TBT 1

32 3 0
                                    

Polan's POV


Maaga akong nagising dahil sa sinag nang araw na tumama sa muka ko sakto naman na kailangan ko din talagang bumangon ng maaga dahil ngayon din ang huling araw ng laro namin.

Huling taon na lang namin ngayon sa Malaya University kaya naman ineenjoy lang namin ang mga natitirang araw namin dito.

Nang makabangon ay agad na akong nagtungo sa banyo at naligo. Mabilis lang ang routine ko. Pababa na'ko nang makitang kalalabas lang din ni Brianna sa kwarto niya.

"Good morning." masiglang bati ko at saka ngitian siya.

"Good morning too. Ate." Balik niya.

Pansin ko na hindi niya suot ang uniform niya. Siguro ay washday nila ngayon kaya ito naka sibilyan.

"Bakit hindi ka nakauniform ngayon?" Tanung ko.

Ngumiti lang siya saka naunang naglakad. "Sinadya ko talagang hindi magsuot dahil manunuod ako ng laro niyo mamaya." Sagot niya.

Alanganin kasi ang oras nang laro namin sa klase niya kaya di na ako magtataka kung magsskip siya, pero tiwala naman ko na hindi niya gagawin yun kundi patay kaming pareho sa Ina namin.

"Oh, wag mo sabihin na magcucutting ka, susumbong kita kay Mama." Kunwaring banta ko.

Tumawa lang siya at kibit ang balikat na tumingin sakin. "Don't worry ate, isa lang naman klase namin ngayon kaya sakto lang, saka ayaw mo 'nun may taga cheer kana."nakangiting sabi niya. Psh, baliw talaga mabuti na lamang at hindi nalalayo ang ugali namin kaya sanay na ako.

"Pat, ready kana?" Kuha ni Mira sa atensyon ko, nandito kami ngayon sa isa sa mga silid ng gym, naghahanda.

Ngiwi akong tumango at nilibot ang paningin sa kabuuan kung kumpleto na kaming buong team. Batid ko na wala pa si Cha at Carol kaya naman akmang magtatanung na'ko nang—bumukas ang pinto at inuluwa nito ang dalawa.

"Hep.. hep.. were here!" Si Cha habang nakataas ang kamay sa ere. Nakita ko na lang na tumawa lang si Mira at Carol sa inasta ni Cha.

Bat ba ako nagkaroon ng mga kaibigang baliw!

"Pat, grupo ni Kalla ang makakalaban natin diba?" Tanung ni Mira na may pagalinlangan ang muka.

"Ano naman kung sila! Wala naman binatbat ang mga iyun."mayabang na sabat ni Carol.

"Wag nga kayo diyan, laro lang to, kung laban para sa kanila pwes, ibigay natin ang sagot natin." Ani ni Cha habang inaayos ang gamit niya.

"Guys, stop. Wag natin isama sa laro ang personal natin isyu sa kanila."buntong hininga ko. "Ang mahalaga maipanalo na'tin ito, tutal huling laban natin ito, I mean huling laro kaya inenjoy na lang natin." dugtong ko.

"Basta manalo't matalo magpaparty tayo!" Bahagyang sigaw ni Cha na siyang kinatawa namin lahat sa loob ng silid.

"Excuse me.. captain. Pinapatawag na kayo ni Couch sa field." Ani ni Mila na bahagyang isinilip ang ulo sa bukas na pinto. Agad naman akong tumingin at ngumiti sa kanya at marahang tumango.

Papasok na kami ng field nang makasabay namin ang grupo ni Kalla na siyang makakalaban namin.

"Oh, looks who here."maarte niyang sabi sabay baling sa mga kasama niya, na taas baba ang tingin samin. Nakahilera silang lumapit samin at tinapatan ang bawat isa.

Apat laban sa apat!

"Long time no see, Karla Dasheen." wika ko pati sa buong pangalan niya.

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon