TBT 8

4 1 0
                                    

Polan's POV

"Bakit ka raw pinapapunta ni Senior Polan?" bungad kinubukasan ni Mama habang kumakain kami ng almusal. Gabi na rin kasi ako nakauwe at tulog na sila, kaya hindi na kami nakapagusap pa.

Tumikhim ako bago nag angat ng tingin sa kanya. "Wala, 'wag niyo nang alamin hindi naman interasado." tugon ko.

"Interasado o hindi sabihin mo." may diin niyang sabi.

Tahimik lang kumakain sila Bria maging si Uncle at halatang nakikinig sa usapan namin dalawa.

"Ma, ano ba!" inis na sambit ko bago padabog na binagsak ang kutsara ko.

"Ate.." mahinang tawag ni Bria sakin.

"What?"

"Ang sungit mo." aniya.

Umirap ako. "Papasok na ako." Iyun lang at tinalikuran kona sila. Pero nasa bukana pa lang ako ng pinto nang muling magsalita si Mama na siyang kinatigil ko.

"Kahit hindi mo sabihin, nak. Alam ko ang dahilan. Pagisipan mong mabuti."

Hindi na ako sumagot pa at tuluyan nang lumabas ng bahay.

Dahil malapit ang bahay namin sa campus na pinasukan ko mabilis akong nakarating rito. Sakto naman ang pagdating ng dalawa kong kaibigan sakay ng kotse nila.

Yayamanin talaga ang mga kaibigan ko.

"Polan." masiglang tawag sakin ni Mira nang makababa siya. "Aga mo ah." dagdag niya pa.

Mabilis naman nakalapit si Carol sa gawin namin.

"Hi ladies." bati ni Carol nang makalapit samin. Mukhang maganda ang araw ng isang to! Iba ang awra niya ngayon. "Where's Cha?" tanung niya.

"I'm here." sagot ni Cha. Nahaharang kasi ito ng maliit na poste kaya siguro hindi niya napansin.

"Your voice sound happy, huh?" Si Mira ang unang nagtanung. Pare-parehas kaming nakapansin nun, pero siya lang ay may lakas ng loob magtanung, sabagay lahi niya na pala 'yun.

Tumawa lang si Carol at masayang inaayos at hinihawi ang buhok nitong humaharang sa mukha niya. "Well, sabihin na natin, maganda lang ang gising ko kanina."

"Really?" natatawang tanung ni Mira. "Sana ganyan ka na lang palagi." dagdag pa nito. Lihim naman kaming natawa ni Cha sa sinabi ni Mira.

Iling-iling akong naunang lumakad papasok ng school at siya naman ang pagsunod nila.

Bukas na rin pala ang nasabing retreat namin kaya kukuha lang kami ng form ngayon at uuwe na rin. Sa main building ang nasabing kuhanan kaya naman duon kami patungo.

"Polan?"mahinang tawag sakin ni Carol habang naglalakad kami.

"Hmm." tugon ko pero ang paningin nasa daan pa rin.

"Hinahanap ka ni Andrew sakin." bigla ay sabi niya. Natigilan ako. Hindi dahil sa sinabi niya kundi sa dahilan hinahanap ako ni Andrew.

"What?" gulat at naguguluhan kong tanung. "Seryoso ka?" muling tanung kopa.

Tumango siya. "Of course, kelan ba ako nagsinungaling sayo, gaga." aniya pa saka umirap sakin.

"Ngayon lang."

"I'm serious, He called me last night."

Sa tono ng pagkakasabi niya alam kong hindi siya nag bibiro. Pero bakit naman ako hahanapin niyun, wala naman akong atraso duon bukod sa natamaan ko siya ng bato na sinipa ko but, hindi ko naman sinadya iyun. Saka kung iisipin wala naman rason para hanapin niya ako. Mygad, naloloka ako sa kanya.

To Better TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon