" Tayo ka na diyan Loi pumasok ka na sa classroom ninyo," you're still fortunate because you' re a very talentented young lady keep it up", "kapag nakatapos ka na pwede kang pumasok sa company ng kuya Ric mo hindi ka magiging jobless di ba?" O, sige Loi papasok na din ako bye" Uwian ng hapon, tumatakbo si Dennis palapit sa kanya, "Loi kain muna tayo bago ka umuwi", saan tayo kakain" tanong niya dito, "ikaw na ang pumili kung saan Loi", "Dennis sa Jollibee nalang kaya?" sabi ni Loi, "doon lang ang afford ng wallet ko sabi niya, Ano ka ba Loi ako ang nagyaya sayo, kaya sagot ko na yon sabi nito", Ay hindi naman ako papayag dyan" " dahil pananaw ko pag pera ang involve bawal sa akin yan Dennis", sabi niya "O de sige sa susunod mag pustahan tayo sa kung anong game payag ka Loi?" tanong nito sa kanya, " Oo sige, basta wag kang magpapatalo ha! sabi ni Loi kay Dennis, kung sino ang matatalo siya ang taya", pero Dennis wag sa mamahaling restaurant, hindi ko kaya yon", sabi niya dito, "sa mga food chain lang tulad ng Jollibee ang kaya ko.
"Loi sa Sabado mag bowling tayo", sabi ni Dennis "sige" sagot niya, Dumating ang Sabado nasa bowling lane na sila, sa unang game natalo si Loi, pangalawang game ay panalo siya, "sige draw tayo kung ikaw ang manalo sa pangatlong game it declares na ikaw na ang panalo" nanalo si Loi sa score na 276 si Dennis ay 192 lang kaya si Loi na ang panalo, tuwang tuwa si Loi dahil panalo siya pero biglang hinarap niya si Dennis, "Hoy, Dennis nagpatalo ka ba sa akin?" tanong niya dito, "Naku! hindi ah tapak sa aking pagkalalaki ang matalo ng isang babae lang", "pero ang galing mo talaga Loi sa unang tatlong box 90 agad ang score mo akalain mo yon? lahat kasi strike di ba?"Loi dati ka na bang naglalaro ng bowling?"tanong nito sa kanya, "hindi ngayon pa lang ako nakapag laro nito", "bukas saan tayo?" tanong nito sa kanya "sa inyo na lang kaya Loi makatitipid pa tayo di ba?" sabi sa kanya ni Dennis, "sige mag grocery na lang tayo" "pero hati tayo sa gastos ha," sabi dito ni Loi, "Oo na" sabi ni Dennis,
Nasa mall na sila para mag grocery nakita ni Dennis si Floyd kasama nito si Pinky, nag go grocery din ang dalawa, bigla niyang ipinihit sa ibang dereksiyon si Loi, pero nakita na pala sila ni Floyd galit na galit ang mukha nito na nakatitig sa kanila, pero hindi kinakitaan ng takot si Dennis sa titig na iyon ni Floyd, Masaya ng kumakain ang dalawa ng may biglang kumatok, nasa bandang kitchen si Loi, kaya si Dennis na ang nagbukas ng pinto, naka sando lang si Dennis kasi nagluto nga sila, naka apron lang siya kanina hinubad niya ito ng kakain na sila ni Loi, "Ano ang ginagawa mo dito Dennis? tanong dito ni Floyd, " wala" "naki kain lang ako dito kay Loi," " "ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong din niya dito, "halika maupo ka alok ni Dennis sa kanya", "Loi may bisita ka halika dito tawag sa kanya ni Dennis", lumabas si Loi, "O, Floyd anong kailangan mo?" tanong niya dito, "maganda pala itong bahay na regalo sayo ni Tai Chi", "akala ko ba Loi hindi ka tumatangap ng regalo kahit kanino", tanong sa kanya ni Floyd.
"Floyd wala akong dapat na ipaliwanag sayo tungkol dito" sabi ni Loi dito, "By the way Floyd halika sa dining kasalukuyan kasi kaming kumakain ng dumating ka", "saluhan mo kaming kumain", sabi ni Dennis kay Floyd" "Si Loi ang nagluto sa lahat ng yan Floyd, tumulong lang ako sa kanya masarap ba Floyd?" tanong ni Dennis dito, "Oo masarap sabi ni Floyd" "masarap ka palang magluto Loi", "bakit Floyd hindi ka pa ba nailuluto ni Loi tulad nito?" tanong ni Dennis dito, "Hindi pa kasi busy siya lagi sa pagtatrabaho ", kaya ibinibili ko na lang siya ng pagkain noon", sabi naman nito. "Sige aalis na ako sabi ni Floyd, "okey bye sabi naman ni Dennis sa kanya," Sabado na naman uli napagpasyahan nila na sa billard naman sila maglaban para sa pustahan nila tungkol sa kung sino ang magbabayad sa kakainin nila, Ang rule 2 wins for 3 games score of 2 is the winner, natalo si Loi kaya siya ang magbabayad sa kakainin nila ngayon,
"Saan tayo?" tanong ni Loi kay Dennis habang tinatanong niya ito ay pinupunasan naman niya ang chalk sa mukha nito. "O, ayan naalis na ang dumi sa mukha mo, sabi ni Loi , ang gesture na iyon ni Loi ay nagpakilig ng husto kay Dennis. Naalarma siya sa nadarama para dito, kasi alam niya na mahal pa rin nito si Floyd, kaya nagdurugo ang kanyang puso sa ngayon. Pero maligaya siya kasi siya ang kasama nito ngayon. Hindi namalayan nina Loi na nandoon si Floyd sa loob ng billard alley kung saan sila naroon ni Dennis kaya kitang kita nito ang sweetnes nilang dalawa gusto ng sugurin ni Floyd si Dennis mabuti na lang ay nakapagpigil pa siya, Sa isang sikat na food chain sila kumain ni Dennis, ng makatapos silang kumain ay naglakad lakad lang sila sa mall maraming napapalingon sa kanila ang mga babae hangang hanga sila sa kaguwapuhan ni Dennis ang mga kalalakihan naman ay nabibighani sa taglay na ganda ni Loi, aware si Dennis sa mga paghangang iyon sa kanila ng mga taong nakakasalubong nila, kaya proud na proud siyang kasama si Loi. Ito pa lang ang babaeng ginusto niyang makasama sa paglalakad tulad nito.
