapit sa kanya.
"Hi Loi" bati nito sa kanya.
"Hello, wala bang libro sa mga school ninyo sa Maynila kaya dito kayo magbabasa?" ani Loi.
"Loi hindi mo ba alam dito na naman kami pumapasok, kami kasing apat maliban kay Floyd ay magkakasasyo ang mga parents namin sa isang negosyo kaso nitong nakaraang taon ay medyo nalulugi ang business namin kaya heto balik kami dito, si Floyd ay matagal na ring gustong bumalik dito kaya ngayon nakabalik din siya, rason niya sa mama niya na nandito na kami, kaya pinayagan na din siya ng mama niya, buti na nga din daw iyon, kasi makakatipid sila."
Isang araw palabas na si Loi ng St. Agustin, papunta na siya sa canteen. Sa labas ng gate nakita nya ang isang kotse, biglang lumabas ang tao sa loob niyon si Tai Chi excited siyang napasigaw.
"Tai Chi, I miss you, why you're here?" natatawang niyakap na lang siya nito.
Di niya namalayan sa kabilang banda pala ng gate ng St. Agustin ay naroon ang grupo ni Floyd dahil hinihintay din siya ng mga ito. Biglang napamura si Floyd sabay sipa ng empty can sa tabi ng paa niya.
"Sino ba ang singkit na yon at parang ang swerte naman niya, ahhh" sigaw niya ng pagka lakas lakas.
"Harry, parang sasabog na naman ang bulkan natin, huwag na muna natin siyang istorbuhon, baka sa atin pa mabunton ang galit niyan, naku, mahirap na" bulong ni Andrei sa kaibigan.
"Oo nga, tayo na, uwi na tayo" sabi naman ni Harry.
Sa canteen dumiretso sina Loi at Tai Chi. Pinakain niya na muna ito, habang nagliligpit siya ng ibang mga kalat sa loob ng kusina ng canteen, siya narin ang magsasara ng canteen. Nailigpit na niya ang lahat, kaya umalis na sila ni Tai Chi doon ipinarada ni Tai Chi ang kotse nito sa isang di kalayuan sa parke. At naglakad lakad nalang sila.
"How did you know that i'm in St. Agustin?" tanong ni Loi kay Tai Chi.
"I drop at Regalado's residence, then noona Yumi told me that you're working in the library" sagot sakanya ni Tai Chi
"What are you doing here, then? tanong niya ulit kay Tai Chi
"We have a one week holiday in school, but i've nothing things to do, so I decided to come here, to see you" sagot ni Tai Chi sakanya. "Loi, will you please file a leave in your work to accompany me of going to Manila, to visit our two buildings there, because my abeoji (father) told me that if I finish my studies I will be the one to inherit those two building hotels" sabi pa ni Tai Chi sakanya.
"It is you or your abeoji decided that you will inherit those two big hotels in Manila? If I know." hinarap niya ito at pinanlakihan ng mga mata ang kaibigan, kaya bigla itong napa amin.
"Okay, okay, it's me who asked it to abeoji, it's true. It's all because of you, I want to marry you in the near future, Loi" napatulala siya, mukhang seryoso yata talaga si Tai Chi sa kanya.
'Bakit ba sa kanya pa? Kaibigan lang ang turing ko sakanya, maraming babae ang nagkakagusto sakanya sa school, mga mayayaman pa, pero di niya naman iyon pinapansin' sa isip ni Loi. 'Paano ba ito?" sa isip niya ulit.
"Tai Chi, since it's still a long time, let's focus first to finish our studies"
~~~
Nag file nga siya ng leave sa library at nagpaalam naman din siya sa canteen, pero pumapasok parin siya sa school, kaya naghihintay si Tai Chi sa TDkanya sa labas ng school niya, hindi na sa St. Agustin. Halos one and a half hour lang ang byahe papuntang Manila.
Sa isang room sa hotel siya matutulog at sa isang room din si Tai Chi, masaya siyang kasama ito, kasi sobra itong maalalahanin. Paggising niya sa umaga ay may pagkain ng nakahanda para sakanya, tapos inihahatid siya ni Tai Chi sa school, tapos bumabalik din ng Manila, dahil nga may mga inaasikaso ito sa hotel, tapos bandang hapon ay sinusundo na siya ulit nito.
Sabado at Linggo sana ay nasa computer shop si Loi, pero ipinag paalam parin siya ni Tai Chi kay ate Yumi. Kaya Friday ng hapon kumuha siya ng mga damit niya sa bahay, kasi dalawang araw nga siya sa Manila.
