TBT 2

20 2 0
                                    

Polan's POV

"Ate." tawag sakin ni Bria ng makapasok ako sa loob ng bahay. Simple lang ang bahay namin, hindi kalakihan, hindi rin kaliitan, sapat na yung nagkikitaan pa rin kami.

"Si mama?" Tanung ko.

Kibit balikat lang ang sinagot niya. Hays! Kahit kelan di ako makakuha ng magandang sagot sa kanya. Nasa bukana na ako ng kwarto ko nang tinawag niya muli ako.

"Ate.." tawag niya. Marahan naman akong lumingon at inaantay ang susunod niya sasabihin. "Hmm...pwede ba akong sumama sa party niyo mamaya."aniya.

Sandali akong natahimik bago sumagot. "Ikaw bahala.." tugon ko. "Pero, kung papayagan ka ni Mama. "dagdag ko habang tumatawa. Bigla naman nagiba ang itsura niya at sabungot ang mukang tumitig sakin.

Mabilis talaga mapikon ang isang to', kaya laging naaasar ng kaibigan niya.
Parang dragon kung mainis na kulang na lang bumuga ng apoy.

Nang makapasok sa kwarto bagsak ang katawan kong humiga. Ilang sandali akong natulala sa kisame ng may taong kumatok sa labas ng kwarto ko. Dahil tamad akong tumayo sumigaw na lang ako ng 'pasok'. Agad naman itong pumasok at iniluwa nito si Mama. Taka naman akong tumingin sa kanya. Batid ko na may sasabihin siya, dahil di naman ugali nito ang papasok sa kwarto ko pag alam niyang nandito ako. Pumapasok lang ito pag wala ako at para kunin ang labahan.

"Ma!" tawag ko. Marahan naman siyang nagbaba ng tingin sa'kin at malungkot ang mga matang tumitig.
"May problema ba?"

"Anak, Pat!"panimula niya. "May importanteng, mahalaga akong sasabihin."Di ko alam kung maiinis ako matatawa sa sinabi niya. Seriously?

Natatawa akong tumingin sa kanya. "Ma, nagbibiro ka nanaman ay."

"Di, totoo na'to. Makikiusap sana ako." Marahan siyang bumuntong-hininga. "Pwede bang sa lola niyo muna kayo magbakasyon ni Bria, kahit isama mo mga kaibigan mo. Okay lang, sasabihan ko na lang si Antie n'yo dun." Dagdag niya. Taka akong tumingin sa kanya at 'di maalis ang pagkakunot-nuo sa 'kin mukha.

"Bahala na, pag-iisipan ko." sabi ko sabay, tungo ng banyo at naligo. Narinig ko naman na bahagyang sumara ang pinto batid ko na lumabas na siya. Bakit naman kaya bigla-bigla siyang makiki-usap ng ganun? Anong rason niya at pinapagbakasyon niya kami duon. Dati naman, ayaw niya at kung 'di pa nga namin pipilitin hindi niya kami papayagan pumunta duon pero ngayon sa kanya mismo nanggaling.

Mira's POV

"Nasan si Pat?" Tanung ko kila Cha at Carol na kararating lang, nauna kasi akong nakarating dito sa Vengee's bar kasama ang ilang mga kateam namin.

"Hindi ko alam." Si Cha ang sumagot. "Akala ko nga nandito na, dahil tinatawagan ko, hindi sinasagot."dagdag niya.

"Mira, boys hunting tayo." Ani ni Carol na marahan nililibot ang paningin sa loob ng bar.

Inirapan ko lang siya at saka may ngising tinungga ang alak nasa baso ko at inaaya agad siya sa gitna ng dance floor. Ako pa hinamon niya a. Syempre go ako!

Mabilis naman siyang sumalado sa'kin natatawang nagpaakay. Bruha!

Cha's POV

"Tsk, kahit kelan talaga ang dal'wa na yun, pag naman nasaktan iiyak-iyak. Mga tanga lang." Bulong ko habang tanaw-tanaw sila na papunta dance floor.

Nasa kalagitnaan akong pagtungga ng dumating si Pat. O buti nakarating pa 'to. "Oh, Mabuti nakarating kapa, kala ko hindi ka na sisipot ay." Bungad ko.

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon