TBT 13

0 1 0
                                    


Cha's POV

"Ma, magsisimba lang ako." paalam ko sa Ina ko kinaumagahan ng linggo araw nang pagsimba.

Ngumiti si Mama. "Sige, magiingat ka." Iyun lang at lumabas na ako. Dahil linggo ngayon, uunahin ko na muna ang magsimba kesa ang gumala. Saka ko na lang iisipin kung saan ako gagala pag katapos kong magsimba siguro.

Nang makarating sa simbahan mabilis akong naghanap ng pwestong mauupunan malapit sa unahan. Habang patagal ng patagal parami ng parami ang tao hanggang sa mapuno na ito. At nang magsimula ito ay marahan naman nagsipagtahimik ang paligid at payapang nakikinig sa nagsesermon. May ilan na tutulog at may ilan ang naghihikab. Pinipigilan ang antok.

"Peace be with you." sabi ko sa katabi kong matanda. Nang matapos ang misa ay siyang kanya-kanyang labas ng tao. Taimtim muna ako nanalangin bago tuluyan lumabas.

At dahil hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta pagtapos ng misa, napagdesisyon ko na lang ang umuwe at magpahinga. Nasa may kanto na ako malapit samin nang may maramdaman akong parang may sumunod. Pilit kong binalewala ang nadadarama ko sa mga oras na 'yun. Ngunit sadyang bumibilis ang kaba ko kaya naman nang makaratingbsa dulo ng kanto ay marahas kong pinulot ang tubong nakita ko at pilit tinatago ang kabang humarap sa lalaking panay ang sunod sa' kin.

Nakita ko sa mukha niya ang gulat ngunit napalitan ito ng ngisi. "Sino ka? Bakit mo 'ko sinusundan?" tanung ko. Nakahanda sa ano man balak niya.

"Wohoo! Masyado ka naman atang matapang, nais ko lamang na sumama ka sa' kin ng maayos at hindi na pang masaktan." mayabang na aniya.

At bakit ako sasama sa kanya, ni hindi ko nga siya kilala. Ang lakas ng loob.
Malalim ang buntong—hininga ko bago muling matalim ang matang tumingin sa kanya.

"Magkakasubukan muna bago ako sasama sa'yo. Gago!" hamon ko. Ngumiwi lang siya bilang ganti.

Nang susugod na siya ay pilit kong inihanda ang sarili sa kung sakaling mangyari. Puro tadyak, suntok at pag iwas ang ginagawa 'wag nya lang matamaan ngunit ang pagkakamali galaw ay nahuli niya ako.

"Kung sumama kana lang sana ng maayos, hindi kana masasaktan pa ng ganito." aniya habang sakal-sakal ako mula sa likod.

Halos nagpupumiglas ko at dahil malakas ang mga katawan niya hirap ako kumalawa. Kaya naman walang alilangan niya ako tinugod mula sa batok dahilan para mawalan ako ng balanse at magdilim ang paningin ko.
Pero bago 'yun isang tinig ang muling narinig ko. Tinig na kilalang—kilala, Pat.. kaya naman ga' non na lang ngiti sakin labi at saka lakas loob na sumigaw upang marinig niya ako. Hindi naman ako nagkamali dahil ako bago tuluyan mawalan ng malay at naaninag ko pang bahagya ang paglapit niya bagay na hindi ko na muli pang alam ang sumunod dahil sa  unti-unting pagpikit nang mga mata ko.

Salamat ngayon alam ko na safe na talaga ako. Wala man akong lakas para lumapit sa kanya, alam kong mananalo siya.

KINUBUKASAN isang puting kisame at ilaw ang bumungad sa'kin nang magmulat. Hindi na ako magtataka kung nasaan ako. Batid ko na ito. Parang sa palabas lang na pag may nangyari sayo ay dito agad ang bagsak mo sa hospital..

Pilit kong gustong bumangon ngunit may braso ang pumigil sakin. Malamya ko naman itong sinundan at nakitang si Carol ang gumawa nito.

"Hey, stay still." aniya. "Humiga ka lang 'wag mong pwersahin ang katawan mo." saway niya. Ang tingin ay 'di inaalis sa' kin.

"Nasaan sila?" tanung ko.

"Outside.." tipid niyang sagot.

Sandali akong natahimik at inaaalala ang buong nangyari sariwa pa ito sa isipan ko. May isang taong ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Anong meron at bakit ako hinahunting nang lalaki na 'yun. Wala akong natatandaang may atraso ako sa kanya o sa kanila kung sino man siya.

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon