♠128♣

22 1 0
                                    

[Third Person's Point of View]

"Gabriel, for once, will you just stop eating?" sabi ni Trinity kay Gabriel na ngumunguya ng potato chips

"And why would I stop? Eating is part of our daily lives Trinity" sabi niya kaya napairap si Trinity sa inis "Pabayaan mo na siya, parang hindi ka pa sanay" sabi ni Hazel habang tumatawa kaya napabuntong hininga na lang si Trinity, tumigil sila sa isang supermarket sa mga gusto daw umihi at bumili ng pagkain

"Hazel anong mas prefer mong flavor, cheese or barbeque?" tanong niya habang may hawak na dalawang piattos na magkaibang flavor "I suggest you buy the barbeque" sabi ni Gabriel

"Nagsalita na yung matakaw" sabi ni Hazel habang natatawa kaya ang kinuha niya ay yung barbeque flavor at linagay sa basket "Tara, bili tayong ice cream" sabi niya at hinila si Hazel habang si Gabriel ay may nakita sa labas ng grocery store at ngumisi, this will be fun.

Napakunot ang noo ng dalawa ng hindi na makita si Gabriel pagkatapos nilang bayaran ang pinamili "Nasan na si Gabriel?" tanong ni Trinity

"Baka nasa labas na" sabi ni Hazel kaya tumango si Trinity pero laking gulat nila na pagkalabas nila ng grocery store ay may naghihintay sa kanilang pulang kotse at ang driver ay si Gabriel

"What the hell? Ninakaw mo ba toh?!" sabi ni Hazel habang si Trinity ay may ngisi sa labi "I run it for a test drive" sabi ni Gabriel

"Pero mali yang ginagawa mo-" bago pa makaangal si Hazel ay hinila na siya ni Hazel papasok sa kotse "Magiging masaya toh!" sabi ni Trinity at binuksan ang driver's seat

"Alis diyan ako magdra-drive" pagtataboy niya kay Gabriel na natatawang umupo sa shotgun seat "T-Teka, siya ang ipapa-drive mo?" tanong ni Hazel habang namumutla

"Oo, bakit?" tanong ni Gabriel "Wag mo siyang ipapa-drive-" but it was too late, sinimulan na ni Trinity na ipatakbo ang sasakyan kaya ang mga sasabihin ni Hazel ay naging sigaw at ang kunot noong si Gabriel ay ngayon ay tumatawa na parang nakasakay lang siya sa isang ride sa amusement park

"STOP! TUMIGIL KA NA! AYOKO NA!" mangiyak-ngiyak na sabi ni Hazel sa back seat at mahigpit na nakakapit sa handle sa taas niya "PWEDE KA NG SUMALI SA DRAG RACING TRINITY!" masayang sigaw ni Gabriel habang tumatawa pa

"WOOOH!" masayang sigaw ni Trinity at humalakhak "AYOKO NA!" sigaw ni Hazel pero napatigil siya sa pagsigaw ng makarinig siya ng police sirens kaya mas lalo siyang naiyak

"Holy shit, may humahabol sating police" sabi ni Trinity at biglang tinigil ang kotse kaya napasubsub ang dalawa sa bagay sa harapan nila

"Lagot tayo nito kay Sir at Nathan" sabi ni Trinity "Not unless we get caught" gulat na napatingin sila kay Gabriel na nakangisi "What the hell are you planning, Gabriel?" tanong ni Trinity pero hindi siya sinagot ni Gabriel at pinagpalit ang posisyon nilang dalawa

"I feel like a criminal" nakangising sabi ni Gabriel "Wag mong sabihin na balak mong takbuhan ang police?" sabi ni Hazel kaya ngumisi si Gabriel

"We really have the same thoughts my dear sister" sabi niya at mas binilisan ang takbo ng sasakyan "Fuck shit ka Gabriel! Ayoko pang makulong!" inis na sigaw ni Trinity na sinagot ni Gabriek ng halakhak

"Tumigil na kayo!" rinig nilang sigaw ng police at biglang may sumulpot na mga police car sa magkabilabg gilid nila "Lagot ka sakin, Gabriel!" sigaw ni Hazel.

