♠158♣

34 1 0
                                        

"Ang gwapo naman ni Sam!" sabi ni Trinity habang naglalakad kami sa office. Kahapon niya pang sinasabi yan at hanggang ngayon ata ay hindi parin siya nagsasawa sabihin yun ng paulit-ulit

"I know" pagtawa ko "Magtrabaho ka na imbes lumandi diyan" sabi ni Drake at binatukan si Trinity ng dumaan siya samin kaya natawa ako

"Epal ka!" sabi ni Trinity at hinabol si Drake na naglalakad papalayo, sakto naman na nag-vibrate ang cellphone ko.

From: Nathan

Pumunta ka dito sa opisina. May itatanong ako.

Kumunot ang noo ko sa text niya at tinago na lang ulit, ano naman ang ita-tanong niya? At sakin pa talaga siya nag-tanong ah? Akala ko matalino na yun para mag-tanong pa?

Napailing na lang ako at naglakad patungo sa opisina pero hindi ko parin mapigilan na ma-curious, ano ba kasi ang itatanong niya?

Napabuntong hininga ako at binuksan ang pinto at nakita si Nathan na abala sa pagbasa ng papeles habang nakaupo sa swivel chair niya

"May itatanong ka?" tanong ko kaya tumango siya at sinenyasan akong umupo sa visitor's chair kaya sumunod ako

"Ano yung tanong mo?" tanong ko habang nakakunot noo, ilang sandali niya akong tinitigan bago umiwas ng tingin "Nothing" sabi niya kaya napanganga ako, seryoso ba siya?

Tinawag niya ako dito para lang sa wala? "Okay ka lang, Nathan?" bigla kong tanong dahil hindi naman siya magkakaganito kung walang problema

"Nothing. Go back to work" sabi niya habang hindi ako linilingon kaya napailing na lang ako at lumabas ng office, ano bang problema niya? Stress?

[Drake's Point of View]

"May problema ba Nathan?" taka kong tanong ng makapasok ako sa opisina niya. Nag-text siya sakin kanina na may itatanong daw siya and knowing Nathan hindi yan basta-basta nagpapatawag kung hindi importante at kailangan pa ba niya akong itanong? Nandiyan naman si Google ah?

"Umupo ka" sabi niya kaya sumunod ako pero pansin ko ang pagkalutang niya dahil nakatulala siya nung pumasok ako, nakasandal siya sa swivel chair habang ang kamay niya ay nasa sentido niya na para bang ang lalim ng iniisip niya at parang namromroblema

"Hoy! Anong problema mo?" pagtawag ko sa kanya kaya hinarap na niya ako ng tuluyan "What did you feel nung magkagusto ka kay Trinity?" tanong niya kaya nagulat ako sa tanong niya

"Ano? Bat mo naman na tanong yan?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay "Answer me, will you?" sabi niya kaya kumunot ang noo ko

"Ikaw ba talaga ang kaibigan kong si Nathan Isle? Baka clone ka lang din niya? Nasan na yung bangkay niya ha?" sunod-sunod kong tanong, alam kong para na akong si Gabriel pero hindi niyo naman ako masisisi diba?

Masyado akong nagulat sa tanong niya pero bigla niya akong sinamaan ng tingin sabay hampas sakin sa ulo ng hawak niyang folder

"Sagutin mo na lang, pwede ba?" sabi niya kaya napailing ako at bumuntong hininga "I feel happy when she's angry or annoyed pero yun lang ang nararamdaman ko baka dahil sa matagal na kaming magkasama simula bata pa lang at nasanay na sa presensya niya. Sabi daw nila kakabahan ko kung masyado siyang malapit pero masaya kapag malapit siya pati ako naguguluhan and they say that you can feel butterflies in your stomach kung may ginawa siyang kamangha-mangha" sabi ko then he suddenly scoff

"Butterflies in my stomach? Nonsense" sabi niya kaya tumango ako "I know, right? But I do feel it sometimes" sabi ko then he suddenly fell silent then I can finally process everything that he did and asked, possible bang..?

