♠️173♣️

20 1 0
                                    

"What!? What do you mean kinuha si Shantal!?"

Napatingin sa akin Ang lahat Ng sumigaw ako sa cellphone. Nawala si Shantal? Bakit? Paano? Nahanap na ba siya?

"I.. I... Just come back please..."

Binaba na ni Tita Emerald ang tawag after niyang Sabihin 'yon at kahit hindi ko itanong ay naririnig ko sa boses Niya Ang halong pagaalala at takot.

"What's wrong? Calm down.." sabi ni Nathan sakin at hinaplos ang likod ko, kitang-kita ata sa mukha ko Ang nerbyos at takot.

"Kailangan na natin umuwi Nathan! H-Hindi ko alam kung anong nangyari pero kinuha nila si Shantal!" naiiyak na Sabi ko, mahigpit ang hawak  sa cellphone.

"Anong nangyari?" nagtatakang Tanong ni Gabriel.

"May kumuha daw Kay Shantal sa bahay.." Ani ni Nathan habang napapagakagat ako sa aking kuko.

"Ano!?" tinakpan agad ni Drake and bibig ni Gabriel.

"Umuwi na muna kayong dalawa, kami na ang bahala Dito..." Sabi ni Drake na nakapagagaw ng atensyon ko "Sigurado ka ba?" pagaalinlangan kaya tumango sila

"Mas importante ngayon ang kalagayan ni Shantal, susunod kami sa inyo after nito" pagtango ni Trinity "Sige na..." paninigurado ni Hazel kaya nagkatinginan kami ni Nathan "Kaya na nila yan..." Paninigurado Niya din at inaya na ako papalabas.

****

Pagkapasok namin ng bahay ay sumalubong agad samin ang magulong paligid, sira ang ibang gamit sa sala. Mula sa hagdan, nakaupo si Tita Emerald habang nakayuko na animo'y nagdadasal.

"Tita Em!" pagtawag ko sa kanya at tumakbo papunta sa direksyon niya.

Napatigil ito ng marinig ang boses ko "Aggi?" napaluha ito ng makita Ako at agad in about Ang mga kamay ko "Sorry... Hindi ko naprotektahan si Shantal... Sorry..." umiiyak na sabi nito habang hawak ang kamay ko

"Okay lang po 'yon Tita" napalambot ako ng nakita ang naging epekto nito sa kanya "Kayo po ba? Sinaktan din po ba kayo?" pagtanong ko kaya umiling siya habang pinupunasan ni Nathan ang luha nito

"Pero kinuha nila si Shantal... may mga armadong lalaking bigla na lang pumasok at pinagbantaan kami" pagliliwanag ni Tita Emerald "Si Dad? Sinabihan mo na ba?" tanong ni Nathan Kaya umiling muli si Tita Emerald

"Mom!" tumaas ang boses nito sa galit "Mas inaalala ko kayo..." sagot ni Tita Emerald sa galit na mukha ni Nathan.

"Kahit na! Naka-armado Yung mga lalaki, paano na lang kung hindi lang Pala si Shantal yung kailangan nila? Paano kung kinuha ka din nila 'tas mas lalo ka lang napahamak!?" napabuntong hininga si Nathan sa galit.

Parehas kami ni Tita Emerald na napaiwas na lang ng tingin "Si Ana? Umuwi na ba?" pagtanong ulit ni Nathan ng maalala ang kapatid kaya umiling si Tita Emerald

"Dumeretso siya sa bahay ng kaibigan. Mabuti na lang wala siya dito kanina." Ani nito "Dalhin mo muna si Mom sa kwarto, tatawagan ko lang si Dad..." pagutos ni Nathan sakin kaya nagalinlangan ako.

Paano si Shantal?

Napansin niya ata ang mukha ko kaya pinitik niya ang noo ko "Ako Ng bahala. Dalhin mo muna si Mom sa kwarto" paninigurado nito kaya napatango na lang ako at inaya si Tita Emerald pataas ng hagdan. Tumingin muli ako sa likod para tingnan si Nathan na may seryosong kausap sa cellphone.

****

Pagkatapos kong maikalma si Tita Emerald at mapatulog ito ay bumaba ulit ako, nakita ko sa harap ng pintuan Sina Nathan at Tito Neil na naguusap.

Dahan-dahan Akong lumapit habang napatingin sa kanila "Nathan..." pagtawag ko kaya napatingin Silang dalawa sakin.

Bumaba ang tingin ko ng makita Ang mga mata ni Tito Neil "Tito, sorry... Nadamay pa kayo sa gulo namin..." napaiyak nanaman ako sa sobrang sama ng pakiramdam ko pero laking gulat ko na lang ng hinaplos nito ang ulo ko

"Wala kang kasalanan dito Agatha..." Ani nito "Pero..." napakagat labi Ako "Ang pinaka-naapektuhan Dito ay kayo ni Shantal. Ano na Ang balak niyo Ngayon ni Nathan?" pagtanong ni Tito Neil

"Hahanapin namin si Shantal" Sabi ni Nathan "Paano? Ako na Ang nakikiusap sa inyo, ang hilig niyong mangialam sa buhay ng iba. Hangang kailan mo pa kami papaalalahin ni Mommy mo?" galit na pagtanong ni Tito Neil kaya napayuko ako

"Nagmamakaawa din ako sa inyo Dad..." gulat akong napatingin Kay Nathan.

"Alam Kong konti na lang Ang tiwala niyo sakin... Pero kahit Ngayon lang, hangang Ngayon lang... hayaan mo kaming hanapin si Shantal" Ani ni Nathan.

"Paano ko masisigurado na babalik kayo Ng ligtas? Alam mo kung gaano ka-delikado Ang ginagawa mo..." sagot Naman ni Tito Neil.

"Kasi Hindi kami nagiisa Dad... Hindi lang kami ni Agatha ang lumalaban dito... Marami kami..."

Napakuyom ako ng kamao "A-Ako rin!" pagsabi ko "Nagmamakaawa rin Ako sa inyo Tito Neil. Pagkatapos nito Hindi ko na kayo aabalahin, mananahimik na po kami, kaya kong Gawin ang lahat basta... Basta payagan niyo lang kaming ibalik si Shantal!" paghikbi ko.

Kaya kong isakripisyo ang lahat, Basta maibalik ko lang ang kapatid ko sa akin. Aalis Ako sa kung gusto nila, lalayo ako kung gusto nila, mahina akong tao pero kung pati si Nathan ay kayang magmakaawa ag ganito para sa akin gagawin ko.

"Kayo..." biglang inilapat ni Tito Neil ang kamay Niya sa ulo namin ni Nathan at gamit ang mahinang boses ay binulong niya ang mga salitang nagpaluha sakin

"...siguraduhin niyong babalik kayong ligtas." napakuyom ako ng kamao at tinigil ang sarili kong mapaiyak lalo habang tinatango ang ulo ko.

****

[Third Person's Point of View]

Nagising si Emerald Ng maramdaman Ang bigat na nasa kama "Hinayaan mo ba sila?" mahinang pagtanong Niya "Yung anak mo... Hindi ko alam na marunong na Pala Siyang gumawa Ng ganoong Mukha" napatawa naman si Emerald at napapikit ng mata ng hinaplos ni Neil ang buhok Niya

"Mabilis lumaki ang mga bata, nasa harapan mo lang sila pero parang bawat minuto ay nagbabago" Ani Niya "Neil..." Pagtawag niya sa asawa "Hm?" Sambit nito "Mabuti ba nating pinalaki Ang mga Bata?" Tanong Niya

"Of course..." Sumandal si Neil upang mahalikan ang noo ng Asawa "Hindi man tayo naging perpektong magulang pero hindi tayo naging masama" Sabi ni Neil

"You don't think Amethyst and Dwayne will be disappointed at me?" pabalik niyang Tanong "Not a chance.." pagiling ni Neil habang ineele ulit si Emerald upang matulog.

****

"Andito ba sila?" pagtanong ni Agatha kaya sinulyapan ni Nathan ang cellphone Bago tumango "Mas nauna sila dito?" pina-deretso sila Nina Drake sa isang apartment complex at pumunta daw sa basement.

Binuksan ni Nathan ang kinakalawang ng gate at pinakita nito ang malawak na basement "Andito na sila!" nadinig agad ni Agatha ang boses ni Gabriel "Guess who they found?" pagngisi ni Trinity at sinulyapan ang isang lalaking nakagapos sa upuan.

Masama ang tingin nito kay Aaron na nakaupo sa harap Ng computer "His been the one leaking information?" tanong ni Agatha at pinagaralan ang itsura nito, tinaasan naman siya ng kilay ni Dean

"What are you looking at!?" he scowled pero agad din naman siyang nanahimik ng lagyan ni Dale ang bunganga nito ng pamunas "Mas nakakairita ang bunganga nito kesa sa inyo" pagiling ni Dale na sinigawan at pinanlakihan ng mata ni Dean kahit may takip ang bibig.

Tumahimik na lang si Agatha at tumango, napansin naman ito ni Gabriel pero mas pinili na lang na wag intindihin since alam niyang marami itong iniisip.

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now