♠124♣

28 0 0
                                    

"At ito naman ang President's office" sabi ko at tinuro pa ang pinto ng President's Office "Yung mga clubrooms ay nasa third floor" sabi ko

"Ms. Ward?" napalingon ako sa estudyanteng tumawag sakin "Yes?" sabi ko "Pinapatawag ka po ni Mr. Wilheilm sa entertainment room" sabi niya kaya natigilan ako, ngayon na pala yun!

"Pwedeng ikaw na muna mag-tour sa kanila?" sabi ko "Sige po" sabi niya kaya ngumiti ako "Thank you" sabi ko bago umalis, tumatambol ang puso ko sa kaba, bakit naman niya ako gusto makausap at ang malala pa ay $3,000,000 ang ginastos niya para makausap lang ako?

Napailing ako at bumuntong hininga, whew! Kaya mo toh Agatha! Binuksan ko ang pinto ng entertainment room at bumungad sakin ang isang meeting room kung saan nangyayari ang mga meetings ng mga staff ng school

"Pinatawag niyo daw po ako?" sabi ko at sinara ang pinto sa likod ko, sa gitna ng malawak na mesa ay nakaupo dun si Alcain Wilheilm habang nakangisi sakin, the smirk that reminds me of Charles

"Seat beside me Ms. Ward" sabi niya and tapped the chair across him kaya nagaalinlangan akong naglakad at umupo

"Mukhang masyado ka naming minaliit but believe me when I say this Ms. Ward, ipapabagsak ka namin" sabi niya and automatically my nervousness vanished and was replaced with irritation, that's what your getting kung minaliit mo ang Journalists Club noh!

"We're not Journalists Club for nothing, Mr. Wilheilm" sabi ko and smiled sweetly "No wonder the superiors likes you, you have a face of an angel but a brain from a devil but you won't be like who you are today if it wasn't for us Ms. Ward" sabi niya and I got intimidated by his stares pero pinigilan kong yumuko at taas noong sinalubong ang tingin niya

"We all have our bad sides Mr. Wilheilm but as for me, you have just seen half of it" sabi ko at ngumisi, akala mo magpapatalo ako sayo? You'll pay for what you did to Shantal and my parents!

"I like that attitude of yours no wonder my brother loves playing with you" sabi niya at ngumisi, his brother? Leonard Evergreen?

"We are going to get what you stole from us, Ms. Ward. Mark my words" sabi niya kaya napakuyom ako ng kamao, how can they act like wala silang pinatay na mga tao? Wala silang sinirang pamilya?

"Is transfering the superiors's children part of your plan? You will regret fighting with us 'cause you wouldn't want to feel the wrath of the children's parents you killed" sabi ko at pinikit ng mariin ang mata ko bago tiningnan ulit siya sa mata

"And some day, the things you did to us will back fire" sabi ko bago tumayo "I have lived for fifty-nine years and all I recieve is luck and you won't destroy us that easily" sabi niya at tumayo na din

"Nagtimpi ako sa ginawa niyo kay Apple and I'll make it the last" sabi ko at bumuntong hininga "Excuse me, I have to go" sabi ko bago lumabas ng entertainment room.

I agree that I was intimidated by his presence and stares but Alcain Wilheilm is boastful and a jerk!

Napailing ako at bumuntong hininga para pakalmahin ang sarili, grabe! Kumukulo ang dugo ko!

♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠♣•♠

"Nakabalik na po pala kayo Ms. Agatha" sabi ng isang katulong na pinagbuksan ako ng pinto kaya ngumiti ako at binigay sa kanya ang leash ni Sophia.

Kakabalik ko lang mula sa morning jogging at linakad na din si Sophia, hinihingal kong binuksan ang zipper ng jacker ko, kailangan ko ng tubig!

Tinanggal ko ang earphones at tumungo sa kusina kung saan ako nakarinig ng boses "Sigurado ka ba dito, Trinity?" sa boses pa lang ay alam ko ng si Gabriel toh

"Teka, may ampalaya at tomato ba sa sinigang?" sabi ni Shantal kaya kumunot ang noo ko. Teka, tomato at ampalaya? Kumunot ang noo ko and I mentally screamed sa bumungad sakin sa kusina.

Mas nakakatakot pa sa multo, horror movie at ahas ang nakikita ko "What the heck are you doing?!" hindi ko mapigilan na sigaw kaya sabay-sabay nila akong liningon, nakaawang ang bibig and my hands were suspended dahil sa gulat

"Anong nangyari dito?" tanong ko at kita ko na nagkalat ang mga utensils at ingredients "A-Ano kasi... Gusto kasi magluto ni Trinity ng sinigang" sabi ni Gabriel habang kinakamot ang leeg

"Pero wala kahit isa sa amin ang marunong magluto" sabi ni Shantal kaya linapitan ko si Trinity at tiningnan ang linuluto niya, normal ang itsura ng sinigang except na lang sa ampalaya at tomato na nandun - sinigang pa ba ang linuluto nila?

Napailing na lang ako sa nakita "Yan kasi, mga rich kid!" sabi ko at hinablot kay Trinity ang kutsara at kumuha ng sabaw pero nagalinlangan pa akong tikman.

Napalunok ako at tinikman ang sabaw and my mouth went dry at parang nanuyo ang lalamunan ko "T-Tubig" paas kong sabi kaya agad nila akong inabutan ng tubig

"Masyadong maalat, seryoso saan niyo nakuha ang tubig? Sa dagat? At bakit may ampalaya at tomato dito? Seryoso, ano ba talaga ang linuluto niyo?" sabi ko kaya tumawa ng peke si Trinity

"Wala talaga akong skill sa pagluluto" sabi niya kaya napabuntong hininga ako "Bat ka ba kasi nagluluto?" tanong ko

"Kasi itong si Drake eh! Sinasabing hindi ako marunong magluto eh siya din pala hindi marunong!" sabi niya at sinamaan ng tingin si Drake na tinaasan lang siya ng kilay kaya napasapo ako ng noo

"Hindi ka din marunong, Chan?" tanong ko kaya umiling siya "Dalawang taon na akong tulog kaya nakalimutan ko na" sabi niya kaya napailing ako

"Eh ikaw Hazel? Diba gumagawa ka ng cookies?" sabi ko pero umiling siya "I know how to bake pero kailangan mo pang magdasal para matuto akong magluto" sabi niya kaya napasandal ako sa kitchen stool, ano pa ba ang aasahan ko sa mga toh?

Matatalino nga pero mga baliw naman, hays! "Tuturuan kita magluto Trinity" sabi ko habang sinusuot ang extrang black apron

"Kaya lahat kayo, alis!" pagtataboy ko sa kanila na agad naman nilang sinunod, bumuntong hininga ako bago liningon si Trinity. Whew! This will be hard work!

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now