Chapter 5: Behind the tears

122 54 4
                                    

Dione's POV

Sabi nila, ang pagmamahal ay parang isang laro. Singkwenta pursiyento ang tiyansang ika'y mananalo at ang natitirang singkwenta ay maaring maging sanhi ng iyong pagkatalo at pagdurog ng puso.

Ako si Shanne Dione Bautista, 18 years old palang pero nakararanas na ng mga bagay na hindi dapat nararanasan ng isang dalagitang katulad ko- ang maging despereda at magmukhang tanga sa harap ng maraming tao.

Kailan nga ba ako naging gan'to? Kailan nga ba ako niya nagustuhan?

It started with a wrong interpretation. Pakikitungo niya na dapat hindi ko binigyan ng maling pagpapakahulugan.

***Flashback...

A night before the enrollment....

Andito ako ngayon sa kwarto ko, nagbibihis dahil may dinner kami nina mama together with their business partner.

Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na ako sa kadahilanang kanina pa sila naghihintay sa Dining room.

" Wow! Yan na ba si Dione? " Bungad na tanong ng ka-business partner nina Mama.

" Yes, Amiga!Umupo ka, Hija." Alok ni Mama sa akin.

Ngumiti lamang ako sa kanilang lahat at tsaka umupo sa tabi ni papa.  Tinignan ko   kung sino ang aming mga bisita. Isang babae na siguro ka-edad ni Mama at isang lalake na siguro ang edad ay nasa 40's. Sa tingin ko ay mag-asawa sila. Ngunit nagtataka ako kung bakit may isa pang bakanteng upuan sa harapan ko.

" You look so beautiful with your purple dress, Dione. Anyway, I'm Lucy. Just call me tita Lucy. Itong lalaking katabi ko naman ay ang asawa ko, your tito Mark."
Pakilala ni tita Lucy sa kaniyang sarili at ng kaniyang asawa.

"H-hello po, tita and tito. Ako po si Shanne Di----".

Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil may isang napakapamilyar na lalaki na kapapasok lang sa aming bahay.

'This can't be real.'

" Sorry mom, I'm late."

"It's okay ,Son. Dione, He is our son, Earlle More Santiago. Son, She is Shanne Dione Bautista."Pakilala ni tita sa akin ng kaniyang anak.

' Kilala ko siya tita. Kilalang kilala. Siya lang naman ang matagal ko ng Crush.'

" Nice meeting you, Dione." Inilahad niya ang kaniyang kamay habang nakangiti ng napakatamis.

"H-hi Lemore, Just c-call me Dione. Nice meeting you too." Nanginginig man ay nakuha ko pa ring abutin ang kaniyang kamay.

*Tsup

'he kissed my h-hand! OMG!'

My whole face became red because of what he did. He's sweet that makes me sweat.

Pagkatapos niyang halikan ang aking kamay napasulyap siya sa aking mga magulang.

" Hello po tita,tito." Bati nito sa kanila.

"Hi Lemore. Napakagwapo mo namang bata. Kain na tayo." Sabi ni mama.

Ngumiti lang si Lemore sa amin. Kukuhanin ko na sana ang sandok pero hindi ko sinasadyang magkasabay kaming kuhanin ito kaya nagdikit ang aming mga palad. Tinignan ko siya at nakatingin din siya akin.

" U-una ka na." Sabi ko sabay tanggal sa aking kamay.

Ngumiti lang siya ng nakakaloko. Kinuha niya ang sandok tsaka bowl at tumayo para lagyan ng kanin ang aking pinggan.

The Chaotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon