Chapter 8: Blackmailing

72 52 2
                                    

Lemore's POV

Minsan sa pagmamahal, kailangan mong maghanap ng isang bagay para sa ikakasira ng karibal mo lalong lalo na kapag nakikita o nararamdaman mong mas higit siya kaysa sa'yo. It sounds greedy pero wala e, no choice kumbaga.

" Lemore, Hanapin ko lang si Yvanne ha.  " Eerah said.

'Andito na nga ako, pero siya pa rin itong bukam bibig mo. Unfair!'

" Ako na, Eerah. I don't want you to get tired" Sabi ko naman sabay kindat sa kaniya.

Ngumiti lang siya tapos tumango bilang pagsang-ayon sa akin.

Tumayo na ako at nagsimula nang hanapin si Yvanne. Kailangan kong magpasikat kay Eerah para ako ang sagutin niya at hindi yung lalaking 'yun.

Luminga-linga ako sa buong paligid pero hindi ko siya makita kaya napag-desisyonan ko munang pumunta ako sa garden nila para sana kumuha ng bulaklak para sa kaniya.

Pero...

" Nag-eenjoy ka bang kayakap ang isang katulad ko?"

'Yvanne?'

Si Yvanne may kausap at kayakap na babae.

'Teka? The girl looks familiar.'

Napangiti ako sa ideyang magkakaroon na ako ng pagkakataon na sirain siya kay Eerah.

Nagtago ako sa lugar kung saan hindi nila ako makikita pero rinig at kita ko naman silang dalawa.

" Tsk! Bat naman ako mag-eenjoy?" Medyo pasigaw na tanong nung babae.

" Kung talagang hindi ka nag-eenjoy, bakit hindi ka man lang pumapalag mula sa pagkakayakap ko sa'yo?" Tanong ulit ni Yvanne.

' Baka nakakalimutan mong nasa bahay ka ng taong mahal mo kunno!'

Nataranta ang babae at tinulak niya si Yvanne ng malakas dahilan para mabitawan siya nito.

Hindi ka lang pala assumero, manyak ka rin! " Sigaw nung babae.

Aalis na sana yung babae, pero hinila siya ni Yvanne dahilan para ma-out-balanced silang pareho. Hindi ko na nakita ang sumunod na nangyari dahil namatay bigla ang mga ilaw.

' Bat tumahimik bigla?'

Maya maya pa ay lumiwanag na buong paligid.

O__O

Laking gulat ko nalang dahil nakita kong naghahalikan silang dalawa.

' Hindi pa sila ni Eerah pero nagtataksil na siya! Wala siyang kwentang manliligaw!'

Dali dali kong kinuha ang aking cellphone at kinuhaan sila ng video. After that, dahan dahan akong umalis sa lugar at pumasok na ulit sa loob.

Nang makapasok na ako sa loob ay nadatnan kong nakikipag-usap si Eerah sa mga visitors niya kaya hindi ko na siya nagawang gambalahin pa. Pumunta nalang muna ako sa table at kumuha ng alak tsaka umupo at nagsimula nang uminom.

I started to drink different brand of wines when I was in grade 10. My father taught me because he believes that life is too short that's why we should live to the fullest.

Habang umiinom ako ay muli kong naalala kung pa'no maghalikan sina Yvanne at nung babae.

' Paano mo nagagawang traydorin si Eerah sa mismo pa nilang bahay?'

The Chaotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon