Chapter III

23 2 0
                                    

Chapter III

Isang araw sa library ay pumasok ang tatlong nang away sa kanya noon. Inirapan kaagad siya nung isang estudyanteng yon. Kumuha ang mga iyon ng napakaraming libro pero hindi naman nagbasa, bagkus ay tinawag siya at sinabing.

"Hoy ikaw, iligpit mo itong lahat ha!" mataray na sambit rin ng isa sa nang away din sa kanya noon.

"Hoy!" isang estudyante rin ang hindi nakatiis. "Hindi naman kayo nagbasa, maawa naman kayo"

"Bakit sino ka ba? Freshmen ka lang ah, maka asta ka akala mo kung sino ka na, bakit sino kaba?" tanong ng mataray na estudyante.

"Ako? Kung sino ako? Tinatanong mo? Anak ako ni Mayor De los Reyes, I'm Mary Grace De los Reyes."

"Aywan ko sayo." at kinuha ang bag na bigla na lang umalis.

"Salamat ha, lagi kasi akong tinatarayan ng mga iyon" Loi reply.

"Hayaan mo hanggang naririto ako at itong kaibigan ko ay ipagtatanggol ka namin lagi. Ako nga pala si Grace at ito naman ay si Loraine kaklase ko, anak din siya ni kagawad Silverio. Freshmen kami dito. Ikaw ba't ganyan ang uniform mo? Saan ka nag-aaral?" tanong nito sa kanya.

"Ah! Diyan ako sa Rizal High, dyan lang sa kabila, nag pa-part time ako dito para sa mga pangangailangan ko sa pag-aaral" sagot niya

"Ah talaga! Ang galing mo naman"

"Ayos lang sobrang pangangailangan lang, nag-iisa na lang kasi ako sa buhay, pangarap kong nakapagtapos kaya i'll try my very best, di ba?"

Mula noon ay naging matalik na silang magkakaibigan. Minsan ay kumakain sila sa canteen, pero ni minsan hindi sya pumayag na barayan ng mga ito ang order na pagkain niya.

"Ngayong sem break, saan ka magbabakasyon Loi?" tanong sa kanya ni Wency, siya kasi ay pupunta daw ulit sa Davao.

"Maghahanap ulit ako ng extra job para naman hindi masayang ang oras ko." sagot niya.

May isang internet shop pa puntang bayan, doon siya nag apply ng part time, mabuti na lang ay mabait ang may ari kaya tinangap siya. Buti naman daw para maka pag pahinga muna ang kanyang amo.

"Tapos na ang sem break" sabi sa kanya ng amo niyang babae. "Ano Loi, diretso ka ba sa pagtatrabaho dito?"

"Gusto ko rin po sana kasi matututo akong gumamit ng computer" sagot ni Loi

"Oh sige, nakikita kong ang bilis mong matuto" ani ng kanyang amo. "At saka ang galing mo Loi, mula ng ikaw ang magbantay dito sa shop tumaas ang benta natin. Maraming naglalaro, kasi lahat ay humahanga sayo, ano magtatrabaho ka parin ba dito?"

"Gusto ko po sana, kaso nga lang po ay malayo dito ang school namin. Sa library na lang po siguro ako para hindi ako malate sa pagpasok,"

"Okay sige, pero laging bukas ang shop na ito sa muli mong pagbabalik."

Yon nga sa library na naman siya at lagi rin naroon ang dalawa niyang kaibigan.

Isang araw sa bahay ng mga De los Reyes ay nagsesermon na naman ang ina ni Floyd!

"Ikaw na bata ka, panay daw ang paiyak mo ng babae, sabi ng mga kaibigan mo, ngayon, Sino na naman yong laging naghahanap sa'yo sa phone, bakit hindi ang number mo sa cellphone mo ang ibigay mo, naiistorbo lahat kami dito sa bahay sa kakasagot ng tawag niya"

Sumabat si Grace.

"Kuya, itong cellphone ko, ibigay mo sa kanya ang number ko at ako ang sasagot dyan, o, ito, o" ipinagduldulan niya ang cellphone niya sa kuya niya.

Nang tingnan nito ang cellphone ni Grace ay picture nina Eloisa, Grace at Loraine ang nasa wallpaper niyon.

"Grace halika" bulong na pagkakasabi sa kanya ni Floyd.

"Bakit kasama mo ito sa picture?" Bigla niyang inagaw ang cellphone niya sabay sabing.

"Bakit masama ba? Kaibigan ko siya, mabait siya, at maganda pa. Good influence siya sa amin ni Loraine, pinapayuhan niya kami na huwag magskip ng classes."

"Papuntahin mo siya dito, gusto ko siyang makilala"

"Assistant librarian siya sa St. Agustin University at saka kuya, bukod kasi sa pagextra niya sa library, may trabaho pa siya sa canteen kaya hectic ang schedule niya hindi siya pwede." sagot ni Grace sa kuya niya. "Si Andrie nga kuya, panay punta sa library pag nandun na si Loi pero hindi talaga siya napagbibigyan ng oras ni Loi, kasi nga masyado siyang busy."

Christmas vacation napag desisyunan ni Loi na sa computer shop na lang muna siya mag part time gusto kasi niyang matuto pa ng mabuti sa computer.

"Aba! Loi mabuti naman at nandito ka na, para naman makapagpahinga akong masyado, nito kasing nagdaang mga araw marami ang player. At saka nga pala may pamasko ako sayo Loi, kunin mo pag uwi mo mamaya."

Isang blouse at pants ang regalo sa kanya ni ate Yumi, si ate Yumi ay taga Japan nakapag-asawa ng pilipino, magkasundo sila nito.

Pauwi na sana si Loi at isasara na lang niya ang shop, nang biglang dumating ang amo niyang si Yumi.

"Hi Loi" bati sakanya ng kanyang amo. "Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?"

"Ah, opo napakaganda po ang kulay nagustuhan ko po talaga salamat ate Yumi."

"Ano ka ba Loi, kunting bagay lang yon. Nagpunta nga pala ako dito kasi birthday ng bunso kong anak heto dinalhan kita ng makakain, at saka bukas magsara ka ng maaga at pumunta ka sa bahay, iniimbitahan ka kasi ng kuya mo mag disco daw tayo, follow up celebration ng bunso namin."

"Opo" sagot ni Loi!

Hindi nga nagbukas ng shop si Loi, kinabukasan doon na rin siya pinakain ng ate Yumi niya sa bahay nito, kaya bandang 7:30 ay nasa disco house na sila, nagtaka si Loi dahil sa ibang entrance pala ng disco house sila dumaan.

Napag-alaman niyang ang kuya Ric pala nya ay ang may ari ng disco house na ito. Hindi siya masyadong interesadong sumayaw, nasulyapan niya ang DJ booth.

"Ate Yumi, pwede kaya akong pumasok dyan sa booth at mag try para mag DJ?" nasa table sila noon umiinom ng juice

"Ano!!" biglang napatawa si ate Yumi. "Loi, huwag mong sabihing hilig mong mag DJ?"

"Hindi naman po, ngayon ko lang naisip na magtry" sabi ulit ni Loi

"Sabagay alam ko naman ang kakayahan mo na hindi ka tumitigil hangat hindi mo na pe-perfect ang isang larangan," sagot ni ate Yumi

"O, siya sige halika, ipakilala kita kay Arnold at kayo na lang ang mag-usap ha"

Si Arnold ang nakatukang DJ ng araw na iyon. Nasa loob na siya ng booth nang masulyapan niya ang isang table sa loob ng disco house may limang lalaki at tatlong babae ang naroon, nakilala niya ang grupo, ito ay ang mga dating estudyante sa St. Agustin University, tingin niya ay nakita sya ng mga ito kasi lumapit sa booth si Andrie

"Hi Loi, pwede ba kami mag request ng song?"  nasa likod nito si Floyd parang hinihila si Andrie, pero ang isa ay pursigido talaga na makausap siya.

"Ikaw ba ang DJ dito?" inaasikaso kasi niya ang mga susunod na ipapatugtog sa computer, ipinabahala na muna kasi sa kaniya ni Arnold ang pagpatugtog kasi mga sweet music ang mga naihanda niya, mamaya pa ang set niya, pumasok siya sa kusina para kumain, kaya hayon napilitan si Loi.

"Ang susunod na tugtog, ay para sa table nina Andrei, kasama sina Floyd, Harry, Luke, at Santi, at sa tatlong babaeng kasama nito" biglang umere ang boses niya.

Napatayo bigla ang kuya Ric at ate Yumi niya, tinignan nila kung sino ang nasa booth. Napakaganda kasi ng boses nito parang sanay na sanay ng mag-DJ si Loi.

Kaya ng pauwi na sila ay binati siya ng kanyang kuya Ric.

"Aba Loi, hindi ko alam, nagdi DJ kana pala" sabi sakanya ni kuya Ric

"Naku! Hindi ho, ngayon nga lang po ako nakapunta ng disco kuya" sagot ni Loi

"Sabi ko na sayo Ric, ang batang yan ay amazing, ang galing" biglang sabat ni ate Yumi.

Jack of all tradesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon