Thursday morning na pumasok ng school si Loi,hindi na rin muna siya pumasok sa library baka nandoon na naman si Floyd at kasama pa ang babae nito, masasaktan na naman siya, pero pumasok siya sa canteen, maaga siyang pumunta doon pero sa kusina lang siya naglagi kasi baka pumunta si Floyd dito at makita siya, kasi sabi ni aling Caring ay hinahanap siya doon ni Floyd, ayaw na niyang makita pa ito, nasusuklam siya dito,
kaya maaga rin siyang umuwi kasi baka maabutan siya doon ni Floyd, kaya pagdating niya sa bahay ay hindi siya nagsindi ng ilaw, bandang hating gabi na alimpungatan siya kasi parang may tumatawag sa pangalan niya, Loi alam kong nariyan ka, buksan mo ang pinto, mag usap tayo.
Pero hindi niya ito pinag buksan maaga siyang gumayak papuntang school, sa isip niya para hindi siya maabutan ni Floyd kung pumunta ito dito,nagulat siya kasi naroon si Floyd, sa balkonahe nila ito natulog mabuti na lang at tulog pa ito, kaya dahan- dahan siyang naglakad palabas kaya hindi siya nito namalayan,
Hindi siya lumalabas ng school para hindi siya makita ni Floyd. Tutal Friday na, naisipan ni Loi na tumawag kay ate Yumi, para mag pasundo sa sasakyan nito, buti na lang at nakasay na siya kaagad sa kotse, kasi nakita niya si Floyd papasok sa school nila. Naisipan niyang tawagan si Grace, kasi na miss na rin niya ito.
Hello Grace, kumusta? miss na kita, kaya lang ayaw ko munang pumasok sa library kasi masama pa ang memory ko doon hindi pa ako maka pag get over pasensya na Grace, sabi niya dito, pero may narinig siya sa kabilang linya, humihikbi, Loi please sorry na gusto na kitang makita please umiiyak na talaga ito.
Alam niya si Floyd iyon kaya ibinaba na niya ang telepono, sa telepono nina ate Yumi siya tumawag, doon kasi siya makikitulog ngayong gabi, naisabi na rin niya kay ate Yumi kung ano ang nangyari, pinayuhan na din siya nito, na pag usapan daw nila kung ano ang problema.
Pero ayaw na talaga niyang makipag usap pa dito, iniiwasan na kasi niyang masaktan na naman, nag ring ang telepono nina ate Yumi, ang katulong ang pinasagot niya, Loi telepono para sayo sabi nito hello, sabi niya babae ang nasa kabilang linya, hello sabi nito si Loi na ba ito?
Opo si Loi po ito, (parang matanda na kasi ito) Loi wala ka na bang awa? tanong nito sa kanya andito si Floyd naka tulog na sa kalasingan ano bang nangyayari sa inyo,
Halos hindi na ito umuuwi pag umuuwi naman laging nag wawala dito sa bahay sa halos lahat ng mga pigurin sa kwarto niya ay lahat basag, pag namatay ba si Floyd ay sasaya ka na Loi?, si Mrs. Delos Reyes ito nakikiusap ako sayo,
Loi please lang kausapin mo ang anak ko para magkalinawan na kayo, pls. promise me kausapin mo si Floyd, pakiusap sa kanya ng mommy ni Floyd, sige po sabi niya dito subukan ko po, sabi uli niya,
Sige umuwi ka na bukas sa inyo, papupuntahin ko si Floyd dyan sa inyo bukas, umuwi nga si Loi sa kanila kinabukasan, nagulat siya dahil naroon na naman si Floyd sa balkonahe nila at natutulog hindi niya ito ginising,
kasi galit pa talaga siya dito kung hindi lang sa mommy nito ay hindi talaga niya ito kakausapin, natulog siya kasi inaantok pa talaga siya nagising siya papagabi na, nagulat siya paglabas niya ng kwarto naroon sa kusina ang mommy ni Floyd at marami itong pagkain na inihanda, Loi tawag nito sa kanya halika na kumain na tayo, sabi nito, saluhan mo kami dito ni Floyd,nakita niya si Floyd nakaupo na ito sa harap ng hapag kainan, naupo na rin siya naroon ang mommy ni Floyd kaya nahiya siya dito kaya kumain na rin siya, pagkatapos nilang kumain ay nagpaalam na ang mommy ni Floyd.
Nagbilin ito kay Floyd na hugasan daw nito ang mga pingan, nang maka alis na ang mommy nito ay itinulak niya ito palayo sa lababo, umalis ka nga dyan umuwi ka na naiirita ako sayo, ayaw kong makita ang pag mumukha mo,
Hindi na talaga siya nakapag pigil sa sobrang galit niya dito, Loi sorry na hindi na mauulit kung anuman ang ikinasama ng loob mo sa akin. please patawarin mo na ako sabi nito sa kanya, Ano? pasigaw na tanong niya dito, umiyak na naman ito sorry na
BINABASA MO ANG
Jack of all trades
RomanceIsang mabait, matapang at matalinong bata si Eloisa Mae Saavedra. Mula pagkabata ay marunong ng maghanap buhay si Loi. Kahit ulila na si Loi ay nagawa niyang lagpasan ang kahirapan, dahil ito sa taglay niyang talino at abilidad, kaya hindi siya nahi...