Chapter II
Pauwi na sina Wency at Loi galing silang school christmas party.
"Wency, bukas wala akong pasok sa library di ba, christmas vacation, kaya mag hahanap ako ng ibang mapagkakakitahan" sabi niya.
"Sige, good luck" sagot lang sakanya ni Wency at tinapik pa ang balikat niya.
Kinabukasan ay naglakad lakad siya nang may makita siyang, naka plackard na wanted janitress sa isang arts school. Nag apply siya pero sa umaga lang daw sila nagbubukas , kaya pagdating sa hapon tumutulong pa rin siya sa canteen, libre na din ang pagkain niya. Kung iisipin may 3 oras pa syang pahinga.
Naghintay hintay siya ng oras niya para umuwi, naupo muna siya sa upuan ng piano, patingin tingin siya, papalabas naman na ang amo niya.
"Oh tapos ka na pala Loi, tingin ko sayo gusto mong tumipa ha?"
"Oo nga po sana, kaso hindi ho ako marunong" sabi niya
"Aba! Walang problema dyan, gusto mo tuwing pauwi ka tuturuan kita?"
"Sige po, maraming salamat po" tuwang tuwa niyang sagot.
Iyon na nga ang nangyari, bawat bakante nya ay tinuturuan siya ni Mrs Alejandro, halos naka perfect na siya ng sampung piyesa sa piano, sa violin ay naka apat na siyang pyesa,
sa gitara ay marami raming kanta ang naitutugtog niya, kaya humanga sa kanya si Mrs. Alejandro mas marami pa raw siyang natutunan kaysa sa kanyang mga estudyante.~~~
Nakaupo siya sa kama habang si Wency ay nakahiga, bigla niyang niyugyog ni Wency.
"Wency, Wency, tignan mo oh, ngayong christmas vacation, nakapag ipon ako ng 6,000 pesos, pandagdag ko na naman ito sa savings ko, bukas na bukas din ay idedeposit ko ito"
"Alam mo Loi, nagtataka ako sayo. Ano ba talaga ang pinag iipunan mo at ganyan ka na lang ka pursigido?"
"Basta, sasabihin ko din sayo, okay?"
"Oo na" at nanahimik na lang si Wency.
Sa bahay ng mga De los Reyes, natatatalak ang ilaw ng tahanan, sinesermunan si Floyd.
"Ano ka ba naman anak? Lagi ka na lang napapasama sa trouble ng mga kabarkada mo ha, dinig ko pa nga, ikaw daw laging pasimuno sa lahat ng ito. Ano ba ang gagawin ko sayo, maawa ka naman sa reputasyon ng pamilya natin, isang honorableng mayor ang papa mo. Tingnan mo nga nagagalit na sa akin ang papa mo kasi, kinukunsenti daw kita sa lahat ng kaguluhang ginagawa mo," dismiyadong turan ni Mrs. Florenda De Los Reyes.
Lima silang magkakabarkada lahat galing sa mayayamang angkan.
~~~
Pasukan na naman from christmas vacation, busy na naman si Eloisa Mae from library to canteen.
Araw - araw pumapasok si Floyd sa library, tingin ni Loi hindi naman binabasa ang mga kinukuhang libro nito. Isang beses nahuli nitang parang kinunan siya nito ng picture sa cellphone nito hindi na lang sya umimik, kasi dinig niyang suplado ito at madalas high daw ang temper nito.
Grupo ng mga lalaking pumasok sa library, isa sa grupo ay lumapit kay Eloisa at naki pag- usap.
"Anong year mo na nga pala Eloisa, ha?" gulat siyang napatingin doon.
"Teka. Bakit alam mo ang pangalan ko?"
"Kilala ka na dito sa loob ng campus namin, kahit hindi ka dito nag-aaral ay sikat ka, napakaganda mo kasi, pero tingin ko sayo hindi ka aware sa kagandahan mo, ganyan ka ba talaga? Hayan, ang tangkad mo para sa edad mong 13, 5'6 na ang height mo, pwede kang mag beauty queen."
BINABASA MO ANG
Jack of all trades
RomanceIsang mabait, matapang at matalinong bata si Eloisa Mae Saavedra. Mula pagkabata ay marunong ng maghanap buhay si Loi. Kahit ulila na si Loi ay nagawa niyang lagpasan ang kahirapan, dahil ito sa taglay niyang talino at abilidad, kaya hindi siya nahi...