TBT 12

11 2 0
                                    

Polan's POV

"Brianica, what's wrong?"

Si Kalla na kakarating. Kahit kelan mabilis talaga ang isang 'to.

"What do you want? Bakit mo' ko pinapapunta rito?" sunod-sunod na tanung niya.

Bakit ko nga ba siya pinapunta? Hays.

Tumikhim ako saka tinuro ang upuan nasa harapan ko. "Umupo ka na muna." walang emosyun kong sabi.

Honestly. I don't know what to say. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"What now?" maarte niyang sabi na nakataas kilay pa.

"Kalla?" buntong-hininga ko. "I.. I don't even know what is real or not anymore." wala sa sariling sabi ko na kinanuot nang noo niya.

"What do you mean?"

Sandali kong pinikit ang mata ko at matunog na nagpakawala ng hininga. "Nothing..But I have a favor?" pikit matang tumitig sa kanya. "Black knife tattoo.. gusto kong malaman kung sino at ano ang pakay nila bakit nila sinaktan ang kaibigan ko." deretsa kong sabi bahagyang nagulat ngunit mabilis na naibalik ang gulat sa natural na mukha.

Tumikhim siya. "Black knife tattoo.."napailing siya. "I try my best to find it, but for now give me some time. Okay?"

Tumango ako. "Thank you."

Bahagya naman siyang tumawa na kinanuot ng noo ko. "Its been a long time since nagpasalamat ka sa'kin. Hindi ko inexpect na maririnig ko muli yan sa'yo after what happens 3 years ago. Huh?" natatawang aniya. Psh, ang daming sinasabi.

Ganoon ba kahalaga sa kanya ang pagsabi ko nang salamat na para sakin, natural lang naman dapat sabihin kasi kailangan.

"Tsk."

Muli pa sana siyang magsasalita nang tumunog ang selpon ko. Marahan kong sinilip kung sino, ganoon na lang ang kabang namuo sa dibdib ko nang malaman kung sino. Ayokong magisip ng kung ano pero hindi ko mapigilan ang kabang bigla na lamang sumiklab.

"Hello.." ani ko sa kabilang linya.

Tumikhim ito at nanginginig ang boses maski ang buntong hiningang nito ay mabibilang mo. "Hello.." muling ulit ko.

Maski si Kalla ay halata na rin ang pagtataka sa kanyang mukha.

"A-ate.. s-si M-mama." putol-putol ani ni Bria sa kabilang linya.

"Anong nangyari kay Mama?" sigaw ko sakabilang linya bahagya naman tumalima si Kalla at hindi inaasahan ang nangyayari kung bakit napalakas ang tinig ko. "Oo.. sige papunta na'ko." muling tugon ko saka nagmamadaling lumabas ng cafe.

Naramdam ko naman na bahagyang sumunod si Kalla na may pagtataka. "hey, what's wrong?" tanung niya.

"Si Mama daw, kinuha ng naglalakihang lalaki.." buntong-hininga ko. "Sorry, pero kinakailangan ko nang umalis." dagdag ko.

"Sandali.." pigil niya sa kamay ko.

"Ano?" asik ko.

"Sasama ako."

Umiling ako. "Hindi, 'wag na."ani ko at akmang aalis na sana ng pigilan niya muli ako.

"Kung tatakbo ka lamang ay tiyak na mahuhuli ka, kaya hayaan mo akong samahan na kita." paliwanag niya. Psh.

"Tch. Ikaw bahala." saad ko. Saka naunang nanglakad. Kinakabahan.

Halos naging tahimik ang biyahe namin hanggang sa makarating sa hospital na, pinagdalhan din ni Cha. Naisalaysay na rin ni Bria kung ano ang pakay nang mga nangloob samin. Nung una ay nainis ako dahil sa maling sabi niya, nakuha daw si Mama ngunit hindi pala, dinala lang pala siya ng mga lalaki sa likod bahay namin at kinausap. Bagay na pinagtataka ko. Anong usap naman kaya ang pinagusapan nila. At nang hindi nakuha ng nagkakalakihan ang pakay nila marahas nilang binububug si Mama na nagtamo ng ilang pasa at sugat sa buong katawan. Halos mabasag ko na ang salamin ng kotse ni Kalla sa sobrang galit ko. Maging siya ay halata sa mukha ang pagiging takot sa nakikita sa 'kin.

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon