♠144♣

28 0 0
                                    

Kung gaano ka-tahimik ang pagkain namin kanina ay ganun din katahimik ang pagbalik namin sa opisina

"She's really angry at me" sabi ko at bumuntong hininga habang nakatingin sa papalayong likod ni Trinity at Hazel na kanina  pang walang imik, anong gagawin ko?

Hindi ako magaling mag-suyo ng galit na tao "She won't be angry for long, hindi naman kaya ni Trinity na magalit sayo ng ganun katagal" sabi ni Drake sa tabi ko

"Just give her time" sabi ni Gabriel "Mauna na kami" sabi ni Drake at hinila palayo si Gabriel na gustong tumambay sa office ni Nathan

"Agatha" napalingon ako kay Nathan ng tawagin niya ako "Bakit?" tanong ko "Sumunod ka sa office" sabi niya bago nagtungo sa opisina kaya kumunot ang noo ko, may ginawa ba akong para tawagin niya ako sa opisina niya?

Is this about what happened in Myxt Restaurant? Bigla akong nangamba habang naglalakad patungo sa office ni Nathan, tumakbo na lang kaya ako?

Lumunok ako bago pumasok ng office "May problema ba Nathan?" tanong ko ng makita na nasa sofa siya nakaupo at hindi sa swivel chair niya, naka-tupi din ang sleeves niya at hindi suot ang coat niya

"Halika dito" sabi niya kaya kunot noong umupo ako sa tabi niya "May problema ba Nathan?" paguulit ko sa tanong ko kanina na hindi niya sinagot

"Hubarin mo yan" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya "H-Ha? T-Teka, bakit?" kinakabahan kong sabi "Hubad. Dali" may diin na sabi niya kaya kinakabahang hinubad ko ang blazer

"Pati ang polo ko?" tanong ko kaya tumango siya kaya napalunok ako, ano bang plina-plano nito sa akin?

"T-Teka, sabihin mo muna sakin kung bakit mo ko pinapahubad" sabi ko at tiningnan siya sa mata kaya tinaasan niya ako ng kilay and gave me a look that tells me 'Huhubad ka o hindi?' kaya nanginginig na binuksa ko ang unang butones pati ang pangalawa at pangatlo at akmang bubuksan ang pang-apat ng pigilan niya ako at pinatalikod

"T-Teka, ano ba ang plina-plano mo ha?" tanong ko ng bigla niyang binaba ang sleeve sa balikat at napangiwi ako when his fingers touch my shoulder then realization hits me

"Saan toh galing? Na pansin ko toh kanina nung umupo ka sa upuan" sabi niya at narinig ko ang pagkuha niya ng isang bagay, kaya ba niya pinapahubad ang damit ko?

"May plano ka bang sabihin sakin na may sugat ka?" sabi niya at napangiwi ako ng maramdaman ko ang kirot at ang pag-dampi ng isang malamig na likido sa balikat ko

"Natamaan ko lang habang nasa cr ako" sabi ko "Hmm, nakakapagtaka  naman, sa pagkakaalala ko hindi ka makakakuha ng  ganito ka-laking pasa kung hindi ka sumubsob o hinampas" sabi niya kaya napalunok ako

"Nadulas lang ako sa cr at tumama ang balikat ko sa pinto" pagsi-sinungaling ko kaya narinig ko na lang ang pag-buntong hininga niya "I know your lying Agatha" sabi niya kaya natahimik ako

"May umatake bang Bounty Hunter sayo habang nasa comfort room?" sabi niya pero nanatili akong tahimik "Was that the waitress's doing?" tanong niya kaya dun ako natigilan, did Roger tell him?

"P-Paano mo nalaman?" utal ko "Habang papasok tayo sa kotse, kitang-kita ko si Roger na pinasok ang isang babae sa kotse which was the waitress that served us" sabi niya kaya natahimik ako, kahit sabihin ni Roger alam kong hindi ko kayang magalit sa kanya because anong karapatan ko?

His doing  his job and telling Nathan my condition is part of his job "I won't ask further but you really have to tell me next time kung may masakit sayo, hindi yung lagi na lang akong nanghuhula at titingnan ang bawat kilos mo" sabi niya kaya natahimik ako

"I'm sorry, ayoko lang naman na magalala kayo" sabi ko kaya bumuntong hininga siya "I know kaya nga tuwing nagsisinungaling ka hindi na ako nagtatanong dahil alam kong may dahilan ka" sabi niya, goodness where did I get a brother this understanding?

I suddenly envy Ana, jusko magiging ganito din ba siya kay Ana pag-lumaki siya? "Can you see us in the future?" biglang tanong ko "I don't know.." sabi niya habang ginagamot ang pasa ko

"I don't even know if we still have a future" sabi niya at nung binendahan niya ang pasa ko kesa ko lang inayos ang damit ko "Pero baka sakaling buhay parin tayo when all of this is over, what do you see?" tanong ko at tumingin sa mata niya

"A happy life" sabi niya na nagpangiti sakin "Malapit na ang Christmas" sabi ko "What do you want as a gift?" tanong ko "Kahit ano basta bigay mo" sabi niya kaya napangiti ako

"Even if I give you Monica?" tanong ko habang nakangisi kaya pinagningkitan niya ako ng mata "Don't you dare.." sabi niya na may halong pagbabanta sa boses kaya hindi ko mapigilan na matawa

"Chill. Nagbibiro lang ako, ayoko kayang kasama yun sa pasko" sabi ko "Malapit na ang birthday mo" sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay

"At paano mo naman nalaman kung  kailan ang birthday ko aber?" tanong ko at kumunot ang noo ko ng bigla siyang ngumisi "Nakakalimutan mo ata kung sino ang kaharap mo. I am no other than Nathan Isle the son of Neil Isle, the richest billionaire in Asia" sabi niya kaya hinampas ko siya sa balikat sabay irap

"Yabang" sabi ko "If Dad has many connections then I have to" sabi niya "And that connection is no other than Mrs. Isle" sabi ko kaya sumimangot siya

"Masyado kang epal, I'm still seizing the moment here" sabi niya kaya natawa ako "Don't worry, pagka-graduate mo hindi lang utak ang ipagyayabang mo pati ang apelyido at kompanyang hawak mo" sabi ko habang nakangiti

"If I do that you'll always be by my side?" sabi niya kaya ngumiti ako "Of course, what are siblings are for?" sabi ko kaya napailing siya "Bumalik ka na dun" sabi niya habang liniligpit ang first aid kit

"And start working" sabi niya kaya natatawang sumaludo ako bago tumayo "Yes sir" sabi ko at binaba ang nakasaludo kong kamay bago lumabas ng office niya.

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now