♠126♣

53 2 0
                                        

"Because for me happiness is not part of the world that I live in, happiness is just a piece of crap that everybody feels and it will later disappear" sabi niya at kita ko ang pagkuyom ng kamao niya

"There's no such thing in happiness even if you wish to have it" sabi niya kaya mapait akong napangiti "I don't know" sabi ko kaya kunot noong tiningnan niya ako

"Hindi ko alam kung ano ang totoong ibig sabihin ng kasiyahan, gaya mo" sabi ko at dinama ang hangin "Kasi mararamdaman mo lang ang kasiyahan kung nakaramdam ka na ng sakit" sabi ko and I could hear his bitter laugh

"Kung sasaya ka naman masasaktan ka lang din sa huli, nakakahilo noh? Kahit gaano ka kasaya ngayon masasaktan at masasaktan ka lang" sabi ko, I once felt happiness in my parents's arms but disappeared when they died but it came back when I met the people who experienced the same pain as mine

"Ang korney mo" inis akong napalingon kay Hiro ng sabihin niya yun, aba! Pagkatapos ko siyang i-comfort gaganyanin niya ako?

"Anong korney ka diyan? Magpasalamat ka nga at kinomfort pa kita eh!" sabi ko at hinampas ang balikat niya and I stood there breathless when he cracked into laughter

"Comfort? Ano sa tingin mo sakin? Heart broken? Asa ka!" sabi niya, did I just see the most handsome guy in the world? Bat ba siya hindi ngumingiti eh ang gwapo-gwapo niya! But then, mas gwapo parin si Nathan noh! Teka, sinabi ko ba talaga yun?

"Hoy! Natulala ka na diyan?" napabalik ako sa katinuan ng winagayway niya ang kamay sa mukha ko "Pumunta ka ba sa simbahan at binasbasan ka?" hindi ko mapigilang tanong pero napadaing ako nung batukan niya ako

"Lie, baka" No, idiot nakangisi niyang sabi kaya pinagningkitan ko siya ng mata bago niya ako tinalikuran, akala niya ata hindi ko siya naiintindihan.

"By the way.." tumigil siya sa paglalakad and he looked over me in his shoulder

"Thanks.." sabi niya bago maglakad palayo pero hindi naiwasan ng makita ko ang pagsilay ng isang ngiti sa labi niya kaya napailing ako. Even the most damaged people can smile.

_

"Kailangan ba talaga mag-OJT? Nakakatamad naman!" sabi ni Gabriel kaya napailing ako "Saan pala kayo mago-OJT?" tanong ni Trinity

"Depende kay Nathan" sabi ko at ngumiti kaya napalingon sila kay Nathan "Sa kompanya daw ni Dad" sabi niya at pinagpatuloy ang pagbaba sa file na hawak niya

"Then dun din kami!" sabi nila kaya natawa ako, ano toh one for all, all for one? "Bukas na pala ang alis natin" sabi ni Trinity kaya kumunot ang noo ko

"Ha?" sabi ko kaya napatingin sila sakin "Seryoso ka ba Agatha? Hindi mo ba tinitingnan ang website ng school?" sabi niya kaya umiling ako

"Bukas ay Saturday diba? Saturday at Sunday ang review natin sa assigned place natin at magsisimula ang Quiz Bee by level" sabi ni Trinity

"Level 1 ay normal lang na Quiz Bee hanggang sa pahirap na ng pahirap" sabi ni Gabriel kaya kumunot ang noo ko "Gaya ng?" sabi ko

"Obstacles, kailangan mong dumaan sa mga obstacles para sagutin ang tanong" sabi niya kaya napatango ako, no wonder si Sir sa P.E ang nagsabi sakin dahil hindi lang macha-challenge ang utak namin kundi ang katawan din

"For now, tayong Grade 10 na three participants in each section ay sa Naga City, Quezon City, Bagiuo City, at Masbate ang destinasyon habang higher levels ay sa ibang bansa gaganapin ang Quiz Bee nila" sabi ni Drake kaya namangha ako sa narinig

"Talaga? Gaya ng ano?" tanong ko "Rinig kong kasali si Lysander sa Senior High Category at pupunta sila sa Hong Kong kung saan gaganapin ang Quiz Bee nila, while us, High school students, are the participants ng tatlong section na pinagsama at ganun din sila Gabriel" sabi niya kaya napatango ako, kakaiba talaga ang St. Pristine, nakakaloka!

Napatigil kami ng may pumasok na estudyante sa clubroom "Ms. Ward, Mr. Adams, Mr. Isle, tawag po kayo ni Sir Edino sa faculty room" sabi ng lalaki bago lumabas ng clubroom "Para saan?" tanong ko

"Ipapapili ata kayo kung anong subject ang sasalihan niyo" sabi ni Gabriel kaya kumunot ang noo ko "Kayo? Anong pinili niyo?" tanong ko

"A.P sakin, kay Gabriel naman ay Science at kay Hazel Math" sabi ni Trinity kaya napatango ako "Halika na" sabi ni Drake kaya sumunod kami ni Nathan. Naglakad kami patungo sa Faculty room at pumumta sa office desk ni Sir Edino

"Pinapatawag niyo daw kami, Sir?" tanong ko "Kasi required pumili ang estudyante sa subject na gusto niyang salihan" sabi niya kaya nagkatinginan kaming tatlo

"Ito yung pagpipilian niyo" sabi niya at inabot sakin ang papel.

Computer

Chemistry

Science

Mathematics

History

Biology

"Pwedeng kayong magpili ng tig-dalawang subject basta nandiyan sa listahan" sabi ni Sir "Computer at Chemistry ako, Sir" sabi ni Drake

"Mathematics at Science sakin" sabi ni Nathan kaya tumingin sila sakin na mukhang hinihintay ang sagot ko

"History at Biology" sabi ko bago binigay sa kanya ang listahan "May byahe tayo papuntang Naga City bukas ng umaga kaya maaga dapat kayo pumunta sa school dahil naghihintay ang bus, magimpake na din kayo para sa isang linggo niyo dun, okay?" sabi niya kaya tumango kami

"Pwede na kayong umalis" sabi niya kaya lumabas na kami ng Faculty room at nagtungo sa clubroom ng biglang may sumigaw na umagaw sa atensyon ng lahat na esrudyante sa hallway

"Mi amor!" napalingon ako sa sumigaw at napangiwi ng makita si Luigi na may ngisi sa labi

Ngumiti ako sa kanya at hinintay siyang makalapit sakin "May kailangan ka ba, Luigi?" tanong ko

"Now that your asking, yes" sabi niya and swiped his hand on the back of my head at may pinakita sakin na rosas "Can you go out on a date with me?" tanong niya at kinindatan ako.

I didn't know Guillermo Sanchez's son could be this irritating "Such sugar coated words, its making me sick" napalingon ako kay Drake ng sabihin niya yun kaya napailing ako

"Don't mind him" sabi ko at nginitian siya "I would like to go out with you.." sabi ko at kita ko ang pagbungisngis niya

"But I already have plans for today" sabi ko and this time inangat niya ang ulo ko gamit ang daliri niya sa baba ko "More important than me, mi amor?" sabi niya so I smiled sweetly

"Yes" sabi ko at linampasan siya, can't he just act like him? Nakakairita tingnan na lagi na lang siyang umaarte.

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now