Papasok sila sa iskinita ni Tai Chi papagabi na kaya medyo madilim na, pero nahagip parin ng kanyang mata, sa isang tindahan nakaupo si Floyd, kaya dali dali niyang hinila si Tai Chi para nakaiwas dito. Paglabas nila ng bahay ay dumiretso siya ng tindahan ng makita niyang wala na si Floyd, bumili siya ng softdrinks bigla kasi siyang nauhaw.
"Tai Chi, do you want softdrinks, too?" tanong niya kay Tai Chi, tumango lang ito.
Kaya dalawang softdrinks na ang bimili niya.
"Oy Loi, yong lalaking nakaupo dito kanina nakita mo ba siya?" tanong kay Loi ng bantay sa tindahan
"Opo tita Anett" sagot niya sa tindera.
"Araw araw nandito yon, siguro paggaling ng school pumupunta na siya dito, mga bandang alas 4:00 ng hapon, tapos aalis mga bandang 7:30 na. Ikaw yata ang inaabangan niya kasi lagi niyang tinatanong kung napapadaan ka na raw ba dito pauwi. Sinabi kong ilang araw ka na ngang di umuuwi, saan ka nga ba nagpunta, Loi?" tanong pa nito sakanya.
"Sa Manila po tita Anett, at pupunta po ulit ako doon, hanggang Linggo po ako doon ng hapon"
~~~
Masaya ang dalawang araw niya sa Manila, kasi lagi silang nasa Mall ni Tai Chi, pero ni minsan ay hindi siya nagpabili ng kung ano ano dito, hindi narin nag attempt si Tai Chi, kasi nung unang ibinili siya nito ng bag ay hindi niya ito tinangap sana, pero ipinagpilitan parin nito iyon kaya tinangap niya na lang, tapos binantaan niya rin ito na sa susunod na ibinili pa siya nito Ng Kung ano ano ay hindi na siya makikipagkita pa ulit dito kahit kailan. Kaya ayon hindi na siya ibinili nito ng kahit ano.
Pag nagugutom ay kumakain sila sa kung saan sila malapit, minsan sa Jollibee, minsan naman sa Mcdo.
Linggo ng alas 8:00 ng gabi ay inihatid na siya ni Tai Chi sa bahay, kasi 5:00 ng umaga ang flight nito, magagahol sila sa oras kung Lunes na din siya uuwi, iyon kasi sana ang gusto ni Tai Chi, kaya ayon pumayag na lang ito.
Inihatid na siya ni Tai Chi sa bahay niya, pagkaalis ni Tai Chi ay biglang lumitaw sa harapan niya si Floyd.
"Saan ka galing, ha? Kababae mong tao sumasama ka sa singkit na yon. Ano mo ba siya, ha? Ilang araw kayong nawala, kadalaga mong tao, ganyan ka!" parang isang halimaw na ito sa tingin ni Loi.
Natatakot siya, kaya bigla siyang pumasok ng bahay at kaagad na isinara niya ang pinto ng bahay. Subalit hindi tumigil si Floyd, pinagbabayo nito ang pinto, kaya pinag buksan siya ni Loi ulit, at malakas na hinila niya ito papasok, kasi nahihiya siya sa mga kapitbahay sa sobrang ingay nito, isinara ulit niya ang pinto at mahina niya itong sininghalan
"Hoy ikaw" dinuro pa niya ang mukha nito. "Hindi kita ka-ano-ano, bakit ganyan ka? Wala kang pakialam sa akin, kahit ano ang gawin ko sa buhay ko, nakakainis kana" tiningnan niya ito, tulog na pala sa sahig.
Hindi malaman ni Loi kung ano ang gagawin, mabuti naman at wala si Wency kasi pag wala siya sa bahay sa kanila ito natutulog. Tinawagan niya si Grace.
"Hello Grace"
"Ay! Loi ano kamusta saan ka ba galing?hinahanap ka ni kuya Floyd ilang araw ka na raw na na hindi umuuwi" sabi ni Grace
"Yon na nga Grace nandito sa bahay ang kuya mo lasing yata, talaga bang naglalasing ito?" tanong ni Loi kay Grace
"Naku! Ni minsan hindi ko yan nakitang maglasing, Loi hayaan mo na lang diyan muna si kuya kasi ilang araw ng nagwawala yan dito sa bahay, baka bukas ayos na yan, kasi nandyan ka na,"
BINABASA MO ANG
Jack of all trades
RomanceIsang mabait, matapang at matalinong bata si Eloisa Mae Saavedra. Mula pagkabata ay marunong ng maghanap buhay si Loi. Kahit ulila na si Loi ay nagawa niyang lagpasan ang kahirapan, dahil ito sa taglay niyang talino at abilidad, kaya hindi siya nahi...