_

"I'm so sorry, Officer-" pagpapatawad ng faculty na naka-assign sa kanila ng makabalik sila sa grocery store "Lintik ka, Gabriel!" sabi ni Trinity at pinaghahampas si Gabriel ng libro na dala niya

"Rot in hell!" sigaw niya habang hinahampas siya sa ulo "Aray! Anghel ako Trinity, sa langit parin ang bagsak ko - aray!" daing niya habang napapailing na lang si Hazel sa isang gilid.

_

"Okay, wag na kayong gagawa ng gulo ah?" sabi ng faculty ng makababa sila sa bus dahil magiihi ang iba nilang kasamahan

"Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sa inyo" sabi niya at bumuntong hininga bago umalis kaya nagkatinginan sila ng biglang kurutin ni Trinity si Gabriel sa tagiliran niya

"Kaya ikaw, wag ka ng gagawa ng mga kalokohan ah?" sabi niya "Aray! Oo na! Magiihi lang ako" sabi ni Gabriel kaya sinamaan siya ng tingin ni Trinity

"No funny business" sabi niya kaya naiiling na umalis si Gabriel habang umiiling. Thirty minutes na silang naghihintay pero hindi parin bumabalik si Gabriel

"Nasan na ba ang lalaking yun?" inis na sabi ni Trinity habang sinusulyapan ang relo niya "Trinity!" napalingon sila sa sumigaw at kumunot ang noo ng makita si Gabriel na tumatakbo

"Arf! Arf!" at dun nila na pansin ang mabangis na aso "Oh my god!" gulat na sigaw ni Trinity kaya sila ng tatlo ang tumatakbo "Ano nanaman toh ah?!" sigaw ni Trinity

"Nag-cr lang ako ng biglang hinabol ako ng aso" sabi ni Gabriel na halata mong kanina pang tumatakbo dahil sa sobrang pawis niya "Mukha ka kasing pagkain!" inis niyang sigaw "Mukhang gusto tayo kainin ng aso" sabi ni Hazel habang tumatakbo

"Teka, ayan si Sir" sabi ni Trinity kaya sabay-sabay nilang liningon ang faculty na naka-assign sa grupo nila na nakatalikod sa kanila "Sir!" sabay nilang sigaw sa takot.

_

"Sa next stop hindi na kayo bababa, ang kukulit niyo!" singhal sa kanila ng faculty na mukhang nanggigigil na sa kanila

"Sorry sir" sabay-sabay nilang sabi kaya napailing na lang ang faculty bago sila iwan nito kaya tahimik silang nakaupo sa bus habang sinimulan na nila ang byahe

"Sa ating tatlo, ikaw talaga ang napakakulit!" nanggigigil na sabi ni Trinity at piningot si Gabriel na napangiwi sa sakit

"Aray ko Trinity!" sabi niya at pinanlakihan ng mata si Hazel "Hazel help me" nakangiwing pakiusap ni Gabriel kay Hazel na inirapan lang siya at nagsuot pa ng headphones

"Gagawin mo pa akong kriminal ah?" sabi ni Trinity at pinitik pa ang noo ni Gabriel "Aray! No wonder nagsasawa na si Drake sa bibig mo" sabi ni Gabriel habang nakangiwi parin kaya kumulo ang dugo ni Trinity sa irita

"Anong sabi mo?" sabi niya at kinurot ang mga nipples ni Gabriel kaya malakas siyang napadaing "Amazona ka Trinity! Amazona!" sabi niya at sakto naman na tumunog ang cellphone niya kaya naiiritang kinuha ni Trinity ang cellphone niya and she immediately paled at the message.

From: Pangit, estupido, demonyo, peste, at bwisit na Drake~!!

Nandito ang Hive sa bus namin and they are taking us as hostages.

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now