Kysttene's POVI've been looking for Dione, but I couldn't find her. She told me that she will go to the library to study our lessons, but when I followed her, she wasn't there.
'Maybe she's in the Canteen.'
Patakbo akong pumunta sa Canteen pero wala rin siya roon. Nagpaikot-ikot pa ako sa loob at nagbabakasali na makita siya pero aksidente kong nabangga ang isang babae na may hawak na baso na may laman ng orange juice at natapon lahat ito sa kaniyang uniporme.
" Look what you've done to my uniform! Bulag ka ba, m---!" Napihinto siya sa pagsasalita nang tignan niya ako.
"O! Ikaw pala 'yan, ang magnanakaw kong pinsan!"
Oo, si Mara ang kamalas-malasang nabangga ko. Ayaw ko siyang patulan at awayin dahil alam kong hindi magiging maganda ang resulta nito. Mas okay pa sana kung si Eerah'ng malandi ang nakabangga ko dahil madali lang naman siyang masupalpalan ng mga salita pero hindi e, si Mara ito. Ang pinsan kong buod ng sama. Siguro nag-uumpisa ng magimpake si Satanas sa impyerno dahil may nakatalo na sa kasamaan niya. Lol
" Wow! Parang natutuwa ka pang makita ako na naliligo dahil sa juice a." Naglakad siya papunta sa pinakamalapit na lamesa at kumuha ng juice na strawberry flavor at dahan- dahan lumapit sa kinaroroonan ko.
" Ito ang napapala ng mga magnanakaw at walang patutunguhan sa buhay." May diing sabi niya habang dahan-dahang ibinuhos ang laman ng baso sa aking ulo.
Napatungo naman ako sa kaniyang ginawa. I don't know but I couldn't resist. Siguro ay pinsan ko siya at pareho kami ng dugong nananalaytay sa aming katawan. Siguro ay may natitira pa akong utang na loob at respeto sa kaniya. She's my cousin after all." Masarap bang maligo sa mamahaling tubig na may mamahaling Flavor?" Mapanuksong tanong nito sa akin, but I managed not to talk. I am just staring on the ground.
" Alam mo kahit na nakasuot ka ng mamahaling uniform ay hindi pa rin natatakpan 'yung katotohanang isa kang magnanakaw at hampas lupa kaya mas mabuti pang tanggalin nalang natin tutal hindi mo bagay at nagmumukhang cheap 'yung uniform namin."
Bigla kong itinaas ang aking ulo at nahuli kong nakangisi siya sa akin na parang may binabalak. Dahan- dahan akong naglakad paatras ngunit sa bawat paghakbang ko ay naglalakad din siya paabante.
" A-anong binabalak mo?" Kinakabahang tanong ko s kaniya. Isinangga ko rin ang aking kamay sa ere bilang proteksyon sa kung ano man ang gagawin niya.
" Hold her!" Sigaw niya.
Bigla namang nagsitayuan ang mga kanina'y nakaupo na babae at hinawakan ang magkabila kong braso.
"Bitawan niyo ako!" Sigaw ko pero parang wala silang narinig. Mas lalo pa nilang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin dahilan para bumaon ang kanilang mga mahahabang kuko sa aking balat.
" Hmm. Siguro mauna muna nating tanggalin ang mga may mantsa sa damit mo kasi naasiwa ako sa combination ng kulay." Nakangising saad ni Mara sa akin habang hawak-hawak ang isang gunting na hindi ko alam kung saan niya kinuha.
Lumapit pa siya sa akin at unti- unting ginunting ang tela ng aking uniporme sa may bandang braso. Pinilit kong magpugmiglas pero sadyang malalakas sila at ang lakas ko kanina ay naglaho na parang bula.My tears started to fall. I am so weak, very very weak because I just let them do what ever they want. Ang mga tao sa paligid naman ay nagsisitawan na parang nagsasaya sa kanilang nakikita.
'Fck you people!'
Sinunod naman niyang ginunting ang tela sa banda ng aking tiyang dahilan para lumitaw ang aking pusod.
BINABASA MO ANG
The Chaotic Love
RomanceAll of us have our own definition about love. It could be a positive definition or not, depends on how you encounter it. Love is like an old thing that it is useful and still functioning or a new thing but, it is useless and worthless. " Mahal kita...