Chapter 13: Two Against One

82 49 7
                                    

Kysttene's POV

Habang naglalakad kami ni Dione ay napansin ko ang kaniyang pagkabalisa. Nakatulala lang siya sa isang direksyon na parang siya lang ang nag-iisang taong naglalakad sa hallway.

Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan ang pinag-sasabi ko sa kaniya kanina pero sa tingin ko ay mas okay na yun kaysa sa idaan ko siya sa magandang usapan pero hindi naman siya natututo. Sometimes, it is good to be bad than to be good at all.

Lahat ng tao ay nakatangin sa direksyon namin dahil basang-basang kaming dalawa. May mga tao ring nagbubulungan at nagtatawanan habang nakatingin sa'min pero hindi ko iyon pinag-tuunan ng pansin bagkus diretso lang kami sa paglalakad.

Nang makarating kami sa Comfort Room sinimulan ko ng ayusin ang aking sarili pero napatigil agad ako sa pag-aayos dahil nakita kong nakatayo lang si Dione sa harap ng lababo habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.

" May problema ka ba?" Mahinaon kong tanong. Nag-alala talaga ako sa mga kinikilos niya. Okay naman na siya kanina 'nung niwan ko siya roon a pero bakit ganyan siya makaasta ngayon? May nangyari bang hindi ko alam?

"Okay ka lang ba? Sabihin mo sa akin kung anong problema mo pero don't worry, this time I'll give you an advice nicely." Tanong ko ulit sa kaniya pero hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa sarili niya.

Napabuntong hininga ako ng ilang beses."Dione!"

Napatalon siya sa pag-sigaw ko sa kaniyang pangalan.

"B-bakit ka sumisigaw?" Tanong niya.

"Bakit ka tulala?" Pabalik ko ring tanong sa kaniya.

"W-wala. M-may iniisip lang ako."

Nag-umpisa na rin siyang mag-ayos sa kaniyang sarili.

Hindi na ulit ako nagtanong pa pero inoobserbahan ko lahat ng kaniyang mga kinikilos. Wala na akong makitang kakaibang sa mga kilos niya pero sobrang lungkot ng kaniyang mga mata. Sakit at poot ang nakapaloob dito.

" Good morning La Trinidanian, I would like to announce that the classes are suppended due to heavy rain. According to PAGASA, there is a Low Pressure Area in Metro Manila that causes flash floods and light wind. For now, go home safely and take a rest. Thank you!"

Nagpaulit-ulit ang announcement na iyon ng tatlong beses pero parang walang narinig si Dione. Patuloy lang siya sa pag-aayos sa kaniyang sarili. She just washed her face repeatedly.

" Okay ka lang ba talaga?" Hinawakan ko ang kaniyang braso pero agad akong napabitaw dahil napaka-init nito. Kinapa  ko rin ang kaniyang noo at laking gulat ko dahil napaka-init din nito.

"OMG! Antaas ng lagnat mo, Dione.  Tara dadalhin kita sa clinic." Nag-aalalang saad ko sa kaniya.

" Huwag na, Kysttene. Paniguradong Closed na iyon ngayon. Gusto ko nalang umuwi para makapagpahinga na." Nanghihina niyang sabi dahilan para mas kabahan ako.

Dahan-dahan ko siyang inakay palabas ng banyo at pinaupo sa upuan sa may hallway. Tumingin ako buong paligid para sana humingi ng tulong pero wala na akong makitang tao rito sa loob ng Campus marahil ay nakauwi na silang lahat.

"May I borrow your phone? I'll just call your mom or any of your relatives."

Kinuha niya ang cellphone niya sa kaniyang bulsa at ibinigay sa akin.

The Chaotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon