Busy ako sa pagaayos ng schedule ni Nathan para mamayang hapon "May dinner meeting ka mamayang gabi with Mr. Lee ng Lee Group of Companies na dapat mong asikasuhin at mga papeles na kailangan mong pirmahan para sa Department nila Gabriel" sabi ko habang nakatingin sa tablet kung saan nakalagay ang lahat ng schedule ni Nathan ngayong araw na busy kaka-pirma ng mga papeles
"Bawal ba akong mag-pahinga kahit sandali lang?" he groaned kaya natawa ako "Ako na lang ang tatapos sa iba mong papeles" sabi ko dahil medyo naawa na din ako sa kanya
"Thanks" sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa ng biglang bumukas ang pinto ng office niya at bumungad sina Drake, Trinity, Hazel, at Gabriel
"I'm so sorry na hindi kita pinansin ng dalawang araw pero nainis lang talaga ako" sabi ni Trinity kaya napangiti ako, tama kayo ng basa, dalawang araw na nga niya akong hindi pinapansin kaya kahit mahirap ay tiniis ko at inintindi ang sinabi ni Gabriel na 'Give her time' and it seems like today's the time
"Its okay naiintindihan ko naman" sabi ko "Now, you have to tell us kung paano mo nakilala ang waitress na yun" sabi niya pero hindi na ako nagulat, sa totoo lang alam ko ng itatanong nila sakin yan pero pinipigilan lang nila ang sarili nilang magtanong
"I was fourteen years old ng napilitan akong lumipat sa isang public school para makatulong kina Tita dahil nung panahon na yun ay nagsisimula na ma-bankrupt ang kompanya ng Tito ko kaya napilitan akong mag-trabaho at the age of fourteen, kaibigan ko ang anak ng may ari ng Restaurant kaya siya na mismo ang nag-hire sakin para magtrabaho. I was lucky at that time na marami akong connections so at the age of fourteen sinikreto ko na nagtra-trabaho ako sa Myxt Restaurant dahil ayaw na ayaw nila Tita na mag-trabaho when the time came na tuluyan ng ngang na lugi ang kompanya ni Tito kaya kailangan niyang mag-hanap ng ibang trabaho kaya sinimulan ko ng mag-racket-racket with the help of my friends pero napilitan akong itigil ang pag-trabaho ko nung malaman ni Tita kaya tinuon ko ang atensyon sa pagaaral and started being a scholar in well-known private schools pero hindi sa St. Pristine dahil masyado pa akong natakot nun na baka tama ang mga chismis na matatalino lang ang makakapasok dun kaya na insecure ako at hindi na lang nag-sign up bilang scholar nila. Alam nila kung gaano ako ka-desparada sa pera nun kaya ganun na lang ang mga na sabi ni Iza" sabi ko at ngumiti then the room fell silent, mukhang ito ang unang beses na marinig nilang mag-kwento ako tungkol sa nakaraan ko na gustong-gusto ko ng kalimutan but how?
"And we were living a luxurious life at that time" mahinang sabi ni Trinity pero sapat lang para marinig ko "Why do I feel guilty all of a sudden?" sabi ni Gabriel kaya napailing ako
"That was in the past and what happened in the past, stays in the past" sabi ko at umiwas ng tingin "Yung parents mo? Wala ba silang hawak na kompanya?" tanong ni Drake kaya tumango ako
"Meron, isang Pharmaceuticals dito sa buong Asya pero sa pagkakaalam ko hawak yun ni Tita for the meantime hangga't hindi ko pa kayang asikasuhin ang negosyo namin" sabi ko at ngumiti
"Magkaparehas pala ang negosyo ng parents natin pero samin ospital" sabi ni Gabriel kaya tumango ako "I know, Winston's Private Hospital, right?" sabi ko kaya tumango siya
"So that's the reason kung bakit balisa ka nung pumasok tayo sa Restaurant?" tanong ni Trinity kaya tumango ako
"Its been a long time since I stepped into the Restaurant" sabi ko at ngumiti "Nagtataka lang ako, when we were in first year lagi tayo pumupunta dun tuwing lunch, diba? Bakit hindi ka namin nakikita nun?" tanong niya kaya ngumiti ako
"I was assigned as a kitchen staff kaya hindi niyo ako nakikita" sabi ko kaya napatango-tango siya "I'm glad na okay na tayo" sabi niya kaya natawa ako "Ako din" sabi ko
"So is your drama finish?" tanong ni Nathan habang busy sa pagpirma "KJ mo naman" sabi ni Gabriel habang nakanguso
"Kung okay na kayo sa reunion niyo pwede na kayo umalis dahil marami pa akong aasikasuhin" sabi niya getting a groan from everyone
"Umalis na lang kayo bago sumabog sa inis si Nathan" sabi ko kaya wala na silang nagawa kundi umalis ng office niya
"About the schedule?" sabi ni Nathan habang abala parin sa pag-basa at pag-pirma kaya hindi ko mapigilan na ngumiti bago tumikhim at pinagpatuloy ang pagbabasa ng schedule niya.
[Dale's Point of View]
"Detective Senior Inspector Gonzaga may bisita po kayo" lumipat ang atensyon ko sa bumukas ng pinto at kunot noong tiningnan siya
"Sino?" tanong ko kaya linuwagan niya ang pinto at bumungad ang dalawang tao
"Maiwan ko na po kayo" sabi ni Emily bago umalis, pinag-aralan ko ng itsura nila, base on the man's outfit parang bodyguard ang dating niya while yung babaeng hawak niya ay mukhang waitress ng isang Restaurant
"Anong maitutulong ko?" tanong ko at linapitan sila "Pinapadala ni Ms. Agatha for inspection" sabi niya at tinulak ang babae na nagpupumiglas and when I heard the word 'inspection' ay agad akong napangiti dahil alam na alam ko kung ano ang ibig sabihin nun
"Sige, kami ng bahala sa kanya" sabi ko kaya tumango siya at yumuko bago lumabas ng opisina "Nakita mo ba si Stanford?" tanong ko kay Christine na nakaharap sa computer
"Dinala sa safe house niya sina Theo" sabi niya kaya napatango ako "What's your name?" tanong ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin
"Your just making this harder, you know?" sabi ko at liningon si Christine "What's her name?" tanong ko kaya agad niya akong sinagot
"Iza Montero, ang natapos lang niya ay elementary at may ama na may sakit sa puso kaya kailangan ng transplant worth two million at kasalukuyang nagtra-trabaho sa Myxt Restaurant" sabi niya kaya napatango ako.
Great job, you just gave me a very useful person, Agatha Ward.
YOU ARE READING
Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)
Mystery / Thriller_ Carnations Series 3: Agatha has finally found that was once was hidden but this time many enemies shall rise. Many will care and one shall betray. Ngayon na naibalik na nila si Shantal sa dapat na kinatatayuan nito they will find themselves figh...