"Wala ba silang magawa sa buhay at lagi na lang kayo ang pinagiinitan nila?" sabi ni Inspector Gonzaga at umiling
"Magpasalamat ka na lang that I still messaged Trinity, you don't want to lose a caring and handsome younger brother like me, don't you?" sabi ni Drake at nginisian pa si Inspector na napangiwi
"I wish that would happen. Seriously, sakit ka sa ulo" sabi ni Inspector at ginulo ang sariling buhok
"You don't mean that. You love me" pangaasar ni Drake kaya mas lalong nangilabot si Inspector sabay ng pag-ring ng cellphone ko.
Amazona calling..
"Speaking of Trinity" sabi ko na nagpatigil sa kanila sabay ng pag-sagot ko sa tawag at linagay ito sa loud speaker. I could hear ruffles at mga reklamo sa kabilang linya
"Hello? Okay lang ba kayo diyan?" sabi ni Trinity "Were okay. By the way, your in speaker" sabi ko at pinalibutan namin ang cellphone
"Thank god! Do you know how worried we are? Ayaw tumigil ni Gabriel sa pagpupumilit na puntahan kayo at tingnan kung buhay pa daw si Drake at Nathan at malaman kung saan sila linibing para naman daw itapon niya ang katawan niyo sa Ilog Pasig" sabi niya kaya natawa ako, ano pa nga ba ang inaasahan ko kay Gabriel?
Angel sa pangalan pero demonyo naman sa ugali "I'm going to kill someone when I get home" sabi ni Drake habang naniningkit ang mata
"May swimming pool kami, lunurin natin dun" sabi ni Nathan and cracked his knuckles kaya napailing na lang ako
"Ipahabol din natin kay Sophia" sabi ni Drake "Ingat kayo diyan ah? And text and call me from time to time para malaman naman namin kung buhay pa kayo o hindi" sabi ni Trinity
"Sige" sabi ko "Oh siya, ibababa ko na" sabi niya at binaba ang tawag kaya natatawa kong tinago ang cellphone "Its not safe anymore for all of you to travel by bus. May ipapadala dito na helicopter yun na lang ang gamitin niyo" sabi ni Inspector bago umalis and I could feel excitement rising in my chest
"Were really riding a helicopter? Cool!" sabi ko "He feels like a FBI agent again" sabi ni Drake habang umiiling "Ano pa bang inaasahan mo sa kapatid mo? Pangarap ata nun maging head ng Agency" sabi ni Nathan kaya napailing na lang ako. Boys.
Kahit sobrang seryoso nitong dalawa sa buhay mas umaangat parin ang kabaliwan nila, kahit papaano matino si Nathan kaya second place yun habang si Drake ay first place at syempre champion si Gabriel sa kabaliwan, mababaliw ka ng maaga sa tatlong toh.
Ilang sandali din kaming naghintay bago dumating ang helicopter na pinadala ni Inspector kaya ngayon nakatanaw ako mula sa pinto ng helicopter
"First time mo lang ba makasakay dito?" tanong ni Drake sa harapan ko kaya umiling ako "I tried sky diving before" sabi ko at tinanaw ulit at dinama ang simoy ng hangin
"Maganda ba?" tanong niya kaya tumango ako at mapait na ngumiti "Yeah, with my uncle and auntie" sabi ko kaya bigla siyang natahimik "Oh.." sabi niya pero tinanaw ko lang ang tanawin
"Mabuti okay lang kayo, you did the right thing, on that circumstances ay dapat hindi magpanic" sabi ni Sir Antonio kaya tumango kami, lahat ng nasugatan ay pinagaling, Sir Antonio's arm was hanging dahil sa sugat na natamo niya sa balikat.
Tahimik kaming nakarating sa destinasyon namin kaya tahimik din kami inalalayan ng faculty sa assigned na private hotel na tutuluyan namin habang nandito sa Naga City.
May sinasabi si Sir ng mapagisipan kong tingnan ang cellphone at nakita kong puno na ang inbox at group chats ko.
From: Hazel
Okay lang ba kayo?
From: Amazona
Wag kayong mamatay ng maaga ah? Sasapakin ko talaga kayo!
From: Anghel
Are you already dead? Answer me Agatha, saan linibing ang dalawa? I'm sure na hindi ka pa patay dahil may mabuti kang puso hindi gaya ng dalawang arogante at snob na kasama mo, are you safe?
Natatawa at napapailing ako sa message ni Gabriel, grabe talaga silang magasaran ah?
Lagi kasing pinagtutulungan ni Drake at Nathan si Gabriel pero nagkakasundo naman si Drake at Gabriel kung si Nathan ang pinaguusapan, then suddenly may nag-message sa group chat.
The Buang Squad:
Demonyong Anghel: ano buhay pa kayo? Konti na lang at baka sakalin na ako ni Trinity dito.
Amazona Alert!: sinong hindi? Nakakainis ka kaya? Alam mo ba ang ginawa nito ngayon?
Drae pangit: hindi malamang, nandiyan ba kami?
Demonyong Anghel: boom! Burn!
Amazona Alert!: Tumahimik ka nga! Hindi ka kausap!
Sweet Hazel: muntik na kaming makulong kanina dahil nagnakaw si Gabriel ng kotse at hinabol pa ng police dahil mabilis ang pagpapatakbo ni Trinity at tinakasan pa ni Gabriel and don't forget that we were chased by a dog.
Commander Aggi: ginawa niyo yun? Kawawa naman kayo kung ganun.
Amazona Alert!: sabi mo pa!
Drae Pangit: bakit niyo kasi pina-drive si Trinity? Mayabang yan kung sabihin niya na marunong siya mag-drive pero ikukuha ka ni kamatayan ng maaga. Teka nga, sino nanaman ang nagpalit ng nickname ko?
Demonyong Anghel: Si Trinity. Sino pa ba? Kayo lang naman ang laging nagaaway dito.
[Drae Pangit changed his nickname to Mr. Adams]
President Nate: umalis na si Inspector Gonzaga kasama ang helicopter at pabalik na sa Manila kaya Agatha at Drake bumalik na kayo sa pwesto ko dahil pupunta na tayo sa assigned room.
Amazona Alert!: What? Nandiyan na kayo? Ang daya naman!
Demonyong Anghel: Nag-helicopter kayo? Sabi ko naman sayo Trinity na sumunod tayo eh at baka nakasakay pa tayo sa helicopter!
Sweet Hazel: Teka, out na kami. Pinipingot na ni Trinity si Gabriel, baka mag-wrestling na ang dalawang toh sa bus.
President Nate: We'll talk when all of this is over.
Napailing na lang ako sa text message ni Nathan sa Group Chat namin dahil alam kong sesermonan niya ang tatlo.
Mr. Adams: Goodluck lang na lang! Me and Agatha are here to pray for your safety. *insert smirk emoji*
Tinago ko na lang ulit ang cellphone at pumunta kay Nathan na mukhang naiinip na "Lets go" sabi niya bago naglakad palayo kaya sinundan na lang namin siya ni Drake dahil alam namin na inaantok na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/226233599-288-k107763.jpg)
YOU ARE READING
Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)
Mystery / Thriller_ Carnations Series 3: Agatha has finally found that was once was hidden but this time many enemies shall rise. Many will care and one shall betray. Ngayon na naibalik na nila si Shantal sa dapat na kinatatayuan nito they will find themselves figh...