TBT 5

14 1 0
                                    

Polan's POV

Ilang araw na ang nakalipas mula nung makabalik kami ng maynila galing batangas, ngunit hindi parin ako mapalagay at inaalala yung gabing nangyari na 'yun na hindi naman big deal kung tutuusin ngunit napakalaki ng impact pagdating sa'kin. Nang gabing rin yun ay parang wala lang din sa kanya kahit na alam ko na alam niyang ako iyun, tanging pagmasid at pagtingin lang sa gawi ko ang ginagawa niya. Dahil din dun buong magdamag ko lang siyang pinagmasdan na para bang pinag aaralan ang bawat kilos niya na siyang isang bagay na nalaman ko. May taglay siyang ugali na magaling magpanggap.. magpanggap o magkunwaring walang alam o kilala.

Andrew Rolen Deocosta!

Psh!

Nababaliw na siguro ata ako..  para isipin siya samantalang balewala lang naman sa kanya.

"Huy, tahimik mo ata.. napansin ko lang." bulong ni Cha sakin dahilan para lumingon ako sa gawi niya, siya kasi ang katabi ko ngayon, habang nasa nasa likod namin ang dalawa na may sarili ring business ng daldalan.

Nasa isang bakanteng room kami ngayon kung saan nagpatawag ng meeting ang prof namin about sa graduation staft kuno na magaganap sa susunod na buwan. Malapit na pala ang graduation namin.. At hindi pa rin ako makapaniwala na matatapos kuna ang huling yugto ng buhay pag aaral ko.

"Wala may iniisip lang." sagot ko dahilan para ngumisi siya ng nakakaloko na halatang may iniisip na iba.

"Tsk. Umayos ka nga." saway ko.

"Bakit ano bang ginagawa ko? Wala naman ah." nanunuksong sabi niya. Sasagot pa sana ako ngunit bigla namang bumukas ang pinto at inuluwa nito si Sir dahilan para umayos nalang ako upo, at lihim na umirap sa kanya.

Bahagya naman siyang nangisi at tatawang umayos at humarap.

"So everyone.. kumpleto na ba ang lahat?" tanung niya dahilan para magsilibot ang paningin ng iba upang masigurong kumpleto na.  ".. So simulan na natin ang agenda ng meeting na ito.. alam ko na nakarating na sa inyo ang usap-usapan sa huling paglabas natin, which is the team building or   the mean to say is recollection ng mga magsisipagtapos." aniya ni Sir dahilan para mas lalong magingay ang mga taong nasa loob.

Agad naman nagtaas ang kamay si Ley isa sa mga alipores ni Kalla.

"Sir?" tawag nito.

"Yes."

"Team building sir? hindi po ba mahirap yun?" tanung niya, dahilan para tignan siya ng ilang naroon sa loob at iling na natawa.

"Ha ha ha ha.. Ang arte mo talaga, may team building bang madali, duh!" asar ni Mira, lalo tuloy naman nagsitawa ang mga nasa loob. Agad naman nalukot ang mukha nito at padabog na naupo.

"Kaya tinawag na team builiding eh, means tulungan ng bawat isa." singit ni Cha. "Baka naman gusto sila—sila ang magpasikat nanaman." dagdag niya.

"Wait, Okay ladies.. relaks.."awat ni Sir at muling kinuha ang atensyon ng lahat. "Walang madali sa lahat ng bagay pero dahil ito na ang huling activity niyo, ay gagawin namin madali at sisiguraduhin namin na mag eenjoy ang bawat isa." aniya lalo. naman nagkaroon ng liwanag ang mga mukha ng batch mate ko at may ilan na naeexcite na.

Agad ko naman binalingan ng tingin ang mga kaibigan ko na tahimik lang at halatang bagot na.

"Next week na ito at bukas na bukas pa lang, I process the form immediately para hindi hassle gets? Alam kong malalaki na kayo but—para sa kaalaman lang ng parents niyo itong form na ibibigay. Okay? at sana lahat kayo ay makaisa at makasama. 'Yun lang dismissed. Thank you everyone. " anito bago umalis ng silid. Nagkaroon naman ng kanyang-kanyang usap ang ilan at habang ang iba naman umalis na.

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon