Chapter VIII
Kinagabihan, tumawag sa kanya si Grace.
"Loi kumusta, salamat at nasagot mo agad ako, minsan ang tagal mong sumagot sa phone" sabi nito.
"Bakit ka napatawag Grace? Alam mo Loi, parang wala na akong problema sa kuya Floyd, kasi lagi na siya pakanta-kanta lang at laging hawak ang cellphone para bang laging may hinihintay na tawag"
'Asa pa siya' sa isip nya.
"Hindi gaya ng dati hindi yan humahawak ng phone, kasi kung sino sinong babae ang tumatawag sa kanya. Siguro ngayon naka kuha na siya ng love niya, kaya di na tayo mamomroblema sa kanya tulad noon na pati sa bahay mo, na-iistorbo."
Christmas vacation bumalik siya sa golf course club, nag apply ulitú ASD
siya dito, sa dati daw na pwesto siya ulit sabi ng kanyang amo. Kaya ayon nag stay in na naman siya, sa gabi din ay minamaster niya talaga ang paggo golf, pero kong may tournament wala siyang time makapag practice.Dala niya ang cellphone niya, pero nakatago lang yon sa bag niya, chini check lang niya sa gabi, maraming miss call si Floyd, mga text pa nito na lahat galit naman ang nakapaloob.
'Wala akong pakialam' sa isip niya.
Focus lang siya sa trabaho niya para may pangdagdag siya sa bank account niya ulit.
Last day na naman niya, kaya ready na ang luggage niya bibitbitin nalang, hapon ang alis niya. Tuwang tuwa siya kasi malaki ang bonus na ibinigay sa kanya ng boss nila.
Mga bandang ala una ng hapon may pumasok na guest, sinalubong niya ito, bigla siyang nagulat, si Floyd iyon at may kasamang babae, sosyal ito. Namangha si Floyd na siya ulit ang caddie nila.
Parang hindi lang nito kilala si Loi, kaya ayon dinedma lang din niya ito.
Sumapit ang 4:00 ng hapon, nagpaalam na siya, para makauwi na.
Sa gilid ng kalsada ay naghihintay siya ng masasakyan, may biglang huminto na isang kotse sa tabi niya. Si Floyd ang driver nun.
"Oh ano? Sakay na, ihahatid na kita" sabi ni Floyd. Parang wala lang siyang narinig. "Hindi ka talaga sasakay" nagliliyab na naman ang mga mata nito.
Pero sa isip ni Loi ay wala talaga siyang pakialam.
'Ano ba naman dito? Wala pang dumadaang masasakyan' sa isip ni Loi.
Nagulat nalang siya ng kunin ni Floyd ang mga bag niya at biglang ipinasok sa kotse nito.
"Ano hindi ka talaga sasakay?" tanong nito sakanya,
"Hindi" sagot niya,
"Kakargahin kita papasok dito sa kotse" sabi pa nito.
"Hoy! Mahiya ka naman sa kasama mong babae, iniwanan mo lang sa loob ng course club." sabi ni Loi,"
"Loi!" sinigawan siya nito. "Hindi kaba talaga papasok?" tanong ulit nito
"Hindi sabi, ang kulit mo. May iniwan kang tao sa loob, bakit hindi nalang siya ang ihatid mo" sagot ni Loi.
Walang ano ano ay bigla nalang siyang binuhat ni Floyd, at isinakay sa kotse nito, wala na siyang nagawa umaandar na ang sasakyan ng bigla itong nagsalita.
"Bakit di mo sinasagot ang mga tawag at text ko sayo?" tanong nito.
"Ano naman ang sasabihin ko sayo?" sagot ni Loi. "At isa pa, kaya ako hindi sumasagot, kasi lahat ng text mo sakin galit ka" sabi pa niya. "At saka, bakit ba ako makikipag usap sayo? Pagalitan pa ako ng kasama mong babae, at saka, galit ako sayo. Ayaw kitang kausap.
BINABASA MO ANG
Jack of all trades
RomanceIsang mabait, matapang at matalinong bata si Eloisa Mae Saavedra. Mula pagkabata ay marunong ng maghanap buhay si Loi. Kahit ulila na si Loi ay nagawa niyang lagpasan ang kahirapan, dahil ito sa taglay niyang talino at abilidad, kaya hindi siya nahi...