Prologue

163 68 22
                                    

"Takbo,Anak! Takbo!" Sigaw ng aking ina habang siya ay nakahilata sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.

Unti-unti akong humakbang paatras, walang magawa kundi ang umiyak nang umiyak. Umiiyak sa sakit at takot. Sino ba ang may gustong nakikitang nahihirapan ang ina?

Tumakbo ako papuntang Cabinet para magtago, ngunit bago ako pumasok ay narinig ko kung paano magmakaawa ang aking ina sa mga taong kapapasok lang sa loob ng aming tahanan.

"Parang awa mo na Mister, wag mong sasaktan ang aking anak. Ako nalang, Wag siya!nagmamakaawa ako!" Turan ng aking Ina.

"Awa? Bakit naman ako maaawa sa mga taong walang kwentang katulad niyo, hahahaha!?" 'diba sinabi ko sa inyo noon na wag ninyo akong punuin,  but what have you done?"

Pumasok ako sa Cabinet at tinakpan ang aking bibig para hindi marinig ang aking paghikbi. Walang tigil sa pagtulo ang aking luha.

Bang-bang-bang!

Ako ay nagulantang sa aking narinig kaya pasaglit akong sumilip sa may butas. Nakita ko kung paano pagbabarilin ang sarili kong ina. Nakita ko kung paano kitilin ng isang mama na may Tatto' ng hugis puso sa may braso ang mama ko. Hindi ko makita ang kaniyang mukha sapagkat nakatip ang kaniyang mukha.

"Halughugin niyo ang buong bahay at siguraduhin niyong walang matitirang buhay!" Utos ng mama.

Nagsikalat ang mga tao na sa tingin ko'y tauhan ng mama sa loob ng aming bahay. Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan at mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso. Sa bawat pagbasag ng salamin ay parang malalagutan ako ng hininga.

"Pre, tignan mo dyan sa may cabinet at baka may alahas pang naitatago ni Gng.  Winston."

Papalapit na nang papalapit ang hakbang ng lalaki papunta sa pinagtataguan ko pero...

-----

Napabalingkwas ako sa pagkakahiga habang hinahabol ko ang aking paghinga. Halos araw- araw kong napapanaginipan ang aking masalimoot na nakaraan. That incident or shall I call it ,"that masacre", happened 12 years ago, but the pain and fear still embraced me and it is really hard for me to move forward. How can I even move on, if the person who killed my mother ay hindi pa rin nahahanap o baka naman talagang hindi na hinahanap?

The Chaotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon