Polan's POV
"Anong nangyari? Nasaan ang anak ko?" hapong-hapo ang hininga ni Tita Che nang makarating nang hospital. Nang makapalapit sakin.
"Nasa loob pa ho." umiiyak na nakababang tingin ko. Halos manginig na ang kabuuan ko lalo na nang magdadalawang oras nang hindi pa lumalabas ang doctor mula sa O.R. Nagkaroon kasi nang pamumuong dugo sa ulo niya kaya naman kinakailangan maoperahan.
"Ano ba ang nangyari? Paanong napunta duon si Cha sa lugar na 'yu." garagal na tanung niya.
"I'm sorry, Tita, hindi ko rin po alam, basta may narinig na lang akong na malakas na sigaw na nanghihingi ng tulong." paliwanag ko sa tanung niya.
Maging ako ay naguguluhan kung bakit at paanong nangyari ito. Bakit sa dinadami nang masasama sa gulo, siya pa ang madadamay at mahahantong sa ganitong sitwasyon. Maging ang si Tita Che ay walang ideya kung sino ang pwede gumawa nito.
At dahil hindi ako mapalagay sa nangyayari marahas akong tumayo na siyang kinagulat ni Mama na nuon ko lang din napansin nanduon na.
"Anak, okay ka lang ba? Saan ka pupunta?" nagaalalang tanung niya.
"Ma, samahan niyo puna si Tita Che, 'wag niyo po siyang iiwan hanggat wala si Mira at Carol." pakiusap ko. Natawagan ko na ang dalawa at nabalita na rin ang nangyari kaya naman maya' t maya lang ay dadating na 'yun.
"Sige, magingat ka."
Tumango ako saka tuluyan nang lumabas nang hospital.
Hindi ko alam pero malakas ang kutob kong iisang tao lang ang kagagawan nito. Kung hindi ko pa siguro nakita yung tattoo nang lalaki na yun sa kamay niya ay hindi ko maiisip at malalaman. At nakakasiguro ako isang tao lang ang maaaring makatulong sa'kin upang matunton ko ito at mapagbayad sa kasalanan niya.
"Oh, Hija. Halika't pumasok ka." si Manang ang katiwala nang mansyon.
Ngumiti ako. "Salamat po. Nasaan po si Senior Polan?" tanung ko.
Ayoko mangsayang nang oras. Lalo na't nilalamon ako ng matinding galit pag-iisip ko ang nangyari kay Cha.
"Nasa kanyang silid, sa may taas yung huling kwarto sa dulo." aniya. Tumango ako at saka tinungo ang nasabi niya.
Malalim ang hiningang kong kumatok. Ilang sandali pa ay bumukas ito at niluwala nito si Misurie bahagya pa siyang nagulat marahil ay hindi inaasahan ang biglaang pagdating ko.
"Brianica? What are you doing here! and bakit ganyan ang itsura mo?" Tanung niya saka taas baba ang tingin sa'kin. Duon ko lang din nalaman na hindi pa pala ako nakakapagpalit nang damit at halos may bahid pa ito ng dugo, kaya naman di ko siya masisi sa reaksyon niya.
Hindi ako nagsalita at nanatiling walang emosyung ang matang nakatingin sa kanya. Mabuti na lamang at naramdaman niya na si Senior ang kailangan ko kaya naman walang salita niyang binuksan ang pinto at tuluyan na akong pumasok.
"Brianica.. ano't bat ganyan ang suot mo?" gulat na tanung niya, marahil ay hindi niya inaasahan ako at dahil na rin sa itsura ko.
"Misurie, kumuha ka nang malinis na damit." utos niya dito.
"Hindi na kailangan." agap ko
"...'di naman ako magtatagal, may nais lang akong malaman." dagdag ko."What it is?"
Tumikhim ako bago nagsalita. "My friend.. was attacked last night by man with the tattoo of black knife in his hand. Did you know what black knife means?" ani ko bago deretso ang tingin sa kanya.