♠143♣

48 0 1
                                        

"Saan niyo gusto kumain?" tanong ni Trinity "How about sa Myxt Restaurant?" sabi ni Gabriel

"The Restaurant where they serve different kinds of cuisines? Pwede din" sabi ni Trinity at nagkibit balikat kaya bigla akong nangamba, sa Myxt Restaurant?

Lunch ngayon at pinagiisipan namin kung saan kami kakain, Myxt Restaurant is the most famous Restaurant here in Asia, dahil na din sa marami silang sine-serve na different cuisines, its called Myxt Restaurant dahil myseryoso ito para sa iba dahil kahit anong i-order mo ay meron sila 

"Anong pwede din? That's our favorite restaurant" sabi ni Drake kaya tumawa sila habang nanatili akong tahimik

"Okay lang ba yun sayo?" napalingon ako sa kanila ng makita na nakatingin sila lahat sakin "A-Ah, o-okay lang sakin" sabi ko at ngumiti pa.

Sabay-sabay kaming pumunta sa Myxt Restaurant and with heavy steps ay pumasok kami ng restaurant, humanap kami ng upuan and napagisipan na umupo malapit sa bintana

"Masarap ang mga luto nila dito, Agatha" sabi ni Trinity kaya may lips twitched slightly to a smile but it didn't reach my eyes

"Yeah.." sabi ko n biglang may lumapit sa amin na waitress "What's your order ma'am, sir?" sabi niya kaya hindi ako kumportible na nakaupo sa upuan ko "Isang Chicago pizza, anim na Los Angeles burger" sabi ni Gabriel

"Japanese ramen" sabi ni Drake at nagsari-sarili na silang order "How about you, Agatha? Anong order mo?" tanong ni Gabriel "Uhm, chicken fingers at japanese rice ball" sabi ko habang hindi makatingin sa mata ng waitress

"Wait, Agatha is that you?" natigilan ako sa kinauupuan ko and smiled awkwardly at the waitress "Ikaw nga! How have you been?" tanong niya, mas nailang ako when they shot me a questioning look

"I'm okay" sabi ko at ngumiti "Its been what? Two years? Ang tagal din nating hindi nagkita!" sabi niya "Its nice to see you again Iza" sabi ko

"Saan ka na pumapasok? Don't tell me your still staying at that public school?" tanong niya with disgust coating her every word as she stared at me

"Wait, your working? Tumigil ka sa pagaaral?" tanong niya when she saw my outfit at dun ako natahimik sa sinabi niya "She's studying in St. Pristine and currently in OJT kaya  ganyan ang damit niya" napalingon ako kay Nathan na nasa tabi ko

"Right baby?" sabi niya at dun nanlaki ang mata ko.

B-Baby?

Kita ko din ang panlalaki ng mata ni Iza "S-St. Pristine? Yung sikat na school? Boyfriend mo siya?" hindi niya makapaniwalang sabi

"Why not? Agatha is so beautiful at himala na lang kung walang magdi-diskarte sa kanya, diba? Anim na malamig na tubig at anim na coke. Pwede ka ng umalis, panira ka ng araw" napaawang ang bibig ko sa gulat ng sabihin yun ni Trinity na halata mo ang irita sa mukha

"Y-Yes ma'am" utal ni Iza bago umalis kaya natahimik kami "Hindi mo naman kailangan sabihin yun sa kanya, Trinity. You offended her" sabi ko kaya napatingin siya sakin habang nakakunot noo

"Really Agatha? Hindi namin alam kung paano ka kilala ng waitress na yun pero wala siyang karapatan na sabihin yun sayo, its like she's telling you that you don't have the capability to have a handsome boyfriend like Nathan at parang wala kang kakayahan na buhayin ang sarili mo, nakakairita yun Agatha" sabi niya kaya natahimik ako lalo na ng makita ko ang galit at irita sa mukha niya, ilang sandali kaming naghintay sa pagkain at tahimik na kumain ng bigla akong tinawag ng kalikasan, walang pasabi-sabi na umalis ako at nagtungo ng comfort room.

Pagkatapos kong gawin ang dapat kong  gawin ay naghugas ako ng kamay ng biglang may humawak sa braso ko at sinandal ako sa pader "I-Iza?" utal ko sa sobrang gulat

"I just want to say sorry, Agatha." sabi niya but for some reason I could not believe what she said "Its okay" sabi ko at akmang aalis na ng bigla niya akong hawakan sa braso at marahas na tinulak sa pader

"Aray! Ano ba ang problema mo Iza?" tanong ko at hinawakan ang balikat ko na tumama sa pader "I'm really sorry Agatha" sabi niya at dun na kumunot ang noo ko

"Anong-" magtatanong pa sana ako ng bigla siyang nagpalabas ng baril at tinutok yun sakin kaya bigla akong kinabahan

"I'm so sorry Agatha but a girl needs money and your the perfect solution to my problem" sabi niya kaya  napaawang ang bibig ko sa gulat and when she was about to pull the trigger when someone touched her hand and twisted her arm at sinandal siya sa tabi ko

"Roger?" gulat kong sabi at nakahinga ng maluwag "Okay ka lang po ba Ms. Agatha?" tanong niya kaya napalunok ako "I-I'm fine" utal ko, gulat parin sa nangyari

"Habang tinitingnan ko po kayo sa labas ay na pansin ko ang waitress na toh at nakita na ilang beses ka niyang tinapunan ng tingin at sinundan ka pa dito" sabi niya

"Bitawan mo ko!" sigaw ni Iza habang nagpupumiglas at namimilit sa sakit "Ano po ang gagawin ko sa kanya Ms. Agatha?" sabi niya

"Remember the Inspector na dumating sa office nung hinostage natin yung limang lalaki?" tanong ko kaya tumango siya

"Alam mo ba kung saang prisinto siya?" tanong ko kaya tumango ulit siya "Good. Idala mo siya dun at sabihin mo na pinapadala ko for inspection" sabi ko kaya tumango siya

"Yes Ms. Agatha" sabi niya kaya ngumiti ako "Mauna na ako, ikaw ng bahala sa kanya and Roger?" sabi ko kaya liningon niya ako

"Don't mention this to anyone, okay?" sabi ko bago lumabas ng comfort room, mabuti talaga may pinadala si Tito na mga gwardya kundi nasa morgue na ako ngayon.

Napabuntong hininga ako habang pabalik sa table namin pero ng umupo ako at sumandal sa upuan ay napangiwi ako sa sakit ng kumirot ang balikat ko, dahil ba toh sa pagkakahampas ko sa pader? Kainis naman oh!

"Okay ka lang?" tanong ni Nathan sa tabi ko na mukhang na halata ang pag-ngiwi ko

"Okay lang" sabi ko at ngumiti pa at pinagpatuloy ang pagkain and he didn't ask kaya nakahinga ako ng maluwag. Sana naman hindi toh mangyari ulit, I'm glad na nangyari toh sakin at hindi sa kanila.

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now