Malalaking mata ko siyang binalingan habang nakaawang ang bibig at napatayo pa sa sobrang gulat before pointing an accusing finger at him

"You like someone, don't you?" sabi ko at pinagningkitan pa siya ng mata na parang sinasabi na 'Wag kang magsisinungaling sakin' kaya tinaasan niya ako ng kilay

"Stop saying nonsense and get out of my office" sabi niya habang malalim parin ang iniisip "So who's the lucky girl?" sabi ko kaya pinagningkitan niya ako ng mata

"No one and don't tell this to anyone lalo na kay Gabriel" sabi niya "Your secret is safe with me pero ipakilala mo siya samin kung sigurado ka na talaga sa nararamdaman mo" sabi ko bago lumabas ng office.

The last time I saw Nathan liking someone was ten years ago at hindi ko na makilala pa kung sino ang babaeng yun but I'm sure that she's the one who gave Nathan a nickname, hindi naman kasi kami masyadong gumagamit ng nickname when she appeared but I already forgot her name, sino nga ba ulit yun?

[Agatha's Point of View]

"Anong sabi niya?" tanong ko nung makalabas si Drake sa office ni Nathan

"Nothing. He asked about the proposal na pina-assigne sa department namin" sabi niya kaya bigla akong napasimangot "Ganun ba? Sige" sabi ko

"Pero Agatha, may nakita ka bang kasama si Nathan na babae?" tanong niya kaya nagsalubong ang kilay ko "Ano? Wala naman, bakit?" tanong ko

"Wala naman" sabi niya bago umalis, why would he ask such question? Alam naman niyang ayaw ni Nathan na may nakabuntot na babae sa kanya palagi but wait, diba dati nakabuntot lang din ako sa kanya?

So he hates me? Bigla akong na lungkot sa naisip ko, kaya ba ang dali niyang magalit sakin?

No, sabi niya na hindi daw niya makakayanan na magalit sakin ng matagal pero paano kung nagsisinungaling siya? But he gave me those four papers nung camp, doesn't that mean something? O baka naga-assume lang ako?

Bigla akong naghinayang at kung ano-anong possible theories ang pumasok sa utak ko kung galit ba sakin si Nathan, ayaw ba niya sakin, naiirita na siya pero pinipigilan lang niya, nagiging mabait lang siya dahil sinabi ni Tita o baka pinigilan lang niyang sigawan ako dahil sinabi ni Tita Em at nagpapakabait lang siya?

Konti na lang ay maiiyak na ako "Miss?" natampal ko ang sariling pisngi at inangat ang tingin pero agad akong nangamba ng makita ang lalaking kagarap ko, naka-jacket siya at natatakpan ng mukha niya ang hoodie ng jacket, nakatupi ang sleeves ng jacket kaya kita ko ang relo at ang sugat niya sa braso na parang nasunog siya but I notice the necklace he's wearing, Hive's necklace.

"S-Sino ka?" tanong ko pero ngumisi lang siya at may linapag sa counter "Goodluck Ms. Ward" sabi niya na may malalim na boses bago maglakad palayo kaya napatingin ako sa linapag niyang bagay at kinuha yun pero nanghihinang napasandal ako sa swivel chair habang nakatingin sa joker card at sa likod nun ay ang logo ng Hive kaya napatayo ako

"Wag mo siyang hahayaang umalis!" sigaw ko sa guard na malapit sa elevator "Sino po ma'am?" tanong niya

"Yung lalaking naka-jacket!" sigaw ko kaya agad siyang gumalaw kasabay ng lima pang guard at kita ko ang pag-vibrate ng cellphone kaya mas lalo akong kinabahan at natakot and with shaky hands I took my cellphone at tiningnan ang message.

From: Unknown Number

The Blazing Inferno will happen. I wish you luck Ms. Ward.

Nanlaki ang mata ko at nanghina sabay ng pag-andar ng emergency alarm, why does this have to happen to us?

Breaking The Code: Bounty Hunter (Carnations Series #3)Where stories live. Discover now