Chapter IV
Mula noon ay pagkasarado niya ng computer shop ay dumiretso siya sa disco house para magpaturo ng lahat ng technique sa pagde DJ kay kuya Arnold niya.
"Oh ayan Loi, magaling kana, ang bilis mong matuto ah. Baka naman agawan mo na ako nyan ng trabaho ah?" natutuwang sabi sakanya ni kuya Arnold.
"Hay naku kuya, hindi mangyayari yon, hilig ko lang talaga yon" nakangiti pang sagot sa kanya ni Loi.
Patapos na naman ang school year, ayon, 1st honor na naman siya, kahit kasi busy siya sa pagtatrabaho ay nabibigyan parin niya ng panahon ang pag aaral sa loob ng library, advantage pa na naroon ang lahat ng mga librong kailangan niya sa pag aaral.
Nang magsummer vacation ay pumunta siya sa bahay ng kanyang ate Yumi, para sabihing babalik na ulit siya sa pagbabantay ng computer shop.
"Ay mabuti at narito ka Loi. Papunta kasi kami ng Japan ng kuya Ric mo, may mga aasikasuhin kasi siya sa mga negosyon namin doon. Sasama ako ngayon sa kanya para mabisita ko ang mga kamag anak namin. Ang balak ko, ay magsasarado nalang muna ng shop, pero kung kakayanin mo, ikaw nalang muna ang bahala hanggang sa makabalik ako.
Gaya parin ng dati, ang lahat ng benta ay ihuhulog mo sa account ko" mahabang paliwanag sa kanya ni ate Yumi. "Pag isipan mo para sabihin ko sa kuya Ric mo, ay hintayin mo nalang siya, tutal pauwi narin naman siya"
Maya maya lang ay dumating na nga ang kuya Ric niya, at pinag usapan nila ang tungkol doon.
"Ay siya nga pala" sabi ng kanyang kuya Ric. "Sumama ka na lang kaya sa amin Loi, para naman makapag bakasyon ka"
"Aba kuya, sosyal, magbabakasyon lang, sa Japan pa?" turan ni Loi.
"Hindi, talagang seryoso ako Loi, samahan mo lang ang ate Yumi mo lagi, para naman makapagpahinga ka sa pagtatrabaho. Ano gusto mo? Akong bahala sa lahat. Ibigay mo sa akin birth certificate mo bukas"
"Opo kuya" sagot niya
Kinabukasan alas syete palang ay tinawagan na siya ng kanyang ate Yumi.
"Loi, pumunta ka dito, may pupuntahan tayo, dalhin mo ang school ID mo at yong birth certificate mo."
Natapos nilang lahat ang mga aasikasuhin nila sa loob ng dalawang araw. Ikatlong araw, nakuha na ni Loi ang kanyang passport.
Nagkukwentuhan sila nina ate Yumi at ng kanyang kuya Ric sa loob ng bahay sa Japan, naungkat sa usapan nila ang tungkol sa gaganapin na convention at taekwondo competition, palaro ng kanilang kompanya.
"Ay, kuya" sabat ni Loi. "Pwede po kaya akong mag aral Ng Taekwondo? Dalawang buwan naman po tayo dito, di ba?" sabi pa niya
"Oo naman Loi, kaso kakayanin mo ba? 15 kapa lang, pero kung gusto mo sige, pero kinakabahan talaga ako sayo." sabi sakanya ng kuya Ric niya,
Ibinaling naman ng kanyang kuya Ric ang tingin sa ate Yumi niya. "Ano Yumi? Ano sa palagay mo?" tanong nito sa asawa.
"Naku Ric, yang batang yan, wag mo ng kontrahin, dahil pag pursigido yan talagang lalakad yan" sagot ni Yumi.
Yon na nga sinamahan siya ng kanyang kuya Ric sa isang paaralan daw ng taekwondo, tutal may nilakad din siya dito tungkol nga din sa competition na gaganapin.
Ang pasok niya sa taekwondo ay after lunch 1:00 - 4:00, kaya bakante din siya sa umaga, nakiusap siya kay ate Yumi na kung pwede ay magtrabaho siya para may pambayad siya sa pag aaral ng taekwondo.
Hindi na siya pinigilan ng kanyang ate Yumi, dahil alam na nito ang ugali niya.
Sa umaga ay pumapasok siya sa isang coffee and tea shop na malapit sa downtown.
BINABASA MO ANG
Jack of all trades
RomanceIsang mabait, matapang at matalinong bata si Eloisa Mae Saavedra. Mula pagkabata ay marunong ng maghanap buhay si Loi. Kahit ulila na si Loi ay nagawa niyang lagpasan ang kahirapan, dahil ito sa taglay niyang talino at abilidad, kaya hindi siya nahi...