TBT 4

11 3 0
                                    

Polan's POV

"Bakit ganyan ang suot mo?" Umalingawngaw agad ang tinig ni Mira matapos makita ang suot ko.

Nakasuot ako ng bistidang kulay puti na tanging isang design lang ang makikita dito. Walang iba kundi ang tatak ng sunog na nagawa ko. Maliit man sa malayuan kung pagmamasdan , pag iyong lipatin ay mahahalata mo talagang nasunog iyun.

Kunot-nuong tumitig naman ako sakanya, ano bang problema sa suot ko okay naman a.

Okay ito para sa'kin.

"What?" tanung ko.

"What-whatin kaya kita diyan, tignan mo ngang sarili mo, muka kang manang sa suot mo tas may sunog pa." wika niya halos na malukot ang mukha sa sobrang inis.

"Anong magagawa ko wala akong matinong damit, iyang lang nakita kong damit sa cabinet ko, hindi ko naman namalayan na may sunog pala." paliwanag ko.

Inis naman siyang tumingin sakin at mabilis na nagtunggo sa gamit at may hinahanap, nang makita naman niya ito agad siyang lumapit sa'kin at pahampas na binigay ito sakin.

Isa itong tube dress na may maliit na pang taling pangsuporta sa balikat ko na crema ang kulay, hindi naman gaano kahabaan at kaiklian sapat na sa hanggang sa tuhod ko na tingin ko ay bahagyang hapit na hapit sa katawan ko. Bagay na pag sinuot ko, maski ako hindi aakalain na babagay ito.

"Anong gagawin ko dito?" wala sa sarili kong tanung.

"Sunugin mo." pilosopo niyang sabi. "Malamang suotin mo, hala siya dali, magpalit kana. Baka gusto mo na bihisan pa kita." dagdag niya, mabilis naman siya akong tinulak papasok ng banyo at walang sabing sabing malakas na sinara ang pinto.

"Putcha!" sigaw ko mula sa loob.

"Ano may sinasabi ka diyan." Sigaw din niya mula sa labas. Para kaming tangang dalawa dito na nagsisigawan dahil lang sa damit na suot ko. Hys!

Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigan ganito?

Nang makalabas ng banyo, awang ang mga labi niyang tumitig sakin na kala mo'y nakakita ng multo sa pag kagulat.

"Tangna, nasaan si Polan ilabas mo." aniya at malalaki ang hakbang ang ginawa upang makalapit sa'kin.

Gagu!

Agad ko naman siya inirapan. "Muntanga ka sa ginagawa mo, sa totoo lang."

Tumawa lang siya na para bang hindi makapaliwanag. "Grabi, hindi ko lang kasi inakala na ganyan ka kaganda pag naayusan." ngi-ngising sabi niya habang nagaayos ng muka. "Nasanay kasi ako na pag naglalaro tayo, ay ganuon lang. Simple, tanging pag pusod lang buhok ang ginawa mo." dagdag niya.

Bahagya akong umiling-iling sa mga pinagsasabi niya. Moret talaga, di lang ako sanay na inaayusan sarili ko kaya nasanay akong ganuon lang. At nang akmang uupo na ako sa gilid ng kama ay bigla na lamang niya akong hinatak at walang sabing sabi inupo sa upuan at kung ano-anong nilagay sa muka. Pwee! Ano ba yan?

"Oh, iyan edi mas lalo kang gumanda." masayang sabi niya matapos lagyan ng kung anong pampaganda ng mukha ko.

Bakit ba kasi itong babae na'to ang nakasama ko sa kwarto, ang daming arte sa totoo lang..

Mas maganda nga atang kung si Cha na lang makasama ko, tutal mas lalo kaming nagkakaintindihan dahil parehas lang naman kami sa buhay, ang pinagkaiba nga lang totoo siya ako guni-guni lang.

"Uy, nandiyan na pala kayo." bungad nila Carol matapos maabutan namin sila sa lobby.

"Oo, sorry, kanina pa paba kayo?" tanung ko.

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon