"Awe, ito yung ginagamit?" sabi niya habang nakatitig sa dahon na hawak niya "Oo Trinity, swamp cabbage ang gamit hindi ampalaya" sabi ko habang umiiling
"So anong gagawin ko?" tanong niya "Hati-hatiin mo yan, tingnan mo kung kumukulo na ang sabaw then lagyan mo ng konting salt" sabi ko kaya sinunod niya ang sinabi ko, tinuturuan ko si Trinity at akala ko ay ganun lang yun kadali pero nagiisang oras na pero hindi parin niya ma-gets ang iba
"Tapos na ba? Nagugutom na ako, Trinity!" pagrereklamo ni Gabriel at sumilip sa pinto "Kung ikaw kaya ang ipagawa ko nito, ha? Batuhin kita nito eh" sabi ni Trinity at inangat pa ang kinuhang kutsilyo kaya napailing ako
"Maglaro na muna kayo ng board games, malapit na kami matapos" when Trinity finishes.
_
Naging matagal ang pagluluto namin pero sa huli ay nagawa din ni Trinity na magluto ng sinigang kaya kumakain na kami
"By the way, nakilala ko na yung ibang anak ng superiors" sabi ko kaya napatingin sila sakin "Paano?" tanong ni Gabriel habang nakakunot noo
"I was assigned to tour them around the campus, ang magkapatid na Yin na si Zi Yin at Lu Yin. Ang anak ni Guiellermo Sanchez na si Luigi Sanchez and Lee Jung-Sook's son na si Lee Jae-Hyun" sabi ko
"Na balitaan ko ngang may mga transferees dito galing sa ibang bansa" sabi ni Trinity "Do you think their planning something?" sabi ni Gabriel kaya tumango ako
"Yun nga din ang hula ko eh" sabi ko at bumuntong hininga when I thought of changing the topic "May review ba tayo about sa Quiz Bee na gaganapin sa Naga?" tanong ko kaya tumango si Drake
"Tuwing uwian nagre-review ang participants ng Quiz Bee" sabi niya kaya napatango ako
"Kasama kayo sa Naga City? Awe, mabuti pa kayo" sabi ni Trinity habang nakanguso kaya kumunot ang noo ko "Bakit naman?" tanong ko
"Naka-assign kasi kami sa Quezon para sa Quiz Bee dun" sabi ni Gabriel kaya napatango ako "Teka, aalis kayo?" napalingon kami kay Shantal ng magsalita siya
"Teka, paano ako?" sabi niya at ngumuso sakin "One week kaming mawawala Shantal pero nandiyan naman ang mga body guards at sina Tita" sabi ko at ngumiti
"Sama na ako" sabi niya "Babalik din naman kami eh" sabi ni Gabriel "Siguraduhin niyo ah! Sasapakin kita Gabriel dahil ikaw ang nagsabi" sabi niya
"Nothing is impossible for Journalists Club" sabi ni Trinity na nagpangiti sakin, history will not repeat itself this time.
♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠
"Class, starting next next week ay magsisimula ang OJT niyo. Kayo na ang bahala kung saan niyo gusto magtrabaho basta ibibigay niyo ang form and your boss will grade your performance sa final day" sabi ni Sir kaya kumunot ang noo ko, OJT?
"Akala ko para sa mga Grade 12 lang yun?" tanong ko kay Apple "Sa St. Pristine kasi trine-training ang mga estudyante mag-trabaho simula Grade 10 hanggang Grade 12 para masanay na sila, you know St. Pristine is a high class school at may sariling mundo" sabi niya kaya natahimik ako
"May gaganapin na Quiz Bee sa Naga City, Quezon City, Baguio City, at sa Masbate and participants will have a review after class at pagkatapos ng Quiz Bee ay keysa lang magsisimula ang OJT niyo" sabi ni Sir
"Yes sir" sabi nilang lahat "Ikaw Apple? Saan ka nag-OJT?" tanong ko "Pinagiisipan ko na sa Canada na lang with my older brother" sabi niya
"Paano si Harris?" tanong ko "Panganay siya samin kaya sa kanya ibibigay ang kompanya balang araw kaya pupunta siya sa Russia dahil nandun si Dad" sabi niya
"Does your family know kung ano ang mga nangyayari sa inyo dito?" tanong ko when I remembered the incident involving them kaya tumango siya
"They were worried but they were thankful na nandun ka and even hired body guards and snipers para bantayan kaming magkapatid, they even want to meet you" sabi niya kaya napangiti ako
"Mabuti naman" sabi ko at ngumiti "Ikaw Agatha? Saan ka mago-OJT?" sabi niya kaya napaisip ako "Kasama ko ata si Nathan sa kompanya ni Tito" sabi ko
"Mabuti ka pa kasama ang isa sa mga hinahangaan at matalino dito sa campus" sabi niya at ngumuso kaya natawa ako. Ganito pala sa St. Pristine?
Grade 10 ka pa lang pero pinapa-OJT ka na, hays! And here I thought matagal pang panahon bago ako mag-trabaho.
_
Naglalakad ako ng hallway at papunta sana sa faculty room para ibigay kay Sir Antonio ang mga pinapadala niyang notes namin ng bigla akong makarinig ng boses
"I'm sorry for disappointing you oto-san, I will not do it again" sabi ng isang tinig kaya sinilip ko ito at nakita si Hiro na may kausap sa cellphone
"You better not disappoint me Hiro or I will disown you because your not worthy of the Kurosawa's name" kahit malayo ako ay dinig ko ang mahinang boses ni Fumiya Kurosawa sa telepono and I saw how his hands clenched into fists at ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa cellphone
"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo and bid on Agatha Ward?!" rinig kong singhal ni Mr. Kurosawa "I'm sorry oto-san, I'm just following your orders" sabi ni Hiro, god its bad eavesdropping on somebody else's conversation!
Pero teka, orders? "Don't go all soft with Ms. Ward, I didn't raise you like that" sabi ni Mr. Kurosawa at sa tingin ko ay binaba na niya ang tawag dahil sa pagtingin ni Hiro sa phone niya
"Dammnit!" rinig kong mura niya bago tinago ang cellphone, is that why he doesn't smile?
"Were not allowed so stop asking nonsense questions"
Anong ibig sabihin niya na bawal sila sumali sa clubs? Hindi ba sila pinapayagan ng mga tatay nila? Ganito din ba sina Jae-Hyun?
Sumilip ulit ako pero wala na dun si Hiro kaya tumungo na ako sa faculty room. Pagkabigay ko kay Sir Antonio ng mga notebook ay agad akong lumabas ng faculty room at naglakad patungo sa clubroom pero napatigil ako sa paglalakad ng makita si Hiro sa Garden na mukhang malalim ang iniisip and my heart literally sank.
His emotionless eyes reminds me of mine when everything was still dark and lonely around me, my lips went to a straight line at hindi ko napigilan na lapitan siya
"Hey, nagugutom ako. Tara, libre ko sa cafeteria" sabi ko sa harap niya pero nanatili siyang tahimik kaya napabuntong hininga ako at akmang aalis na lang ng bigla siyang nagsalita
"Tell me, what is the meaning of happiness.." sabi niya kaya gulat akong napalingon sa kanya
"Please do enlighten me.." sabi niya at tinitigan ako sa mata and I was lost in words, his eyes was like a void that you couldn't tell what was he thinking.
YOU ARE READING
Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)
Mystery / Thriller_ Carnations Series 3: Agatha has finally found that was once was hidden but this time many enemies shall rise. Many will care and one shall betray. Ngayon na naibalik na nila si Shantal sa dapat na kinatatayuan nito they will find themselves figh...