Chapter 11: Luckless Inception

64 47 2
                                    

Kysttene's POV

* Tringgggg *tringgggg *triinggggg *trrringgg

Dahil sa gulat ay napabalingkwas ako sa pagkakahiga at agad na dinampot ang alarm clock para tanggalin ang baterya nito.

" Kainis! 7:30 palang naman e. Wala naman akong gagawin ngayong lune--" Napahinto ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata dahil... " Mala-lateee na akkooo!" Sigaw ko sa sarili ko.

Taranta akong bumangon at dumiretso sa banyo para maligo kahit saglit lang. Habang naliligo ako ay isinabay ko na rin ang pagsisipilyo. Two routines in one time! It sounds disgusting, but I need to move faster dahil baka ma-late ako. I really hate this!

***
Nasa loob na ako ng paaralan pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung saan ko kukunin ang schedule ko kaya napag-desisyonan kong maglakad-lakad nalang at nagbabaka-sakaling makita ko si Dione pero hanggang sa may nakita akong kumpulan ng mga estudyante na nakatingin sa isang malaking bulletin board.

"Ano ba 'yan bro! Hindi na namam tayo magka'klase!"

"Yes! Nasa science section tayo!"

" OMG! Classmates ko si Crush."

"Akoo dinnn!"

Napangiti ako dahil halos wala palang pinagkaiba ang school na 'to at sa dati kong school. Maingay, maraming maaarte, at mayayabang. But, what makes this and my former school really different is, the way how every student acts. In my former school, makikilatis mo na agad-agad na karamihan sa mga estudyante dun ay mimyembro ng fraternity base palang sa mga kilos nila; mangas na parang laging naghahanap ng away at gulo. In this school naman, malalaman mo agad na mayayaman ang mga estudyante dito based on how they move and treat other students, parang well- mannered pero may halong ka-plastikan.

Nang kumonti na ang mga estudyante ay lumapit agad ako sa bulletin board. Hindi ko na tinignan ang mga pangalan ng magiging kaklase ko dahil baka mas lalo akong ma-late kaya diretso kong hinanap ang pangalan ko. Nang mahanap ko ito ay dumiretso agad ako sa buliding namin.

Pagkarating ko mismo sa tapat ng nakasaradong silid-aralan na magiging room ko ay nakaramdam agad ako ng nerbyos at kaba. Nahihiya kong buksan ang pintuan dahil sigurado akong pagtitinginan ako ng mga tao pero paano ako makakapasok?

" Whoaa! Kaya mo 'yan Kysttene!" Pagkumbinsi ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung nakatulong ba ito, pero parang mas lalong bumilis ang pagtibok ng aking puso.

'Bahala na!'

Kakatok na sana ako pero may isang lalaking bumangga sa akin.

' Ahh! Bastos!'

Hindi siya nagsalita o kumatok man lang. Dire-diretso lang itong pumasok sa loob kaya wala akong sinayang na pagkakataon at sumunod ako sa lalaki.

" You're 1 minute and 30 seconds late!"

Napatingin ako pinanggalingan ng boses. Isang itong matandang babae na sa tingin ko ay siya ang magiging guro namin at nakatayo siya sa likod kaya kitang kita ko kung paano magsi-bulungan ang mga estudyante.

"It's better to be late than never, Ma'am." Sagot nung lalaking nakatalikod sa akin. 'His voice sounds familiar.'

Tumaas ang kilay nito. "QUIETTT! Will you just Introduce yourself infront..." Ngumisi siya. " But as a punishment because you were late, Introduce yourself by composing a song. Simulan mo na lalaki."

The Chaotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon