Chapter X l

16 1 0
                                    

"Ito ma, hindi ito natatahimik sa bahay ang gusto niyan ay magtrabaho lang ng magtrabaho, sige po ma aalis na kami ni Loi", paalam ni Floyd sa ina natawa at na relieve na si Mrs. De los Reyes, dahil normal na naman ang takbo ng buhay ni Floyd, nagpahatid si Loi sa computer shop nina ate Yumi,

"Anong oras kita susunduin Loi?tanong sa kanya", ni Floyd "mga seven siguro ay uuwi na ako kasi gusto kong bumawi ng tulog ko", "sige Loi i open mo na lang ang phone mo tatawagan kita mamaya",

"Wala na akong celphone Floyd, nawala na yon nung lumabas kami nina Grace at Loraine nadukot sa bag ko", sabi niya dito,"paano yan?" tanong nito, "paano kita tatawagan?" "wag mo na lang muna akong tawagan tutal nagsisimula na akong mag ipon na pambili ng bagong cellphone siguro mga isang buwan pa pwede na akong makabili nito",sabi niya kay Floyd, "O, hetong cellphone ko gamitin mo muna," sabi nito, "di ba nga Floyd ayokong tumangap ng kahit na ano at sa kahit na kanino", sabi niya dito,

"Paano nga kita tatawagan?" tanong nito sa kanya, "hayaan mo bukas bibili na ako, pag naka bili na ako tatawagan na lang kita, akin na ang number mo hindi ko kasi memorize ang number mo, ibibigay ko na lang sayo bukas",sabi nito sa kanya, sinundo na siya ni Floyd bandang alas syete deretso na sila sa bahay ni Loi pina uuwi na niya ito pero ayaw pa talaga
nitong umuwi, "Floyd matutulog na ako kaya umuwi ka na rin", "sige Loi matulog ka na dito lang ako," hahanapin ka ng mama mo,

"Alam niya na nandito lang ako"sabi nito, maya maya ay ginising siya nito, "Loi labas tayo gutom na kasi ako", nagugutom na din siya kaya nagbihis na lang siya agad ng jeans at blouse na yellow bumagay sa kanya ang color na yellow lalo siyang pumuti.wala ng ibang bukas na restaurant, kaya sa jollibee na lang sila pumunta, buti na lang ay 24 hours ito,

Nag order na si Floyd ng kakainin nila, kaya pumunta din siya ng CR pero bago siya makapasok doon ay nagpaalam muna siya kay Floyd, Papasok na siya ng CR
madadaanan niya ang table na may nag iisa lang na naka upo guwapong lalaki at mtaas din ito kasing taas din ni Floyd kanina pa ito tingin ng tingin sa kanya nung nasa table pa siya, hindi niya lang ito pinansin, pero ng papasok na siya ng CR ay bigla siya nitong sinundan, tapos hinarang sya nito.

"Hi, bati nito sa kanya, saan ka ba itinatago ng boyfriend mo? aba ang damot naman niya ayaw kang ipakita sa iba, sa ganda mo kasing yan daig mo pa ang mga artista sa pelikula" sabi nito "ay kuya pwede po bang makidaan at saka nandiyan lang po ang boyfriend ko seloso po yun," sabi niya dito,

"Huwag mo na akong igalang kasi halos mag kasing gulang lang kami ng boyfriend mo"sabi nito, "ah talaga, sige padaan na lang papunta kasi ako ng CR" sabi dito ni Loi, "sige miss pero ibigay mo muna ang number mo sa akin", sabi nito "wala akong cellphone pasensiya na", "pero sige kasi bibili na ako bukas ang number mo na lang ang ibigay mo sa akin" yun lang kaya tinan tinantanan na siya nito, "an tagal mo naman sa loob", sabi sa kanya ni Floyd,

"Andumi kasi kaya? binuhusan ko ng maraming tubig bago ko ginamit", "Uy, maghugas ka muna ng kamay mo","naghugas na ako anu ba!" sabi niya kay Floyd, kumakain na sila ni Floyd ay naka tingin pa rin sa kanila ang lalaking yun, buti na lang ay hindi ito napansin ni Floyd, papalabas na sila ng food chain ay biglang tumawag sina Andrie kay Floyd, nag iimbita na mag disco, "Loi punta tayo ng Ness Disco nandoon daw sina Andrie",sabi ni Floyd, "sige pero sandali lang tayo may pasok pa ako bukas sabi dito ni Loi", "okey! pagsang ayon nito sa kanya", pagpasok nila ay hindi nila mahanap hanap sina Andrie, andami kasing tao sa kalilibot nila ay nahagip ng mata niya yong lalaking nandoon kanina sa Jollibee, kinawayan siya nito pero inirapan niya lang ito kasi napipreskuhan siya dito pero nginitian lang siya nito,nakita na nila sina Andrie, kaya umupo na sila ni Floyd sa table ng mga ito pero nakita pala siya ni kuya Arnold, tinawagan siya nito pina daan pa sa mikropono, napatawa na lang siya dito nagpaalam siya kay Floyd,

Jack of all tradesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon