Polan's POV
"Hindi 'bat sinabi ko sayo na layuan mo ang lalaking iyun." Tinig ni Mama na nanggagaling sa loob ng kusina.
Mukhang may ginawa nanaman si Bria para pagalitan siya ni Mama at magalit sa kanya.
"Ma, kaibigan ko lang siya.' Yun lang po 'yun." sagot ni Bria.
Malakas na binagsak ni Mama ang basong hawak niya dahilan para mabasag ito. Ngayon ko lang ulit nagalit si Mama ng ganito pero ibang-iba ang galit niya nuon kumapara ngayon.
Kilala ko si Mama hindi siya basta magagalit ng ganito kung maliit na bagay lang, pero sa pinaparamdam niya ngayon. Nararamdaman ko na ang lalaking tinutukoy niya na dapat layuan ni Bria ay may matinding atraso sa kanya at iyun ang dapat kong malaman.
"Wala akong pakialam kung kaibigan o hindi. Layuan mo siya, naiintindihan mo." Iyun lang at lumabas na ito ng kusina.
Awang ang mga labi ni Mama at natigilan ng makita ako. Marahil ay hindi niya inaasahan na maririnig ko ang usapan nila ng kapatid ko.
"Mama anong nangyari?" tanung ko. Pero nanatiling walang emosyun naman ang mukha niya.
"Pag sabihin mo iyang kapatid mo, sumasakit ang ulo ko." aniya at tuluyan nang umalis.
Malalaki naman ang hakbang kong pumasok ng kusina at naabutan si Bria na may kausap, nakatalikod ito sa gawi ko hindi niya pa ako napapansin.
"Osge, Salamat. Wala, konting daldal lang naman, tas umalis na. Oo. Sanay na ako dun." rinig kong sabi niya sa kabilang linya.
Lihim akong napatawa. Tigas talaga ng ulo ng batang ito.
Nang matapos ang usap nila agad niyang pinatay ang tawag at gulat na humarap sa 'kin.
"ATE! K-kanina ka pa diyan." utal niyang tanung.
Ngumisi ako at seryoso ang mga matang nakatingin lang sa kanya.
"Ate, Bakit ganyan ka tumingin. Ate naman, wala akong ginagawang masama. Promise." aniya.
"Kung wala kang ginawa, hindi magagalit sayo si Mama ng ganoon. 'Wag mo nang uulitin pa ang ginawa mo, kung ayaw mo pati ako magalit sa' yo." saad ko bago umalis at tinalikuran siya.
Hindi pa ako nakakalabas nang tuluyan ng may makalimutan akong sabihin sa kanya, nanatili akong nakatalikod kaya naman hindi ko makikita kung ano ang magiging reaction niya sa sasabihin ko.
"Ah, bago ko makalimutan, ikaw na maglinis niyang basag na yan. Make sure na walang bahid ng bubog ah."Ayoko siyang bigyan nang iisipin sa inasta ni Mama. Mas mabuting wala siyang nalalaman, para hindi na rin siya mapahamak pa.
After kong makausap ko si Bria, umakyat na rin ako sa kwarto ko nasa pagbibihis na 'ko nang damit ng may kumatok mula sa labas kaya naman agad na akong nagmadali at binuksan ito. Hindi na ako magugulat na si Mama ito dahil sa bahay namin tatlo lang naman kaming naririto.
"Ma, bakit?" tanung ko.
"Pat, tumawag si Senior Polan, ang lolo mo. Pinapapunta ka niya ngayon sa mansion nila." aniya.
Kunot-noo naman akong tumitig at saka marahas na bumuntong-hininga.
Bakit naman kaya ano naman kaya ang dahilan at kinakailangan pang papuntahin ako duon."Sige, pupunta ako, pakisabi." tugon ko, hindi niya ata inaasahan papayag ako dahil bahagya pa siyang nagulat sa sinabi ko.
"Gusto mo samahan pa kita."