Polan's POV
"Good morning." wika ko nang maabutan ko sa kusina sila Mama na naguumagahan. Pansin ko masyado atang silang tahimik kung kumain, bagay nakakapanibago. Marahan naman tumikhim si Mama at blanko ang itsura na tumingin sa'kin.
Isa sa mga bagay na namana ko sa kanya.
"Good morning, hija." masayang sambit ni Uncle Edd. Pilit ang ngiti naman akong bumaling sa kanya bago tinungo ang pwesto ko. Habang kumakain, batid ko pa rin ang pananahimik ng aking Ina. Bagay na madalas niyang gawin kesa ang mag ingay. Halos matapos ang pag-uumagahan namin ng walang umiimik o nagsasalita, animo'y nagpapakiramdaman sa isa't-isa.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagliligpit ng pinagkainan ng tumikhim siya, wala na hapag si Uncle Edd at si Bria kaya naman,ito siya sisimulan na ata akong pagalitan.
"Kung nais niyo akong pagalitan, sabihin niyo na. Hanggat tayong dalawa lang." bulas ko. Habang ang tingin nasa lamesa parin. "Nakakahiya naman kung maririnig ni Uncle ang mga sasabihin niyo ng paulit-ulit na lang." dagdag ko.
Kita ko naman nabahagyang nagulat siya sinabi ko. "Brianica, anak." mahinang tawag niya sa totoo kong pangalan.
Walang emosyun akong tumingin sa kanya. "Ilang beses ko bang dapat sabihin.."buntong hininga ko. "..na 'wag niyo akong tatawagin sa pangalan na yan." tugon ko.
Marahan naman siyang lalapit sana—nang biglang umastras ako dahilan para matigilan siya.
"Kung ang kinagagalit niyo ang pagsama sa'kin ni Bria sa bar, sana hindi niyo na lang pinayagan." Wika ko.
"Bakit, sino ba ang nagsabing pagagalitan kita." biglang sagot niya, dahilan para matigilan ako sa ginagawa ko at saka nagtaas ng tingin sa kanya.
Anong pinagsasabi nito, para kanina lang ang mga tingin niya parang nagagalit, ngayon mabilis na nagiba. Nang hindi ako sumagot sa sinabi niya marahan kong tinapos ang ginagawa ko at akmang lalabas na sana ako ng kusina ng muli niya akong tinawag, this time hindi na ang totoo kong pangalan, bagay na pagkakasunduan namin.
"Pat? Anak." tawag niya.
Magsasalita pa sana ulit siya ng biglang pumasok si uncle Edd sa kusina at tumingin sa gawi ko.
"Hija, anak may naghahanap sa'yo sa labas, mga kaibigan mo." aniya.
Kunot noo naman akong tumitig sa kanya, nang makalabas, hindi pa man din ako nakakalayo, hindi ko inaasahan ang maririnig ko galing mismo sa kanila. "Pagpasensiyahan muna ang anak mo, mahal ka 'nun hindi nga lang halata." Birong sabi ni Uncle na ikinangisi ko. "Ewan ko sa'yo, palagi mong ginagawang biro ang lahat." wika ni Mama. Hindi lingid sa kaalaman nila na nakikinig ako, ngunit bago pa ako mahuli ay umalis na ako at pinuntahan ang mga kaibigan kong nagiingay sa labas.
Batid ko na nagsasabi nga ng totoo si Uncle dahil malayo pa man ako sa pinto ng bahay namin ay rinig na rinig ko na ang ingay ng tatlo."Ang aga-aga naman kasing maggising ni Carol na'to." reklamo ni Cha.
"Saan ba kasi tayo pupunta? At bakit biglaan." tanung ni Mira.
"Basta, manahimik nalang kayo at wag na madaming tanung, pwede ba." ani ni Carol na may mga ngiti sa labi. "And for sure, hindi niyo pagsisihan ang pagsama sa'kin. I swear, so shut up—"
"What are you doing here?" putol ko sa speech ni Carol. Mabilis naman lumingon sa gawin at may malalaking ngiti ang lumapit sa'kin.
"Good morning pat" Bati ni Carol.