TBT 6

8 2 1
                                    

Polan's POV

"Anak.. gising kapa?" tanung ni Mama, bago tuluyan pumasok sa loob ng silid ko.

"Anak, tungkol dun sa nangyari kanina-"

"Ma, pagod ako, bukas na lang natin pagusapan." putol ko sasabihin niya.

Marahas naman siyang bumuntong hininga at tumango. "Sige, matulog kana." Iyun lang at lumabas na ito.

Sapo ang mukha ko ng dalawang palad ko, matapos mapatitig sa pintong nilabasan ni Mama. Tulala lang ako habang hindi maintindihan ang mga nangyayari, batid ko na alam kong mangyayari at mangyayari ito.

Hindi ko lamang napaghandaan.

Akala ko pagtuluyan nalaman ko na ang ilang parti sa nakaraan ko, okay lang ako, hindi ako apektado, pero nagkamali ako. Panimula lang pala iyun ng mga dapat ko pang malaman.
Mas kailangan ko pa palang ihandaan ang sarili ko sa nais at gusto ko pang malaman. At sana sa ano mang malaman ko, hindi masaktan ng sobra sila Mama bagay na pagnangyari hirap akong iwan sila, lalo na siya ang nagalaga sakin at kumukop sakin at gumabay nung mga panahon hinahanap ko ang sarili ko matapos matanggal sa trabaho.

Three years ago!

Dati akong member ng agency ng samahan ng TBT Corp. na kung saan may kanya-kanya kaming tungkulin. Tungkulin kong pangalagaan ang mga nasasakupan ako dahil ako ang head corp nila. Kabilang ako sa samahan ng manunulupig ng krimen at buwis-buhay na pagtuklas ng illegal na transaction nang ilang kaaway. Dito ko rin nakilala si Karla Dasheen, siyang ang naging buddy ko nuon. Naging matalik kaming kaibigan bagay na akala ko totoo ngunit nagkamali ako. Isang araw, nangyari ang nagpabago sa buhay ko. Nakatanggap kami 'nun ng tawag mula sa kataas-taasan.

Nang malaman namin ang buong detalye mabilis kaming nagtungo duon, ngunit huli na. Nasusunog na ang buong lugar ng makarating kami. Maski ang ilang tauhan namin nauna duon ay nasama sa nasusunog na gusali. Lubos ang paghihina ko sa mga oras na 'yun. Maging ang balitang nakaabot sakin ay mas lalo akong binagapag ng matindi. Ang Ama ko ang nagsimula ng sunog na dalawapung daang tao ang nadamay. Maski siya ay namatay.

Malakas namang sampal ang bumungad sa' kin matapos makabalik ng head quartes. Maski ako ay gulat sa nangyari at hindi ko magawang magkapaliwanag dahil sa halo-halong problemang dumating. Iyon din yung araw na pinatalsik ako sa trabaho at tinggalan ng ano mang maaraing kunektado sa kanila. Iyon rin yung huling araw na naging magkaibigan kami ni Kalla. Taos puso kong tinanggap ang parusa nila kahit hindi ako may kasalanan sa nangyari pero wala akong magagawa, nangyari na ang nangyari at hindi na rin nito maibabalik pa ang buhay ng Ama ko na siyang kinuha rin kabayaran sa ginawa niya. Mula rin nang araw na 'yun ay hindi na muli pa akong nakatanggap ng tawag, maging kay Kalla ay wala na. Kaya naman sinabi ko sa sarili ko na aayusin ko na muli pa ang buhay ko at pipilitin mabuhay ng payapa.

Nang araw rin na 'yun ay duon ko lang rin nakilala sila Cha, Mira at Carol. Ang hindi ko inaasahang magiging kaibigan ko hanggang ngayon. Ngunit wala alam sa kung anong meron sa nakaraan ko' nun.

Nabigyan ako ng muling pag-asa ng mga panahon na' yun, para maka pag simula ulit hanggang sa kinukupkop ako nila Mama at tinuturi kong pamilya ngayon ang pamilyang Tampilan.

"Huy, girl earth 'to, nasa mars na ata pag iisip mo." Si Mira na halata sa itsura ang inis. Mukang kanina pa ata ako niya kinakausap at nakita niya nanaman ang pagiging tula ko kung saan.

"I'm sorry, masyado lang akong madaming naiisip ngayon." ani ko saka nagbaba ng tingin sa sahig.

Nasa isang café kami ngayon at hinihintay ang dalawa na dumating. Biglaan kasi ang aya ni Carol na siyang hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Ilang sandali pa mabilis na silang nakarating at mabili rin umorder na kala mo ay naghahabol kami ng oras.

"Ano ba yung sasabihin mo?" tanung agad ni Mira ng makabalik si Carol matapos maka order nito.

"Well.." sandali siyang natahimik at malalim ang matang bumaling sakin. "Actually, Is all about to her. turo niya sakin. ".. what I mean is Si Brianica, right?" dagdag niya.

"What do you mean?" mabilis na tanung ni Mira na naguguluhan na.

For God's sake. Hindi ko napaghandaan ang araw na'to.

"Oo nga, Carol ano ba yang sinasabi mo, at saka ano yung tungkol kay Pat. At sino yung Brianica?" sunod na sunod na tanung ni Cha.

"It's me." saad ko. Mas lalo naman silang napangisi at tatawang bumaling sa'kin sa mga nalaman.

Magsasalita pa sana ulit si Carol ng biglang dumating ang order namin.

Hays!

"So ibig sabihin, hindi Polan Antonette Tampilan, ang totoong mong name." biglang tanung ni Mira matapos makaalis ang waiter.

Tumango ako. Grabi wala talagang pinapalagpas ang mga ito.

"So, kung hindi ano pala? Yung totoo. please.." aniya pa.

Tumikhim ako bago nagsalita muli
"I'm Brianica Antonette y Polan.

Awang ang labi ni Mira at Cha matapos marinig at malaman ang buo kong ngalan. Habang wala namang reaction ang mukha ni Carol at tahimik na sumisim ng teang inorder niya.

"I'm sorry."

Hindi inisip na mabilis nilang malalaman, kaya naman hindi ko alam ang sasabihin ko. Kung saan ako maguumpisa o paano ko uumpisahan.

"May dapat pa ba kaming malaman." ani ni Cha.

"Go ahead, asked me. And I will try to answer it." saad ko dahilan para tumitig sila sakin ng kakaiba. "I'm serious."

Marahas naman silang umiwas ng tingin sa'kin at nag kanya-kanyang simsim ng order nila.

Batid ko na naguguluhan sila sa mga nangyayari. Pero heto sila, natural kung umarte at kala mo'y walang nalaman na batid ko na big deal sa kanila. Tinatago lang nila para hindi ko mahalata pero alam kong alam nila na ramdam ko.

Curiosity might kill them, I guess.

Ang ito ang dapat kong paghandaan.

---------
Tbc..

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon