TBT 9

8 1 0
                                    

Polan's POV

"Hoy babae ka, anong eksena 'yun aber?" bungad ni Cha nang makapasok sa tent namin.

"Alin?" inosenteng tanung ko.

"Ah.. alin." panggagaya niya.

Mula kasi nung umalis ako ay hindi na muli pa akong bumalik sa takot na baka makita ko nanaman siya. Sa simpleng pagngiti at pagbangit niya nang pangalan ko, kinakain na agad ako ng hiya.

"Don't tell me, you like him huh?" panunuksong tingin niya.

Kunot noong bumaling ako sa kanya.
"No way, over my dead body."

"Over my dead body huh?" buntong hininga niya. "Hindi ka naman tatakbo at iiwas sa kanya kung wala kang... gusto right?"

"Shut up." Asik ko saka marahas humiga upang makatulog na. Sana.

Bakit kasi sa dinadami ng makikita ko. Bakit siya pa? Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil sa tuwing nagtatagpo ang landas namin kinakain ako ng hiya maski ang angas sa katawan ko ay nawawala. Halos mag ganda ikot-ikot na ako sa pwesto ko ay hindi ako makatulog, iniisip ang nangyari na para sa kanya ay maliit na bagay lamang ngunit sakin ay hindi.

Sana bukas okay lang eyesbags ko. I wish.

KINABUKASAN isang magandang tanawin ang agad na bumungad sa 'kin.. sa 'min. Mula kasi sa kinatatayuan namin ay matatanaw mo ang dagat na misteryoso ang kagandahan maging araw nitong unti-unting sumisikat na siyang nagbibigay lalo sa kagandagan ng dagat.

"Grabi, parang ayaw ko nang umalis dito." wala sa sariling sambit ni Cha.

"Edi maiwan ka." pilosopong sagot ni Mira na kinatawa namin.

Dumaan ang buong maghapon at magdidilim nanaman, huling gabi, huling araw. Napakabilis nang oras parang 'nung nakaraan lang ay gustong-gusto ko nang dumating araw nang paguwe namin pero heto ako' t nanamghihinayang. Nang magising kasi kami kanina ay hindi ko pa muli pang nakikita si Andrew. Ang pinsan ni Carol. Gusto ko man magtanung ay nauunahan ako nang hiya at kaba. Sa dahilan baka maging ito pa ang dahilan upang asarin nila ako, kung sakaling malaman nilang hinahanap ko.

"Good evening guys," Si Sir Steven. Nandito kami ngayon sa dalampasigan para sa huling activity na gagawin, which is Truth and Lies. Na kung saan maaari mong sabihin ang gusto mong sabihin na totoo o hindi.

"So, dahil ito na ang last activity natin. Gusto ko na magkaroon tayo nang maikling open forum sa bawat isa. Agree ba kayo duon?" aniya. Sabay sabay naman nagsitango ang mga kabatch ko maging ang mga kaibigan ko. "Okay, let's start, sino gusto mag volunteer mauna?" tanung niya.

Agad naman nagtaas nang kamay ang isa sa mga alipores ni Kalla. Sumunod ang ilang kabatch mate namin hanggang sa nag sunod-sunod na ito at napunta samin.. sa'kin.

Hala anong sasabihin ko?

"What about you, Ms. Polan?" tanung ni Sir. Hindi ako makasagot, ni isa ay walang sumasagi sa isip ko na gustong sabihin. Idagdag mo pa 'yung paraan nang pagtingin nilang hindi ko alam kung naiinis sa tagal kong magsalita o naiinis naiirita sila sa tagal.

"Pat? Ano na, naghihintay kami." bulong ni Cha na katabi ko.

"Hmm. Sir, ano.. kasi wala akong masabi.." buntong hininga ko. "Sorry." bago nagbaba ng tingin buhanging nasa mga paa ko.

Bahagyang ngumiti si Sir. "Okay, kung ga'non. Dito natatapos ang ating huling activity, sana nagenjoy kayo." Marami pa itong sinabi bago nagpaalam na. Nag kanya-kanya naman kaming tayo at saka bumalik sa kanya-kanyang tent na nasabi.

