♠162♣

16 0 0
                                    

[Agatha's Point of View]

"Agatha!" napangiti ako at hinanda ang sarili sa papasalubong na yakap ng dalawa and laughed when they hugged me tight

"Thank god, your safe" bulong ni Trinity bago kumawala sa yakap "That was a very risky stunt you did there" sabi ni Hazel kaya natawa ako

"You almost gave me a heart attack!" sabi ni Trinity habang mangiyak-ngiyak "Sorry. Pinilit kasi ako ni Nathan" sabi ko kaya umiling sila

"Don't you ever do that again" sabi niya at niyakap ulit ako.

[Third Person's Point of View]

"Thank god your both okay" pagbuntong hininga ni Drake "Ngayon pa ba kami susuko? I don't think so.." pagiling ni Nathan kaya napailing sila

"Na contact na namin si Tita Em at uuwi sila dito ni Tito bukas" pag-inform ni Gabriel kaya tumango siya "Nakatakas po ang lalaki, Inspector" sabi ng isang officer kaya tahimik na napamura si Dale

"Find him and don't stop until you do" utos niya na tinanguan ng police officer "Sino yung pinapahanap ni Inspector?" tanong ni Nathan

"May lalaking pumunta sa kompanya at mukhang may binigay kay Agatha" paliwanag ni Drake kaya kumunot ang noo niya

"What?" tanong niya "This.." napalingon sila sa nagsalita at nakita si Agatha na may inaabot kaya kinuha 'yon ni Dale

"Its the joker card, mukhang pinaglalaruan lang nila tayo" sabi niya kaya kumunot ang noo nila "Paano mo naman na sabi?" takang tanong ni Trinity

"Kasi kung may papatayin kang tao ay dapat hindi yan ang ibibigay mong card" sabi ni Agatha when she remembered the game solitaire "Ano dapat ang ibibigay?" tanong ni Gabriel

"Ace of Spades" sabay-sabay nilang sabing apat ni Nathan, Agatha, Drake, at Dale "The Ace of Spades represents death kaya baka pinagloloko lang tayo when the guy gave me that joker" sabi ni Agatha kaya nagkatinginan sila

"So ibig sabihin may iba silang binabalak" konklusyon ni Drake "Pero ano?" kunot noong tanong ni Gabriel ng makita ang pagaalinlangan ni Drake

"The fire might be a diversion or distraction sa gusto nilang gawin.." sabi ni Nathan habang hawak ang baba niya

"Could it be that there will be a next victim?" tanong ni Gabriel and for some reason Agatha felt a chill down her spine kaya linibot niya ang buong lugar, she felt like someone was watching her..

♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠

[Agatha's Point of View]

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung insidenteng yun and sa kasamaang palad ay hindi nila nahuli ang may pasimuno.

Nasermonan kami nung sumunod na araw at kailangan ni Tito ipa-rebuild ang kompanya na nasunog.

Mataas ang nakuha namin grade sa OJT kaya wala kaming prinoblema kaya ngayon ay nasa library ako at nagaaral para sa pwedeng surprise quiz sa math mamaya.

Kinuha ko ang librong Algebra at Calculus and was about to find a table ng may mahagip ang mata ko, siya 'yon diba?

Lumapit ako sa kanya pero linagyan ko ng one meter distance ang pagitan namin "Ahm ikaw yung babae diba?" sabi ko kaya tumigil siya sa paghahanap ng libro and her feirce eyes looked at mine.

Isang tingin ko pa lang sa kanya ay alam ko ng masungit at mataray ang babae pero kahit ganon ay nginitian ko parin siya "Can we talk?" tanong ko kaya kunot noong tumango siya.

Magkaharap kaming nakaupo sa lamesa at kanina pang walang imik "Ahm, I'm Agatha Ward-"

"I know" napalabi ako sa pagputol niya sa pagpapakilala ko kaya tumikhim ako

"Ahm what's your name?" tanong ko "Valentine. Valentine Cruz" sabi niya kaya napalabi ulit ako.

Valentine Cruz?

"Your the girl, right?" tanong ko but she only stared at me "Anong alam mo? A guy gave me a joker card two days ago. Kilala mo ba siya?" tanong ko and that caught her attention

"You should have backed out when you still had the chance. You already got a joker card kaya wag mong ipapunta sa Ace of Spades" sabi niya kaya kumunot ang noo ko.

There was caution in her eyes and fear that I couldn't understand

"What do you mean? Anong alam mo, Valentine?" tanong ko pero umiling lang siya at tumayo "You dragged yourself into this mess kaya panagutan mo" sabi niya before walking away kaya napaawang ang labi ko sa gulat.

"You should have backed out when you still had the chance. You already got the joker card kaya wag mong ipapunta sa Ace of Spades"

Wag kong ipapunta sa Ace of Spades? Umiling na lang ako at binuksan ang kinuha kong libro. Ang mabuti pa ay mag-aral na lang ako imbes magisip ng kung ano-ano.

_

Nakakunot ang noo ko habang naglalakad sa hallway, the student council are putting up designs with different fairytale objects na hindi ko na alam kung saan nanggaling, may mangyayari bang event?

Napatigil ako sa pagiisip ng biglang may umakbay sakin at alam ko na kung sino yun kaya hindi ko na siya liningon "Anong nangyayari? May event ba?" tanong ko

"You really don't use the school's website? Geez Agatha, saang bato ka ba nakatira?" hindi makapaniwalang sabi niya kaya napailing na lang ako.

Busy kasi ako this past few days dahil sa mga club activities namin, quizzes, assignments, and projects na pinapagawa.

"To answer your question Agatha. Gaganapin bukas ang Fairytale Day natin" sabi niya kaya kumunot ang noo ko at tumangin kay Gabriel

"The Fairytale what?" tanong ko, ano kami elementary para gawin pa ang mga ganyang bagay?

"Alam mo naman ang St. Pristine diba? Kung ano-ano ang iniisip but we're all required to join para na din sa attendance at grade" sabi niya pero hindi parin nawala ang kunot noo ko

"What's Fairytale Day exactly?" nagtatakang tanong ko kaya inalis niya ang brasong nakaakbay sakin bago namulsa

"Its an event kung saan kailangan natin mag-suot ng costume ng isang Fairytale character at required tayong lahat gawin 'yon. Pati ang college required sumali but the event is only for the students" sabi niya kaya napatango-tango ako "So we have to buy a costume?" tanong ko kaya tumango siya

"But don't worry, si Trinity na ang bahala 'don" sabi niya "Anong ginawa niyo last year?" tanong ko

"We did the Disney princess theme. Kami bilang mga prince charming at ang mga babae bilang mga princess and it was creepy as hell!" sabi niya kaya natawa ako.

Ano kaya ang theme namin this year?

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now