Noon marami ang nagpapapansin sa kanya subalit wala ni isa man ang pumukaw sa kanyang maselang puso, tanging si Loi lang ang nagpadama nito sa kanya, Lunes nasa covered court sila ng 3 niyang naging kaibigan at kaklase niya ang mga ito, Ang isa si Ana ang kumayag sa kanila para pumunta doon kasi maglalaro daw ng basketball ang mga players ng school nila, makakakita daw sila doon ng mga guwapo at matitikas na mga lalaki, kinikilig pa ito habang nagsasalita, naupo sila sa medyo malapit para daw makita nila ng malapitan ang mga ito.
Nag resume na ang game, hiyawan ang mga tao ng lumabas ang mga players, isa pala doon si Dennis pagkapasok nito, ay agad nitong nakita si Loi, lumapit ito sa kanya, at agad siya nitong hinalikan sa noo, pampa buenas lang Loi, napatawa na lang siya dito, pinaghahampas siya nang mga kaklase niya, "ang daya mo naman Loi, boyfriend mo ba siya?" tanong ng mga ito sa kanya, "hindi no", bestfriend ko lang yan, sabi niya sa mga ito, pagkatapos ng game ay sabay na silang lumabas ng campus ni Dennis, nagpa iwan na sa court ang mga kaklase niya, kasi may isa pang game na ang maglalaro ay mga rookies daw ng UST, manonood pa daw sila, "Loi nagutom ako, kumain naman tayo", pagmamakaawa nito sa kanya, "O, sige tutal walang naganap na game kaya KKB na lang tayo", "hindi Loi panalo kami kanina sa basketball kaya dapat ikaw ang manlilibri sa akin ngayon,
"Aba, wala yan sa usapan" Eh, di ako na lang ang taya tutal ako naman ang nagyaya sayo o,wala ng angal ha Loi!"sabi nito, "sige na nga" sagot niya dito, "basta bukas ako naman ang taya ha!" pasakay na sila ng sasakyan nito ay nakita niya si Floyd ipinagbukas ng kotse nito si Pinky. Pumasok sila sa Manila Shangrilla Hotel and restaurant, pagkapasok na pagkapasok nila ay sinalubong agad sila ng waiter, "sir nandoon po sa table 10 ang pina reserve ninyong table", sabi nito kay Dennis, tinungo na nila ang table na itinuro sa kanila ng waiter, pagka upo nila ay agad na sinighalan niya si Dennis , "hoy! Dennis niloloko mo ba ako?"tanong niya dito, "plano mo na palang talaga na pumunta dito, hayan at nagpa reserve ka na pala ng mesa", Loi wag ka ng magalit, di ba nga bukas ay ikaw naman ang taya?" "Eh dalhin mo rin ako dito para makabawi ka", sabi nito sa kanya, Ikaw talaga Dennis ha, habang sinasabi ito ay nilapitan niya ito at piningot sa teynga, at tinawanan niya ito, pero bigla siyang nagalit sa ginawa nito hinagkan siya nito sa pisngi, mag po protesta pa sana siya ngunit bigla siya nitong binulungan, "Loi wag kang lilingon sa kaliwa, nandyan si Floyd at Pinky magkasama sila"
Nakita nga ito ni Loi, naisipan niya ang matagal na niyang gustong gawin para dito, Bigla siyang tumayo, " Dennis wag mong hihiwalyan ng tingin ang dalawang yan ha!", "aalis lang ako sandali babalik ako agad", sabi ni Loi, pagbalik ni Loi ay may dala itong maraming roses 29 lahat yun at dalawang toblerone chocolate bar, she headed to the table of Floyd and his partner, at pabalibag na ibinigay nito iyon kay Floyd, at saka agad na bumalik sa table nila ni Dennis, "Anu naman yun?" dapat ako ang binigyan mo ng mga roses," " kasi ako ang ka date mo di ba?", sabi sa kanya ni Dennis, hindi mo maiintindihan, at wag mo ng alamin, "si Floyd lang ang may alam kung ano ang ibig sabihin nun.
BINABASA MO ANG
Jack of all trades
RomanceIsang mabait, matapang at matalinong bata si Eloisa Mae Saavedra. Mula pagkabata ay marunong ng maghanap buhay si Loi. Kahit ulila na si Loi ay nagawa niyang lagpasan ang kahirapan, dahil ito sa taglay niyang talino at abilidad, kaya hindi siya nahi...