Chapter VII

23 1 0
                                    

Chapter VII

Kinumutan na lang niya ito, kasi hindi naman niya ito kayang ilipat sa kama, naalimpungatan si Loi ng parang may nagmamasid sa kanya habang siya'y natutulog, tama siya, pagmulat niya ay nakita niya si Floyd na parang mahahalikan na siya nito sa sobrang lapit, siguro 3 inches na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya, bigla itong tumayo, at biglang sabing.

"Good morning, my precious bunny" ngiting ngiti pa ito. "Gising na, may pasok pa tayo, Lunes ngayon, ipinagluto na kita ng almusal mo, tayo ka na dyan" aalis na ako sabi nito.

Tingin niya bagong ligo ito at parang ang saya ng mukha, nang makaalis ito, bigla siyang napa isip.

'Anong nakain nun? Kagabi lang ay para na itong isang halimaw, ngayon naman ay parang anghel na di naka basag pinggan. Ah! Aywan ko ba? May mga tao yata talagang sumpungin.'

Two weeks vacation, dahil sem break, pumasok siya sa isang golf coarse club. Ang caddie lang daw ang bakante, kaya doon siya pumasok whole day siya dito, kaya double din ang sahod niya, naghahanap din daw ng reliever niya, kaya lang wala pang nakukuha, nag stay in siya doon kasi malayo ang bahay nila.

~~~

"May temper na naman si Floyd o hayun tingnan mo" sabi ni Luke. 

"Sinisinghalan ang isang kawawang babae" 

Nasa bar sila noon, kaya nasa isang tabi lang si Floyd, ang apat niyang barkada ay may kanya kanyang partners. 

~~~

Kapag hating gabi ay lumalabas si Loi para magpahangin, isang gabi nakita siya ng isang guest card guard, kilala na nito si Loi, kasi stay - in din ito.

"Oy Loi, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah" umupo ito sa tabi niya 

Nag open siya ng conversation dito.

"Kuya, pwede kaya tayong mag practice ng golf diyan?" tanong niya sa katrabaho

"Aba oo naman Loi, teka, tutal wala namang naglalaro halika mag practice tayo"

Iyon na ang simula, halos gabi gabi ay nagpa practice siya, parang nakaka addict ang paglalaro ang golf. Last day na niya ngayong gabi, bukas ay uuwi na siya, kasi pasukan na naman.

May bagong dating sa area niya kaya dapat niya itong salubungin at i guide para sa pupuntahan nito. Ang guest ay si Floyd at ang papa nito. 

Naghihintay na guest na darating si Loi ng biglang umupo si Floyd sa tabi nya. 

"Hoy! Anong ginagawa mo rito?" pabulong na sabi nito sa kanya.

"Umalis ka na nga dito nagtatrabaho ako, wag mo akong istorbuhin nakaka irita ka na namanno ba?" sabi ni Loi.

"Ikaw ha Loi, namumuro ka na sakin, basta nag-uusap tayo lagi kang iritado at lagi kang naka singhal, ano ba gusto mo?" tanong nito 

"Bakit mo nga ako tatanungin eh ayaw nga kitang kausap, umalis kana. Nagtatrabaho ako " singhal ulit dito ni Loi.

~~~

Nasa library na siya, nag peprepare din siya ng kanyang assignment, kaya nakayuko lang siya habang nagsusulat, may dumaan sa harapan niya, pero in ignore lang niya ito kasi hirap siya sa assignment niya ngayon.

"Hoy!" nasa tenga na niya ang bibig nito 

"Ano ba!" napa sigaw siya sa sobrang gulat, biglang nagtinginan sa kanya ang lahat ng tao sa loob ng library. "Ay sorry po" sabi niya. Bigla niya itong binatukan, napakamot ito sa parteng binatukan niya.

"Hoy Loi, sumo-sobra kana masakit kang makabatok" sabi nito

"Bakit ka kasi nanggugulat" tikom na ang labi niya sa sobrang galit dito. "Nakaka-iyak na ang pang-aasar mo ha!" sabi ni Loi.

Jack of all tradesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon