Chapter XIII

9 1 0
                                    

Nalungkot si Floyd, tinatapos na talaga ni Loi ang ugnayan nilang dalawa, halos tatlong beses na siyang binabalikan ng mga roses ni Loi, ibig sabihin nun, ibinabalik nito ang anumang naibigay nito sa kanya, Roses lang talaga ang naibibigay niya kay Loi, dahil tinatangihan ni Loi ang mga balak iregalo ni Floyd sa kanya. Basta ang sabi nito, tatangapin lang niya ay mga bulaklak maliban dito wala na siyang tatangapin na kahit na ano, mula dito para madali lang na maibabalik niya ito kay Floyd, tulad ngayon ibinalik niya ang 29 na roses at dalawang bar ng imported chocolates na ibinigay na nito sa kanya noon, Naunang lumabas sina Floyd at Pinky, maya maya ay umalis na din sila, Inihatid na siya ni Dennis, nagpapaantok siya habang nagbabasa ng kung ano lang na magazine nang may biglang nag buzer, nakakainis naman gabing gabi na nambubulahaw pa ang kung sino man ang nasa labas na yan, pagbukas niya ng pinto ay tumambad ang mukha ni Floyd " ikaw pala ang nambubulahaw sa ganitong dis oras na ng gabi,

Hawak pa niya ang pinto ng gate, ay pina aalis na niya ito, "Umalis ka na Floyd gabing gabi na",sabi niya "okey bigyan mo lang ako ng sampung minuto, may gusto lang akong liwanagin sayo, Sige pumasok ka, niluwagan niya ang pinto sapat lang na makapasok si Floyd", "Loi bakit?" tanong nito sa kanya, "anong bakit", sagot niya, "bakit ibinalik mo na naman ang mga ibinigay ko sayong roses?" "Di pa ba malinaw sayo Floyd, tinatapos ko na ang ugnayan natin sa isa' t isa", "kayo na ba ni Dennis?" tanong nito uli sa kanya, "Oo kanina lang, kasi break na nga tayo di ba?" "Hindi ako makakapayag na makipag break sayo" sabi ni Floyd "wala ka nang magagawa, dahil official na kami ni Dennis" sabi niya dito, "Bakit ayaw mong maki pag break sa akin, kung iisipin pabor pa nga iyon sayo, at least puwede na kayo ni Pinky na mag pakasal sabi ni Loi dito "

Bagay naman kayo", "tumigil ka Loi wala kaming relasyon ni Pinky purely bussiness lang ang sa amin ni Pinky" sabi ni Floyd" huwag ka nang mag kaila Floyd, ayan at lagi mong ibina bandera si Pinky sa publiko, alam na nga ng lahat di ba?" "Laman kayo lagi ng balita, akala mo hindi masakit sa akin yon "Loi anuba, di ba sabi mo sa akin noon na hintayin kita hangang sa makatapos ka nakalimutan mo na ba yun?" kaya nga hindi muna kita iniistorbo yon ang gusto mo di ba?" "sabi mo nga sa akin na pag nakatapos ka na ay magpapakasal na tayo", "sabi sa kanya ni Floyd, ah ganun ba ang pagka ka intindi mo nun, "na dahil sa pinaghihintay kita puwede ka ng makipag relasyon sa iba?" "Yun ba yon Floyd?" "Loi anuba wala nga kaming relasyon ni Pinky , magkasama lang kami dahil sa negosyo", "hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo malabo sa akin yun, sabi ni Loi "kaya wala na tayo Floyd, puwede mo ng pakasalan si Pinky", sabi niya dito "hindi siya ang pakakasalan ko, ikaw Loi ang gusto kong pakasalan", sabi nito sa kanya,

Nakakasakit ka na Floyd, "lantaran ka kung magloko, paano na lang kung mag asawa na tayo iiwan mo na lang ba ako tulad nito?", iyon naman talaga siguro ang mangyayari", Kaya Floyd wag ka nang mag abala kaya kung mag- isa sanay na naman ako di ba?" "Loi kung gusto mo pakasal na tayo ngayundin", Doon tayo kay Atty. Rosales kilala ko yun", sabi nito, "Floyd mag pa press con ka bukas na hihiwalayan mo na si Pinky, at ibalita mo rin na magpapakasal na tayo, "bukas na bukas din , pero kung hindi mo magawa, at pag lumampas ka bukas, kalimutan mo na lang ako," pero pag nagawa mo yon magpapakasal ako sayo bukas din.

"Tapos na ang usapang ito," "sobra ka na sa sampung minuto, umuwi ka na", inaantok na ako", "kaya Ma tutu log na ako" sabi niya, "antukin ka namang talaga Loi" sabi nito, tumawa pa ito ng bahagya,"sige na matulog ka na dito lang ako, babantayan kita", sabi nito sa kanya, "Floyd anuba, umuwi ka na, sabi ni Loi uli, hindi kita iisturbohin promise! sabi rin nito sa kanya, bahala ka na nga diyan, pag gising niya   wala na si Floyd, Dumating si Dennis kinabukasn may dalang news paper laman ng balita buntis daw si Pinky at ikakasal na daw ito kay Floyd. Si Floyd ay umalis ng madaling araw tinawagan kasi ito ng ama kailangan daw nitong pumunta sa China dahil may malaking problema daw ang negosyo nila doon, deretso na siya hangang hapon doon kasi may meeting din ang board doon din sa China ang venue ng meeting, pagka galing ni Dennis sa bahay ni Loi ay nagbiyahe din siya papuntang China kasama siya ng ina sa pag attend ng meeting doon, Ang meeting ay tungkol sa kanilang anniversary activities na gagawin 3 buwan mula sa araw na yon.

Jack of all tradesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon