Chapter 2: New family

101 62 19
                                    

"Do you want to stay here for good and you'll be treated as our own daughter?"

"Do you want to stay here for good and you'll be treated as our own daughter?"

"Do you want to stay here for good and you'll be treated as our own daughter?"

Hindi ko alam kung nananaginip ba ako pero kung sakali mang panaginip lang ito ay sana hindi na ako magising pa.

"Hey, Ayaw mo bang maging parte sa pamilya namin? To tell you honestly, magaan ang loob ko sayo kaya sana wag mong tanggihan ang offer ko sa'yo." Nakikita ko ang panghihiyang sa kaniyang mata.

"Ahhh-gusto po Tita Marissa, gustong gusto po." Ngumiti ako sa kaniya pero nag-aalinlangan pa rin ako dahil baka  papalitan ang last name ko? Hindi yun pwede.

"Thank you. Don't worry, your name will be the same." Tila nakuha naman niya ibig kong sabihin.

"Ako dapat po ang magpasalamat sa inyo kasi hindi pa po niyo ako lubos na nakikilala ay pinapatira niyo na po ako sa sarili niyong bahay. Sobrang swerte naman po ang inyong mga anak, Tita."

"We don't have a child, Hija. S-She passed away 12 years ago." Sabi niya.

O_O

Ramdam ko sa boses niya ang lungkot kung kayat tumayo ako at niyakap siya. Habang yakap-yakap ko siya ay naramdaman ko ang kaniyang paghikbi at pag-agos ng kaniyang mga luha.

"I-i am sorry tita. I didn't mean to---".

Tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at tumawa ng mahina habang pinupunasan niya kaniyang luha.

"Hehe ano ka ba!? It's okay. Hindi lang talaga ako sanay na pinag-uusapan ang aming anak kasi sa tuwing napag-uusapan ang bagay na yun ay nagiging emosyonal ako."

"G-ganun po ba?"

Tumango siya. Tatanungin ko sana kung ano ang nangyari sa anak nila pero mas pinili kong manahimik dahil bago mas lalo siyang maiyak.

"Anyway, where is your tito Charles? He never to----."

Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin dahil biglang dumating si Tito Charles.

"O, Andito kana pala,Honey! Sorry for not informing you. There was a little bit problem with the transaction in Tagaytay, pero nagawan naman namin agad ng paraan kaya nakauwi agad ako dito. " Wika ni tito habang papalapit sa amin.

Sinalubong ni Tita Marissa si Tito Charles at niyakap tsaka binigyan ng smack kiss sa lips.

'How sweet!'

"Honey, is it okay if Kysttene will be staying here for good? Naawa kasi ako sa bata e. Wala man lang siyang matutuluyan." Suggestion ni Tita Marissa.

"Ganun din naman ang gusto kong mangyari, honey. I don't want her to be a vagrant." Sabi naman ni Tito.

Nanatili akong tahimik dahil wala akong maisip na sasabihin. Hindi ako makapaniwalang magkakaroon na ako ng bagong pamilya. Yung ituturing ako bilang isang tao at hindi parang isang baboy.

The Chaotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon