Dione's POV
"W-why did you slap me?" I asked in disbelief.
" Para matigil na 'yang kagagahan mo." Walang emosyong sabi niya.
"W-what? H-hindi ito kagagahan, it's love." Saad ko naman.
Sana hindi na ako nasasaktan pa ng ganito kalala kung kagagahan man itong nararamdaman ko pero hindi e. Hindi lang ito basta kagagahan, pagmamahal 'to.
"Pagmamahal na sa kaniya mo binuhos lahat at halos wala ka nang itira para sa sarili mo. 'Yan ba ang pagmamahal na sinasabi mo? 'Yan ba ang hindi kagagahan?" She sighed. " I don't want to be mean, pero kailangan ko itong gawin para magising ka sa katotohanan."
Tumungo ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko siya maintindihan. Masyadong sarado ang aking isipan para intindihin ang kaniyang mga sinasabi sa akin.
" Isipin mo naman sarili mo Dione. 'Wag puro siya kasi bilang kaibigan mo, nasasaktan rin ako sa tuwing nakikita kitang umiiyak dahil sa walang kwentang tao." Dagdag pa niya.
Nanatili akong nakatungo habang pinaglalaruan ang aking mga daliri sa kamay. "I tried to avoid Lemore, but I failed. I ended up thinking about him." Mahina kong sabi pero sapat na para marinig niya.
Muli na namang tumulo ang aking mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
"Sinubukan mo lang? Hindi ba dapat ginawa mo, hindi mo lang sinubukan. Magkaiba ang sinubukan sa ginawan ng paraan." Ramdam ko sa kaniyang boses ang inis.
" Kung talagang gusto mo siyang iwasan, dapat gawan mo ng aksyon. 'Wag puro salita." Dagdag pa niya.
"Hindi mo kasi naiintindihan Kysttene kasi wala ka sa sitwasyon ko, kasi mo hindi nararamdaman itong nararamdaman ko!" Sigaw ko sa kaniya. Pinahid ko ang aking mga luhang dumadaloy sa pisngi gamit ang aking mga daliri.
"Hindi man ako ang nasa sitwasyon pero alam na alam ko kung ano ang nararamdaman mo kaya itigil mo na 'yan." Ang kaninang walang emosyong mukha at pananalita niya ay napalitan ng pagsusumamo at pagmamakawa.
"Paano ako ititigil kung sa bawat pagpikit ko ng aking mga mata ay puro ngiti niya aking nakikita. Sagutin mo 'ko Kysttene, Paano ako titigil?" Tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot sa tanong ko bagkus nanatili siyang nakatitig sa akin. Hindi ko mabasa kung ano ang laman ng kaniyang isipan pero kita ko sa kaniyang mata ang pagmamakawang itigil ko na.
Tumayo ako sa pagkakaupo. "Diba wala kang maisagot! Kasi nga wala ka sa sitwasyon ko! Wala kang alam sa nararamdaman ko! Akala ko ikaw ang unang makakaintindi sa akin dahil kaibigan kita pero ikaw rin pala ang unang huhusga sa akin." Tumalikod na ako sa kaniya bago humakbang papalayo sa kaniya.
" Hindi kita huhusgahan kung wala akong nakikitang mali! Have you ever tried to ask yourself if what you are doing right now is fcking good and fcking right!? Don't get me wrong pero I am agree with Eerah, you're a bitch!" Sigaw niya sa akin mula sa likuran ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.
Umiiyak siya pero bigla niyang pinahid ang butil ng kaniyang luha.
" HINDI AKO MALAND---."
BINABASA MO ANG
The Chaotic Love
RomanceAll of us have our own definition about love. It could be a positive definition or not, depends on how you encounter it. Love is like an old thing that it is useful and still functioning or a new thing but, it is useless and worthless. " Mahal kita...