Chapter V

22 2 0
                                    

Chapter V

Sa bahay ng mga De los Reyes, habang nanonood ng TV si Grace.

"Kuya,tingnan mo si Loi o nanalo sa sparing laban sa isang lalaki, ang galing niya, ano kuya, iba talaga ang kaibigan ko, special talaga siya" mahabang paliwanag na sabi ni Grace, tapos tiningnan niya ang kuya niya.

"Kuya, bakit ba parang hindi ka man lang interesado sa sinasabi ko" nakita niyang tatawa-tawa lang ito. "Hoy ano ba kuya?"

"Okay lang ako Grace, nandoon kasi ako sa oras ng competition, kaya nakita ko na siya doon." sagot ni Floyd sa kapatid.

"Ay nakita mo na naman siya sa ibang panig ng mundo?"

"Ano ka ba Grace?" reklamo ni Floyd.

"Di ba sabi mo mismo, palagi mo siyang nakikita sa ibat-ibang larangan at nakikita mo na magaling talaga siya" sabi ni Grace

"Ewan ko ba Grace, napaka misteryosa niya talaga, pero sasabihin ko sa yo love ko talaga siya, unang kita ko palang sa kanya sa library, doon yun nag simula. Kaya lang paalis na kami ng St. Agustin University. Gusto kasi ni mama na sa maynila na ako magpatuloy ng college di ba? Kaya nawalan na ako ng panahon na makita pa siya kasi sa tingin ko sa ngayon parang hindi pa siya handa sa pakikipag-relasyon, kasi nga ay ang bata pa niya."

~~~

Nasa bahay na si Loi at tinawagan niya si Grace.

"Hello Grace. Nandito na ako, alam mo Grace sa pag babakasyon namin nina Ate Yumi sa Japan, parang nakita ko doon ang kuya mo. Nag punta ba siya ng Japan," tanong ni Loi sa kaibigan

"Ah! Oo Loi, may inasikaso kasi si papa sa negosyo doon, pinasama siya ni papa. Hinihingi pala ni kuya ang cellphone number mo Loi, ibibigay ko ba?"

"Huwag mo na munang ibigay Grace, kasi di ba hindi ko dinadala itong cellphone ko kapag umaalis ako? Kaya nga ngayon na lang ulit ako sayo nakatawag. Pasensiya na kamo, kasi hindi niya naman talaga ako makakausap pag nasa labas ako ng bahay."

Mag hapon lang na natulog si Loi, hindi niya namalayan na dumating na pala si Wency, naalinpungatan lang siya ng maka amoy ng masarap na pagkain, pork adobo ang nasa mesa.

"Loi gising ka na pala, sabi kasi ni Nanay kaninang umaga ka pa raw natutulog, hindi ka na raw niya ginising kaninang tanghali kasi tingin daw niya ay pagod na pagod ka" sabi sa kanya ni Wency , "halika kumain na tayo gutom ka na sigurado,"

Nandyan ka na pala Wency,,,

"Oo, kasi magpapasukan na tayo,third year high school na tayo sa pasukan, mag eenroll na ba tayo Loi?"

"Oo sa Monday na, Sabado kasi ngayon."

Kinabukasan, pinatawag siya ni ate Yumi sa driver, sumakay na siya diretso sa kotse. Nang makarating siya sa bahay ni ate Yumi pinaupo siya nito, at kaagad sinabihan ng.

"Loi napag usapan ng board na gawin kang scholar, at ngayon daw na pasukan sa ibang bansa ka daw mag eenroll kasi nga may naghahanap daw sayo ngayon, sabi ng source namin, mga hapon daw, natatakot ang kuya Ric mo sa mga nangyayari ngayon, kaya sa sa abroad kana daw mag-enroll" sabi ni ate Yumi

"Saan mo ba gusto Loi? Gusto mo ba sa america, ikaw? Saan mo ba prefered na bansa?" sunod sunod na tanong sa kanya ni ate Yumi.

"Pwede po bang sa korea na lang?Para malapit ng konti dito"

"Sige ikaw ang bahala" turan ni ate Yumi "Bukas na tayo aalis, ako na lang ang magaasikaso sa lahat ng papers mo sa school ninyo"

~~~

Jack of all tradesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon