TBT 10

8 1 0
                                    

Polan's POV

"Oh, nakauwe kana pala." Isang umaga nang maabutan ako ni Mama nagaalmusal. Hating gabi na kasi nang makauwe ako kaya naman hindi ko na silang naabutan pang gising. Mabuti na lamang at may duplicate ako nang susi ng bahay kaya nakapasok ako kundi ay baka magdamag ako nasa labas nang bahay. Hinihintay ang umaga.

"Oho, hindi ko na kayo ginising dahil hating gabi na rin at baka maistorbo ko pa ang tulog niyo." munting paliwanag ko bago kagating ang tinapay na nasa plato ko.

Tumango-tango lang siya saka nagtungo sa harap nang maliit na refrigerator namin. Malamang ay maghahanda na ito ng kanyang lulutuin para sa'min tanghalian. Wala kaming pasok ngayon dahil sa sabado ngayon na sakto naman pahinga.

"Anong meron, Ma?" wala sariling tanung ko matapos makita ang ilang putahe na nilabas niya mula sa malamig na lalagyan. Napakarami naman ata niyang lulutuin.

"May bisita kasing dadating ang Tiyo Edd mo. Kaya kailangan ko magluto ng ilang putahe. Alam muna." natatawa niyang sambit saka bumaling sa'kin.

"Ah, Okay po." walang buhay kong tugon saka tinapos na ang kinakain.

Nang maka tapos maka paghugas nang pinag kainan ay siyang muling pag agaw niya ng atensyon ko.

"Ah, Nak, nung nakaraan pala.. may nagpunta rito. Isang gwapong lalaki" kinikilig na aniya niya nagpakunot ng noo ko. "Hinahanap ka." dagdag niya pa.

"Po? Sino naman po 'yun? Tinanung niyo po ba ang pangalan?"sunod-sunod na tanung ko. Dahilan para tumawa siya sa inasta ko.

"O bat parang intersado ka atang malaman, huh?" nanunukso niyang tingin.

Umirap ako. "Ma, naman eh."

Tumawa siya. "Nakalimutan ko ang pangalan pero ang sabi niya ay pinsan siya ng kaibigan mong.. si Carol."

Awang ang mga labi kong napatitig kay Mama. Si Andrew. Ano naman ang gagawin niya rito.

"Dahil hindi ko pwede ibigay ang numero mo ay iyung lugar na lamang kung nasaan ka." natatawang anusyo na nagpalaki ng mata ko.

"What?" nagugulat kong tanung. Hindi makapaniwala.

Kaya naman pala nakarating ang isang 'yun sa retreat namin dahil sa Ina ko. Totoo pala ang sinasabi ni Carol na wala siyang alam kung bakit at paano nalaman ni Andrew kung nasaan kami. Psh.

Nang umaga rin na 'yun wala akong ginagawa kundi ang tumambay lang sa loob nang kwarto ko. At palaisipan parin sa' kin ang huling paguusap namin ni Kalla. Bagamat alam ni Mama ang nakaraan ko ay hindi ko pa rin ito magawang mabanggit sa kanya. Naduon pa rin ang pagdadalawang isip ko kung sasabihin ko ba o hindi. Ngayon pa na buhay pala ang lalaki na 'yun. Siguro ay mabuti na itago ko na muna, sa takot na madamay sila sa gulo na papasukin ko at baka iyun ang ikapahamak nila sa huli.

"Ate.. kakain na." umaalingawngaw ang tinig ni Bria na nanggagaling sa labas ng silid ko kasabay nito ang sunod-sunod na katok na ginawa niya.

Tanghali na pala, hindi ko namalayan ang oras dahil sa sobrang pagiisip ko.
"Bumababa kana diyan at kakain na." muling sigaw niya.

Hindi ako sumagot at walang buhay ang bumangon bago inayos ang sarili at bumaba.

Nang makababa ay kumpleto na silang nasa hapag-kainan at tanging ako na lamang ang inaantay. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang may isang tao ang hindi inaasahan mkakasabay ko sa tanghalian.

"What are you doing here?"

Siya ba? Siya ba ang sinasabing bisita ni Uncle Edd. For God's sake, bakit siya pa.

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon