♠168♣

10 1 0
                                    

[Agatha's Point of View]

Dahil sa nangyari kahapon sa Fairytale Day ay hindi sila mapakali, Inspector Gonzaga asked for our help kaya pinagiimbestigahan na ni Nathan at Drake ang nangyari.

I was walking to the clubroom dahil daw may meeting na magaganap ng makita ko si Lu Yin sa harap ng clubroom ng Music Club.

"Hmm-mmm-hmm.." she was humming the tune of Secret Love Song na pinapatugtog sa loob ng clubroom.

"We're not allowed so stop asking nonsense"

Mapait akong napangiti at tumabi sa kanya "Hmm-mmm-hmm.." she kept humming kaya ang hula ko ay hindi niya naramdaman ang presensya ko

"You like music?" tanong ko at natawa ako nung napaiktad siya sa gulat "A-Agatha?" utal niya pa making me chuckle "Chill, its just me" sabi ko at ngumiti

"Why are you still talking to me?" tanong niya and gave me a weird look kaya tiningnan ko siya habang kunot noo "What do you mean?" tanong ko.

Ayaw niya bang kinakausap ko siya?

"You know na ginamit ka lang namin so why?" tanong niya habang nakakunot noo making me smile "Because its not your fault. Being a billionaire's child is not easy especially billionaires like your father" sabi ko kaya natahimik siya

"Why are you all not allowed na sumali sa mga club?" tanong ko at tinuon ang tingin sa tumutugtog sa loob ng clubroom "Sagabal lang daw 'yon sabi ni Dad. We are heirs of a big company so we have to act like one" sabi niya

"Are you happy?" tanong ko kaya tiningnan niya ako habang nakakunot noo "What do you mean?" tanong niya

"Are you happy with what your doing? Masaya ka bang magpa-alalay sa daddy mo? You're still young Lu so seize the moment of youth" sabi ko at nginitian siya and it seems she was in complete loss kaya hinarap ko siya

"Tell me Lu Yin, what do you really want?" tanong ko "I.." she trailed off at liningon ang bintana ng clubroom

"I always loved music, my mother once gave me a small guitar for my birthday pero sinira 'yon ni Dad telling me that I'm a heir kaya kailangan kong itigil ang passion ko sa music. I wanted to be an idol but he won't let me. Zi Yin supported my dream kaya nung Grade 8 ako ay sumali ako sa banda pero nalaman ni Daddy and was about to punish me but Zi Yin took my punishment saying that he was the one who encouraged me" sabi niya na may lungkot sa boses then she looked at me with sad eyes

"You see Agatha, us heirs are punished by being whipped in the back in the amount that our father wants at walang pinipili si Daddy kahit anak o babae so Zi Yin always takes my punishment" sabi niya kaya naawa ako sa kanila.

Their life was that bad?

They are whipped as punishment, what parents would do such thing?

"The sin that your father did ay hindi dapat imana sa inyo. Do you think that if your fear eats you up you still have a choice to escape?" sabi ko and she looked lost na parang hindi na niya alam kung ano ang gagawin

"It happened in the past, are you going to let history repeat itself?" sabi ko and I smiled ng makita ko na parang she's thinking my words through

"I'll leave you to think.." sabi ko and patted her shoulder bago umalis, hindi ko inaakala na gagawin din pala nila sa mga anak nila ang ginawa nila sa iba.

What kind of parents are they?

Bumuntong hininga ako bago buksan ang pinto ng clubroom "Agatha's here!" paganunsyo ni Gabriel kaya natatawang umiling ako at sinara ang pinto before seating beside Hazel

"So we're going to start the meeting" sabi ni Drake "Wait, why do you always act like the President here?" tanong ni Trinity habang nakataas ng kilay kaya tinaasan din siya ng kilay ni Drake

"Because I'm the Vice-President here and being the VP I should help our lazy President" sabi niya at tinuro pa si Nathan and now this time si Gabriel na yung tumayo

"Paanong ikaw ang naging Vice-President?" tanong niya "We voted remember?" pagikot ng mata ni Drake kaya sinamaan siya ng tingin ni Trinity

"No, we didn't. Don't lie to me because sa ating lahat ay ako ang nakakaalala sa bawat detalye" sabi ni Trinity

"Diba si Nathan at Drake ang gumawa ng application para sa club? Si President Maxwell pa nga ang naging Manager natin" paliwanag ni Hazel

"So ibig sabihin siya na ang Vice-President agad? Wow naman" sabi ni Trinity at pinagkrus ang braso kaya sinamaan siya ng tingin ni Drake

"Drop it Trinity" sabi niya kaya umirap si Trinity making me chuckle dahil sa mga nalaman kong bagong impormasyon

"Stop it. Ipagpatuloy mo na Drake" sabi ni Nathan kaya tumahimik na ang dalawa "Inisip na namin 'to ni Nathan. Bawal ang outsiders dito sa school kahapon kaya posibleng estudyante ang gumawa and its possible na nasa campus parin ang ginamit niyang baril at damit na pinagpalit niya" sabi ni Drake

"How about the one who shot Ms. Reena?" tanong ni Trinity kaya umiling si Drake "Magkaibang tao ang gumawa 'non" sabi ko kaya tumango si Gabriel bilang sangayon

"I saw the one who shot the student, wala itong suot na necklace" sabi ni Gabriel "And Ms. Reena said 'They already know' so a Hive member is the one to assassinate Ms. Reena" sabi ni Nathan

"We will start the investigation tomorrow, sa ngayon tapusin na muna natin ang dapat tapusin" sabi ni Drake kaya tumango kami lahat

"Meeting dismissed" sabi ni Nathan pero wala samin ang tumayo para lumabas but I could see Gabriel staring at me na parang ako lang ang tao sa mundo

"Ano kaya ang itsura mo pag-nagkaanak ka na?" natatawang napailing ako sa tanong niya sabay ng pagbatok sa kanya ni Trinity

"Ano bang problema mo at lagi na lang si Agatha ang trip mo?" sabi niya kaya tiningnan siya ni Gabriel habang hinihimas ang ulo niyang binatukan ni Trinity

"Its not a harmful question" sabi ni Gabriel at tiningnan ako

"And I am curious. You must be a loving mother" sabi niya kaya namula ako at umiwas ng tingin kaya sinimulan na siyang bugbogin ni Trinity.

I must be a loving mother? Why do I feel uneasy all of a sudden?

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now