"Brianica." mahinang tawag ni Kalla na siyang nagpitigil sa'kin. Walang emosyun naman akong lumingon sa kanya, nanatiling tahimik, hindi sumasagot, at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Pwede ba tayong magusap." aniya. Naguusap na kami ano pa banh gusto niya. "'Yung tayong dalawa lang sana." saka bumaling sa likod na. Maging sila Cha, Mira at Carol rin pala  natigilan nung tinawag ako ni Kalla.

Agad naman akong bumaling sa kanila saka marahang tumango, bilang senyas na iwan na muna kami. Wala naman silang nagawa kundi ang sumunod at umalis.

Nang maka-alis sila ay wala na akong sinayang na oras at derektang nagtanung na sa kanya. "Anong pag-uusapan natin?" kalmado man ngunit walang emosyun kong sambit.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, ninanais ni Chief na bumalik kana." nanatiling nasa 'kin ang paningin niya. "Kailangan ka agency, kailangan.. kita" garagal na boses niyang sambit.

Nanatili akong tahimik at seryoso lang ang matang nakakatitig, inaalam kung totoo ba o hindi.

"May malaking kinahaharap ngayong problema ang agency." bunton hininga niya. "madaming naghihintay sa'yo, sa pag babalik mo."

"Pa'no kung ayaw ko. Ayoko nang bumalik pa."

Napatiim bagang siyang lumapit sa'kin. "Hindi maaari, ikaw lang ang may kakayahan makasira niyun, dahil narerelate 'yun sa dating mission na kala mo ay nagawa mo, pero hindi." kunot noo akong tumitig sa kanya, anong mission alam kong nagawa ko ang tama, kaya wala na dapat akong ipangamba.

"Naalala mo si Mr. Fee, ang leader ng pinamayamang sindikato na assign sa' yo?" tanung ni Kalla.

"Oo, patay na siya."

Marahan naman siyang ngumisi sa sinagot, na para bang hindi naniniwala sa sinasabi ko. "He's not dead. He's alive, buhay na buhay."

"What? Paanong nangyari 'yun. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano sumabog at nasunog ang sinasakyan niya, kaya imposible." Nagtatakang sagot ko.

"Bago sumabog ang sinasakyan niya ay siyang pagalis niya , nagtamo lang siya ng sunog sa kabilang pisnge dahil medyo malapit siya nung naabutan ng sunog. Ang katawan na nakita 'nun ay katawan nang kasamahan niya." bahagya siyang tumawa na para bang hindi inaakala ang mangyayari.

"Masyado matalino ang Mr. Fee ba' yun, animoy lahat tayo'y nagawang paniwalain na patay na siya ngunit hindi pala." dagdag niya pa. "Ngayon nakatanggap ang agency na sulat na galing sa kanya, Sinasabi sa sulat na magbabayad ang may gawa 'nun sa kanya." dere-deretsong paliwanag niya. Matagal na panahon na rin mula nung magkausap kami ng ganito.

"At alam mo kung sino ang babalikan niya.." putol niya sasabhin niya na nagpabalik sa sistema ko.

"Ikaw."

"Ako.."

Hindi ako tanga para hindi malaman iyun.

Tumango siyang iiling-iling na humarap ulit sa 'kin.
"Kaya nga mula nung natanggap namin 'yun ay, agad ka naming hinanap, at ngayon nakita na kita. Sana bumalik kana. Para sa agency, at para sa kaligtasan mo na rin."matunog siyang bumuntong hininga. "Hihintayin ko.. namin ang pagbabalik mo, pag isipan mong mabuti' yan."Iyun lang at nauna na itong umalis, Kailan pa siya nagkaroon nang Malasakit sa'kin. Psh!

Dapat pa bang bumalik ako. Dapat pa bang balikan ko ang buhay ko noon, buhay na magulo, buhay na araw-araw na dala ay panganib, buhay na mas pipiliin pa ang gulo kesa ang kalayaang gusto.

Kung babalikan man ako sa dati ay tiyak na madami nanamang mapapahamak na malalapit sa buhay ko, ngayon pa ay nadagdagan ito, nadagdagan na dapat kong pagkaingatan at bantayan. Pero isa lang ang nasisigurado ko, mananatili silang ligtas hanggat kasama nila ako at 'yun ang sisiguraduhin ko, ano man ang mangyari.

———————
tbc..

A/N: BRIANICA, POLAN OR PAT pareho lang po yun, iisang tao lang po baka nalilito kayo. Sana hindi naman. Salamat!

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon