♠127♣

34 0 0
                                    

"Sa tingin mo ba ay wala silang plinaplano? Pansin ko na wala pang nangyayari" sabi ko habang nasa kotse kami ni Nathan

"Hindi natin alam, but were ready kahit ano man ang gawin nila" sabi niya kaya napangiti ako "Tama, handa nga tayo" sabi ko habang tumatango-tango, sana maging maayos lang ang byahe namin.

_

"Mabuti nakadating pa kayo noh? Paalis na ang bus" bungad samin ni Drake kaya natawa ako "Sorry, ang tagal kasi ng byahe namin papunta dito" sabi ko kaya napailing

"Dalian niyo na, tayo na lang ang hinihintay" sabi niya kaya tumango kami, pumasok kami ng bus at bumungad samin ang ibang estudyante, gaya ng tatlong junior high, senior high at college para sa tatlong category.

Nagtataka ata kayo kung bakit kami kasama pa diba? Moving up kasi kami at kailangan ng training kaya pinapasama kami. Umupo kami sa three seater at ako sa tabi ng bintana, si Nathan sa gitna at si Drake ang katabi niya, sana naman maging maayos lang ang lahat.

Dalawang oras na ang nakalipas pero nagbya-byahe parin kami at gaya nga ng sabi ni Gabriel parang walang pakealam lagi ang dalawang kasama ko sa mundo, natutulog si Nathan sa tabi ko habang may headphones na suot habang si Drake ay nagla-laptop nanaman, as if naman may nagbago dun diba?

And I am bored I tell you! BORED! Kamusta na kaya sina Gabriel? Napabuntong hininga ako at kumuha ng Nova sa bag at kumain na lang

"Drake?" pagtawag ko sa kanya "Hm?" sabi niya habang hindi ako linilingon kaya hinawi ko ng konti ang kutrina at tinanaw ang bintana

"May wifi ba dito?" tanong ko kaya tumango siya "Meron, walang password kaya maki-connect ka na lang" sabi niya kaya binalik ko sa pagkakaayos ang kurtina at kinuha ang puti kong laptop sa bag bago binaba ang lamesa sa harap kong upuan, naki-connect ako sa wifi at pumunta sa Youtube bago sinaksak ang earphones, manunuod na lang ako ng Detective Conan.

I was in the middle of watching Detective Conan breaking a case ng biglang tumigil ang bus kaya kumunot ang noo ko at tinanggal ang earphones sa tenga ko

"Kuya, bakit tayo tumigil?" tanong ni Sir Antonio sa driver ng bus "May humaharang po sa daan, Sir" sabi ng driver kaya hinawi ko ang kurtina at tiningnan kung ano ang nangyayari and my eyes furrowed when I saw three black cars at napaawang ang bibig ko ng may lumabas mula sa kotse na may dalang shotgun pero tumuon ang atensyon ko sa kwintas niya

"Holy mother of god.." gulat kong sabi at liningon si Nathan na nakasandal sa balikat ko "Nathan" pagtawag ko sa kanya at tinapik-tapik pa ang pisngi niyo and he groaned in response

"Goddamn it Nathan! Gumising ka!" mahina kong sabi at marahas na tinabig ang ulo niya sa balikat ko kaya tumama ang ulo niya sa ulo ni Drake na natutulog din

"Aray! Ano ba Nathan!" sabi ni Drake habang hinihimas ang ulo niya "Ano ba kasi ang kailangan mo, Agatha?" sabi niya at tinanggal ang headphones

"Nandito ang.." naputol ang sasabihin ko ng may biglang pumasok sa bus namin "Hoy! Sino kayo!?" sigaw sa kanila ni Sir Antonio "Tumahimik kayo!" sigaw niya at tinutok samin ang hawak na handgun

"..Hive" pagpapatuloy ko sa sasabihin ko kanina "Walang aalis dito hangga't hindi ko sinasabi, naiintindihan ba ako?!" sigaw ng lalaki kaya tumango kami, hindi ko makilala ang lalaki dahil nakamaskara siya, mula sa bintana ng driver kitang-kita ko na pinalibutan ng mga kasamahan niya ang bus na parang binabantayan

"Send a message to Trinity" bulong ni Nathan kay Drake na dali-daling nag-type sa laptop niya "Now, lahat ng gadget ipasa sa harap" utos ng lalaki kaya agad namin pinasa ang mga gadgets

"Now, kung walang dumating na tulong may itatanong ako sa inyo.." sabi niya at tiningnan kami isa-isa "At kung hindi ko nagustuhan ang sagot niyo isa-isa ko kayong papatayin, naiintindihan ba ako?" sabi niya kaya tumango kami

"Hindi naman kayo mahihirapan, your St. Pristine students after all" sabi niya at kahit may maskara na suot ay kita ko parin ang pag-ngisi niya, ano pa nga ba ang inaasahan ko? No day is normal for us.

Biglang naglakad ang lalaki sa buong bus at tumigil sa gitna at tiningnan kami lahat "I want to know your names, starting with you" sabi niya at tinutok ang baril sa isang junior high na babae

"D-Diana" utal niya at unti-unti na ngang tinutok samin ang baril para magpakilala hanggang sa tumigil yun sakin "What's your name princess?" sabi niya kaya napalunok ako

"Agatha.." I breathed out at umiwas ng tingin "Agatha" paguulit niya sa pangalan ko at kumabog ng husto ang puso ko ng tinutok niya ang baril sa ulo ko kaya napapikit ako

"You are one lucky bitch" sabi niya at tinampal ang noo ko gamit ang baril kaya napamulat ako ng mata bago niya unti-unting linayo ang baril sakin kaya nakahinga ako ng maluwag, tiningnan niya ang relo niya at ngumisi

"Ten minutes left" sabi niya kaya napakagat labi ako, what are we going to do?

[Third Person's Point of View]

"Narinig ko mula kay Appa na sinugod daw ni Tito Al ang bus ng grupo ni Agatha" sabi ni Jae-Hyun "What? Bakit naman niya yun gagawin?" tanong ni Hiro

"Its the way he says don't mess with me" sabi ni Jae-Hyun "Ano naman ang problema niyo dun?" tanong ni Lu Yin habang nakataas ang kilay sa kanya

"Lulu-noona wala naman kaming problema dun eh" sabi ni Jae-Hyun "Its like your concerned for her" sabi niya "I'm not concerned" sabi ni Jae-Hyun

"Huwag kang malisyosa, Lulu" sabi ni Hiro "Don't go all soft with her Hiro" sabi ni Zi Yin kaya sinamaan siya ng tingin ni Hiro "I am not, bakit ba masyado kayong maliyoso" sabi niya

"Because we can read between the lines, Hiro" sabi ni Lu Yin "Do you think hindi ko kayo nakita na magkausap kahapon?" sabi ni Luigi kaya natahimik si Hiro

"You know what will happen if you don't harden that heart of yours, Hiro. Wag mo kaming idadamay diyan sa plina-plano mo" sabi ni Zi Yin na nagpatahimik sa lahat bago lumabas ng kwarto kaya napakuyom ng kamao si Hiro, he was not getting soft with Agatha, that's just them talking nonsense.

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now